***
jas_ZOEY
Dear Diary #2
Hello! It's me ulit. Oo nga pala, Daisy na ang itatawag ko sa'yo ngayon. Alam mo bang late na kaming nagising ni Reign dahil 2 a.m. na kaming nakatulog? Grabe ang daming kuwento ni Reign, pati butiki sa kisame pinagtripan niya ginawan niya ng love story. Nauna akong nagising dahil hindi pa rin ako sanay na matulog sa ibang bahay. Nakailang sleep over na ako dito kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa bahay na 'to.
Alam mo bang muntikan ko nang mabasag ang baso nila dahil nagulat ako kay Kuya Renz, bigla-bigla kasi siyang sumusulpot. Bumaba ako kasi nauuhaw ako, kaya bumaba na ako at tinungo ang kusina... Nang malapit ko nang maubos ang iniinom kong tubig biglang may sumulpot sa tabi ko si Kuya Renz kaya muntik ko nang mabitawan ang baso na hawak-hawak ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya hindi dahil sa nagulat ako kundi pinahiram niya yung iPad niya. Tumango lang naman siya. Ang galing diba? Sinabi ko sa kanya na isasauli ko na ang iPad niya ngayon pero alam mo kung anong nangyari? Nagsalita lang naman siya... 3rd time kong narinig siyang nagsalita. Hala! Binibilang ko pala?
"Okay lang, aalis naman ako..."
Yan lang naman ang sinabi niya. Siguro precious sa kanya ang boses niya o di kaya may limit ng pagsasalita niya.
Haaaay naku! Tama na nga yang siguro.Oo nga pala Daisy, gusto ko lang sana na ipakilala ko sa'yo ang parents ko. Want to know their names? My Mommy is Yasmine Lee and my Daddy is Joey Lee. Alam mo na siguro kung saan nanggaling ang pangalan ko diba? Obvious naman kasi.
Well, Chef ang parents ko at may 5 restaurants kami at 3 coffee shops. Si Daddy ang namahala sa mga restaurants while si Mommy sa mga coffee shops. Kaya ang kinuha kong course ay Culinary Arts, gusto ko rin kasing mag chef simula pa kasi nung bata pa ako mahilig na akong mag-bake kaya alam ko na kung pano gumawa ng mga cakes, brownies, cupcakes, cookies at iba pa. Kaya ang focus ko ngayon ay kung pa'no magluto ng mga heavy dishes... Kaya ngayong pasukan, 4th year na ako. Si Reign naman, ang kinuha niya ay Business Administration, yan kasi ang gusto ng Mama niya. At dahil may business na iniwan ang Papa niya bago siya mamatay kaya nagustuhan niya rin ito.Oh, mahaba-haba na ang ikinuwento ko sa'yo... Next time ulit Daisy, magsho-shopping pa kasi kami... Ikukwento ko nalang sayo mamaya...
Love,
Zoey