***
★
"Oh, Reign, napatawag ka?"
[Wala lang... Bawal bang tumawag?]
"Hindi naman... Akala ko busy ka kay Riley... Hihihi..."
[Shhh... Hahaha.. Kenekeleg eke!]
"Ewan ko sa'yo..."
[Oo nga pala, kumain ka na ba?]
"Hehehe... Hindi pa."
[Really? Malapit nang maghapunan...]
"Oiiiie, concern si Bff..."
[Baka kasi mabaliw ka jan... Hahahaha....]
"Ewan ko sa'yo..."
[Sige na kumain ka na muna...]
"Eh, kayo jan?"
[Papunta na ako sa dining ngayon...]
Nakaramdam tuloy ako ng gutom...
"Sige, kumain ka na muna..."
[Eh, ikaw? May pagkain ka ba jan?]
"Kumakain naman ako ngayon ng cookies, hindi pa kasi ako nakapagluto. Tinatamad eh..."
[Bakit naman? Hindi nakakabusog ang cookies... Naku... Tsk.tsk.tsk]
"Don't worry bff... Mag-oorder nalang ako."
[Sige... Ibababa ko na muna to, Zoey...]
"Bye...."
Call ends...
Haaaaaay! Humiga ulit ako sa kama, nang may biglang nag door bell...
*door bells*
"Manang! May tao... Baka sina Mom at Dad na yan!" Sigaw ko.
Naku! Oo nga pala... Umalis si Manang...
Tatayo ba ako o hindi?
Tinatamad kasi ako, eh...*door bells*
Tumayo nalang ako at lumabas akosa kwarto...
"Mom? Dad?"
*door bells*
Ano ba 'yan?
"Wait lang..."
Dali-dali na akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa pintuan. Binuksan ko naman ang ilaw sa labas para makita ko muna kung sino ang nasa labas... Baka naman kasi holdaper o akyat bahay... Akyat bahay? Magdo-door bell? Hahahaha...