***
★
Last day ko na ngayon dito kina Reign... Uuwi na ako bukas.
Maaga kaming nagising, 4:00 a.m.
--flashback--
"Ano na naman ang gagawin natin bukas?" Tanong ni Reign.
"Mag-jogging na lang kaya tayo."
"Hmmm.. Oo nga no? Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag-jogging." Excited na sabi ni Reign.
"Anong oras tayo magjo-jogging?"
"3:00 a.m."
"Hmmm, ang aga naman yata. 4 nalang kaya?"
Sinet naman ni Reign ang alarm clock niya.
"O sige... Sige na, matulog na tayo.. Maaga pa tayo bukas!"
--end of flashback--
"Good morning, sunshine!" -Reign
"Tange... Wala pang sunshine no? Ang dilim pa kaya sa labas..."
Napakamot naman siya sa ulo niya... Ang totoo Reign, may kuto ka ba? Hmmm...
"Hehehe... Excited lang kasi ako. Tara na nga!"
Lumabas na kami sa kwarto at bumaba na, nakita naman namin na bukas ang ilaw sa kusina. Lumabas naman si Tita Rosie galing sa kusina.
"Oh, saan kayo pupunta?"
"Magjo-jogging lang po, Ma."
"O, sige... Bumalik kayo kaagad ha? Para sabay-sabay na tayong kumain ng breakfast mamaya."
"Opo..."
"Bye po, Tita!" Paalam ko.
Lumabas na kami sa bahay at nagsimula na kaming mag-jogging. Pagdating namin sa park, marami nang mga tao. Nagjo-jogging, nagzu-zumba ang iba naman ay nagbibisikleta.
After 30 minutes na paikot-ikot sa park, bumalik na kami sa bahay.
"Whooooah! Nakakapagod..." -Reign. Hingal na hingal pa rin kami.
"Oo nga... Lumalabas na ang fats ko." Nang makarecover na kami, umupo na kami sa sofa. Nakakapagod talaga.
"Oh, kumusta ang jogging?" -Tita Rosie.
"Okay lang po, Tita..."
"Nakakapagod po, Ma. Dapat regular na akong mag-exercise upang hindi na ako hingalin ng madali."
"Dapat lang, kasi tumataba ka na." Tumawa naman ako sa sinabi ni Tita Rosie.
"Mama naman eh..."
"O sige.. Maliligo na muna ako, pagbalik ko kakain na tayo ng breakfast."
"Opo..."
Umalis na si Tita.
"Bakit?" Ang lapad kasi ng ngiti ni Reign. Sa tingin ko, parang may gusto siyang ipagawa sa akin.