Chapter 21

2 0 2
                                    

***

Well, not like yesterday... 8 na akong gumising... Hindi naman talaga maaga ang klase ko.

Bumangon na ako. Nag-ayos, naligo, nagbihis at nagpaganda... Hmm, FYI, wala akong pinapagandahan ha.

Bumaba na ako, dala-dala na ang mga gamit ko. Ayoko na kasing umakyat pa, nakakapagod kaya...

*phone rings*

Reign bff :) calling...

[Good mo-...]

Oh!

[Grabe siya oh... Wala bang good morning dyan?]

Sige, hmmm i-o...

[Wag na... Sanay na akong ganyan ka...]

Ba't napatawag ka?

[Pwede bang sumabay sayo? Si Kuya kasi eh.. Nag-iinarte.]

Hahahaha. Ano kaya ang itsura ni Kuya Renz kapag nag-iinarte... OA din ba tulad ng mga girls? Hahaha. Hmm.

Teka, ba't naiimagine ko siya. Erase! Erase! Tssss...

[Hello, still there?]

Hmmm. Yes, Reign... Sige, dadaan nalang ako diyan sa inyo.

[Okay, see you later!]

Okay...

Call ends...

Kumain kaagad ako ng breakfast... Kanina pa kasi umalis sina Mommy at Daddy kaya ako nalang mag-isa.

*phone beeps*

1 message received...

From: Mr. Stranger

   Good Morning Ms. FG... I really like your look...

Strange!? Napapaisip talaga ako kung sino talaga 'to. Kung Ben ba talaga ang pangalan niya... Wala naman akong kilalang Ben...
Bahala na nga... Hindi ko muna siya rereplyan... Busy eh.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain, pagkatapos kong kumain at mag-ayos, lumabas na ako at nilock ko na ang bahay. Dumiretso na ako sa garahe at sumakay na sa kotse. Pagkatapos kong i-lock ang gate sumakay ulit ako at dumiretso na sa bahay nina Reign.

*beep-beep*

Bumusina na ako sa tapat ng gate nina Reign. Wala pang 1 minute, lumabas na si Reign. Binuksan ko ang pinto sa front seat at sumakay na siya.

"You're my saviour bestie!" Bungad sa akin ni Reign with matching hug pa.

"What's wrong?" Tanong ko.

"Si Kuya kasi eh.. Iniwan ako. Nakakainis. Ewan ko kung anong nakain nun." Sabi niya tapos nag-pout pa.

"Wag kang mag-pout jan, para kang pato."

"Eieiei, bestie naman oh! Isa ka pa..."

"Ano naman? I'm just telling the truth." Natatawa kong sabi.

"Ewan ko sayo." Kiniliti ko naman siya sa tagiliran... Yun kasi ang nagpapatawa aa kanya. She can't resist it.

At hindi nga ako nabigo...

"HAHAHAHA... ZOEY! TAMA... HAHAHAHA. NA. HAHAHAHA... TAMA NA. HAHAHAHA.!" Huminto naman kaagad ako nang nakita kong siyang napapaluha na.

"Oh, ano na?" Sabi ko.

"Hehe.. Okay na ako. Sige na... Baka ma late pa tayo."

Pinaandar ko na ang kotse at tinungo na namin ang school.

Nang makarating na kami sa school, pinark ko na ang sasakyan sa parking area... Malamang san pa pala...

Nang mapark ko na ang kotse, sabay na kaming bumaba ni Reign.

"Thank you, bestie..." Niyakap niya ako. Sweet no?

"Anytime, bestie..."

"See you later..." Paalam niya.

At naghiwalay na kami. Nasa kabilang building kasi ang room niya. Agad ko namang tinungo ang room ko.

Buti naman at wala pa ang prof. namin. Kaya pumasom ako at tinungo ang upuan ko.

"Zoeeeeyy!" Bati ni Cassey.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Oo, ba't ang tagal mo?"

"Eh, sinundo ko pa kasi si Reign eh..." Sabi ko at di ko maiwasang tingnan si Kuya Renz. Nagulat naman ako na nakatingin pala siya sa akin kaya binawi ko kaagad.

"Ha? Bakit? Hindi ba siya sumabay sa Kuya niya? Kakarating lang niyan eh." Nagpaparinig yata tong si Cassey kay Kuya Renz ah. Hihihi.

"Ewan ko dun..." Natakot kasi ako kay Kuya Renz, iba kung makatingin... Nakakakaba.

Kaya agad akong umupo sa gitna nina Cassey at Kuya Renz.

Ba't kasi natatakot ako kay Kuya Renz, kaya ang tahimik ko tuloy.

Maya-maya, pumasok na ang prof. namin...

Sinabi lang naman niya ang iba't ibang klase ng mga soup... Soup kasi ang lulutuin namin next week para sa weekly activities. Next Friday namin yun lulutuin for final presentation so may 9 days pa kami para makapag-prepare.

"Okay, class... Mag-meeting kayo ng mga partners niyo kung anong klaseng soup ang lulutuin niyo next week. Remember, 3 kinds of soup ang lulutuin niyo, 2 soups are for individual at ang isa ay for pair. I'll give you (tiningnan niya ang kanyang relo) 15 minutes..."

Nanigas ako sa upuan ko... Paano ko kakausapin si Kuya Renz? Natatakot ako sa kanya...

Napansin kong tumayo si Cassey at pumunta na sa kanyang partner.

Kami nalang ni Kuya Renz ang naiwan sa row namin...

Nag-aalangan akong kausapin siya...

"Hmm..." Huh? Saan galing yun?

"Hmm?" Sagot ko naman...

"Umm.." Hala! Nagulat ako at napalingon ako kay Kuya Renz.

Tiningnan ko siya with 'may-sinasabi-ka-ba-look?'

Tumingin din naman siya sa akin...

Nakakatakot talaga siya tumitig... Ang lakas ng heartbeat ko...

Kaya mo yan Zoey...

Inhale...

Exhale...

Inhale....

Exhale...

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon