***
★
Natapos na akong magsulat sa Dear Diary... Nag-eenjoy talaga akong mag-share ng mga nangyayari sa akin kay Daisy.
Ilalapag ko na sana ang phone ko nang biglang tumunog ito.
1 message received...
From: Unknown (09123456789)
Hi...
Hindi ba talaga siya titigil sa pag tetext?
To: Unknown (09123456789)
Sino ka nga ba talaga?
Reply ko naman.
From: Unknown (09123456789)
Gusto ko ang namang makipagkaibigan sa'yo...
Makipagkaibigan? Ni hindi ko nga siya kilala.
From: Unknown (09123456789)
Hindi ako nakikipagkaibigan sa isang stanger. Hindi nga kita kilala, ni hindi ko alam ang pangalan mo. Babae ka ba o lalake? Bakla o tomboy? O baka alien ka at gusto mong i-invade ang earth tapos kinaibigan mo ako para mas madali sa'yo na masakop ang earth.
Naku! Lumalala na talaga ang imagination ko. Ilang minuto din ang lumipas at nagreply na siya... Hinintay ko pa, huh?
From: Unknown (09123456789)
HAHAHAHA, grabe ka naman... Ang wild ng imagination mo. Hindi ako alien, tao po ako... Lalake po ako, hindi ako babae o tomboy, mas lalo nang hindi ako bakla... Tunay po ako.
Hindi ko mapigilang matawa sa reply niya... Pinatulan niya talaga yung mga sinasabi ko. Tumunog naman ulit ang phone ko.
From: Unknown (09123456789)
So, pwede na bang makipagkaibigan?
Seryoso talaga siya? Mukhang okay naman siya eh... Hindi naman siguro masamang makipag-text sa kanya.
To: Unknown (09123456789)
Tell me your name first!
.
.From: Unknown (09123456789)
Ben...
Call me BEN.
Seriously? Ben as in BEN 10? Eh, Alien yun eh. Tama nga ang hinala ko, alien nga siya...
To: Unknown (09123456789)
Okay, nice to meet you Ben.
.
.From: Unknown (09123456789)
So, friends?
Kulit din nito noh? Sige na nga... Gusto ko rin nang katextmate nang mabuhayan naman tong message ng cellphone ko. Puro nalang kasi Dear Diary at Social Medias ang ginagawa ko.
To: Unknown (09123456789)
Fine!
Ini-save ko na ang number niya. From Unknown (09123456789) to Mr. Stranger.
Hindi pa rin kasi ako naniniwala na Ben talaga ang pangalan niya, sino bang magbibigay ng totoong pangalan sa taong sa text lang nagkakakilala? Sinakyan ko lang ang trip niya...
From: Mr. Stranger
Thank you... Miss FG.
Miss FG? What's that?
To: Mr. Stranger
Miss FG???
.
.From: Mr. Stranger
You will know it soon... Kapag malaman mo kasi ngayon, baka hindi mo na ako rereplyan.
Oooohhh.. Strange guy... Bahala na nga.
To: Mr. Stranger
Fine! Hmm.. I think I need to sleep... Im tired.
.
.From: Mr. Stranger
Okay, Miss FG... Good night! And see you sa panaginip ko.
Baliw talaga to... Feel ko kilala ko talaga 'to, but I'm not sure.. Maybe, mas kilala niya ako. Nakakatakot huh...
To: Mr. Stranger.
Good night!
Hindi ko na siya pinatulan... Inaantok na kasi ako... Maaga pa naman ako bukas.