***
★
Maaga akong nagising ngayon dahil magliligpit pa ako, uuwi na kasi ako mamaya...
"Hmmm, Reign, nakita mo ba yung skinny jeans ko na blue?"
"Parang nakita ko walk-in closet ko nakasampay..." Busy siya sa pagse-selfie... Selfie adik kasi siya.
"Ah, thanks..." Pumasok ako sa walk-in closet niya at nakita ko naman kaagad ang skinny jeans ko.
Nilagay ko na lahat ng gamit ko sa bag. Para ready na ang lahat kapag dumating na sina Daddy, susunduin daw kasi nila ako para sabay na kaming uuwi sa bahay.
Miss ko na ang kwarto ko... Miss ko na din si choo-choo ang alaga kong chow-chow."Aalis ka na talaga?" -Reign.
"Oo, bakit?"
"Mamimiss kita..." May paiyak-iyak pang nalalaman... Binatukan ko naman siya kaagad.
"Tangee... Parang hindi naman tayo magkikita niyan. Ang OA mo ha? Di bagay sa'yo." Hinimas-himas naman niya ang ulo niya.
"Grabe ka talaga... Bawal bang mamiss ang best friend ko?"
"Magkikita naman tayo sa pasukan eh... Hindi ako mag-aabroad, uuwi na ako sa amin."
"Kahit na... Dito ka nalang. Ipapakasal kita sa Kuya ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya at sasapakin ko na sana siya kaso nakailag siya kaagad.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"Hahahaha.. Mukha mo... Hahahaha.. Epic... Hahahaha." Ang lakas ng tawa niya habang hinahawakan niya ang kanyang tyan.
"HA-HA-HA NAKAKATAWA." Sarcastic kong sagot.
"Grabe ka naman oh, joke lang bff..." Nag peace sign naman siya.
"Kung hindi lang kita bff, kanina pa kita sinabunutan... Nanggigigil na talaga ako sa'yo. Ang wild ng imagination mo."
"Okay, na... Hindi ko na uulitin. PROMISE."
"Nakailang promise ka na jan..."
"Pleeeaaase!" Naka-pout niyang sabi.
"Sige na. Sige na... Ibababa ko na tong bag sa baba. Para ready na lahat."
"Sige, tulungan na kita."
"Wag na, backpack lang naman to."
—
Andito kami ngayon sa sala at nanood nalang kami ng Phineas & Ferb sa Disney at Spongebob sa Nick... Palipat-lipat lang.
Nasa akin pa rin ang iPad ni Kuya Renz... Dahil may Color Switch sa iPad niya, nilaro ko kaagad ito....
"Ano'ng ginagawa mo? Nagsusulat ka na ng Dear Diary?" -Reign
"Hindi, naglalaro ako ng color switch... Mamaya na ako magsusulat, wala pa naman akong maisulat eh. May color switch pala dito sa iPad ng kuya mo?"
"Oo... Daming games jan. Oo nga pala, mag selfie tayo!"
Ayan na naman siya...
"iPad mo?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Nasa taas, iniwan ko. Kay Kuya nalang... Selfie tayo jan. I-SHAREit ko nalang mamaya."
Binigay ko ang iPad ng Kuya niya at nag selfie kami...
"Ikaw naman solo." -Reign
"Ayoko.. Nakakahiya, baka makita ng Kuya mo."
"Ooooiee! Affected. Hahaha."