Dear Diary #6

4 0 0
                                    

***

jas_ZOEY

Dear Diary#6

Hello, Daisy... Maaga akong nagising ngayon... Nag-ring kasi ang phone ko, tumawag si Reign, namimiss niya daw ako. Namiss ko tuloy si Reign kahit 3 days lang ako doon. Ang ingay din kasi niya. Daming kwento... Sana may kapatid din ako tulad niya.

Namiss ko ang luto ni Manang... Adobo at paksiw. Hindi kasi nagluluto sina Mom at Dad sa bahay... busy kasi sila.
Maagang umalis sina Mommy at Daddy, pinuntahan nila ang kani-kanilang mga business. Magkatabi lang naman ng Lee's Restaurant at Jasmine's Coffee Shop. Pinangalan nila sa akin ang coffee shops ni Mommy. Ang sweet diba?

Nagpaalam pala si Manang na umuwi muna sa probinsiya nila... Nagkasakit daw kasi ang nanay niya na 89 years old na. Ang galing diba? Hindi dahil may sakit ang nanay ni Manang... Magaling kasi nakaabot siya ng 89. Sana ako din. Hinatid naman siya nina Daddy sa terminal ng bus. Hindi na ako sumama kasi kailangan ko pang mag-study para handa na ako sa pasukan. Hinanda ko na rin ang uniform at mga gamit ko.

Gabi na ngayon, wala pa sila Mommy at Daddy, ako lang at si choo-choo ang magkasama ngayon. Andito ako sa kwarto ngayon nakatambay... Dito naman kasi talaga ako tumatambay. 6 p.m. na at hindi pa ako nagluto, nakakatamad kasi... Gusto ko sanang mag-order nalang kaso biglang nag-activate si katamaran kaya andito ako ngayon nakahiga sa malambot kong kama habang kumakain ng cookies. Sana dumating kaagad sina Mommy at dalhan nila ako ng pizza... Nagccrave kasi ako ng pizza at lasagna ng Greenwich at siomai sa Master Siomai... Gutom na talaga ako....

Hmmm.. Teka Daisy, mamaya nalang ako magkwento sa'yo, tumatawag kasi si Reign... Mamaya na ulit.

Love,
Zoey

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon