Dear Diary #8

3 0 0
                                    

***

jas_ZOEY

Dear Diary #8

Hi, Daisy... Namiss kaagad kita, promise. Alam mo, ang dami kong ikukwento sa'yo... Marami kaai ang nangyari sa first day. Muntik na akong ma-late nang makalimutan ko na may orientation pala, buti nalang at ginising ako ni Mommy kahit tulog mantika ako. Nagamit ko na ulit si sweetiepie, ang kotse kong tuwing may klase ko lang magagamit.

Nakita ko naman ulit si Cassey, close friend namin ni Reign. Lalo siyang gumanda kasi sa new look niya, blonde na ang buhok. Nagmukha tuloy siyang foreigner. Nakalimutan kong ikuwento ai Cassey sa'yo. Cassey Smith ang tunay niyang pangalan... Half-Australian ang Daddy niya kaya Smith ng last name niya. Naging close kami simula nung first year high school kami. May crush siya kay Kuya Dwayne... Namumula talaga siya tuwing nakikita at nakakausap niya si Kuya Dwayne. Culinary din ang kinuha ni Cassey kaya magkaklase kami simula nung first year.

Oo nga pala, first time kong maging classmate si Kuya Renz... Nung first year kami, Fine Arts ang kinuha na course ni Kuya Renz, kaso pagdating sa second sem nagpalit siya ng course at yun ang Culinary. Magkatabi din kami ng upuan, kaya kinabahan talaga ako... Alam mo namang takot ako sa kanya diba? Simula pa nga ng klase, marami nang nangyayari... In-aannounce kaagad ng prof namin na may weekly activities kaming gagawin. Ini-partner kami ng prof namin... boys & girls. Kaya ang naging partner ko ay si Kuya Renz, okay lang naman sa akin na maging ka-partner siya kaso medyo natatakot pa rin ako eh...

Pagkatapos ng klase, pinuntahan kaagad namin si Reign sa garden... Grabe na-OP talaga ako aa kanila nang magkita sila ni Cassey...
Pagpunta namin sa cafeteria, para kumain ng lunch nakita namin sina Kuya Dwayne, Riley at Kuya Renz sa mesa kaya niyaya nila kami na sumabayasa kanila. Ayun, pag magkasama na kamiz hindi mawawala ang kwentuhan ay daldalan. Si Kuya Renz naman, may sariling mundo... Tahimik at seryoso na naman. Himala na siguro kung makikisabay siya sa amin.

Pinasabay ko na si Cassey sa kotse ko, hindi niya kasi dala ang kotse niya kaya hinatid ko na lang siya... Hindi naman ganun kalayo, nasa kabilang subdivision lang naman siya nakatira, katabi ng subdivision namin. Pag-uwi ko wala pa sina Mommy at Daddy kaya ako lang mag-isa dito sa bahay... Ay kasama ko pala si Choo-Choo.. Tapos na din akong magluto ng hapunan. So no worries, hindi ako tinatamad ngayon. After this, magbabasa naman ako ng cook book... Mag-iisip pa kasi ko kung anong klaseng soup ang lulutuin ko.. namin pala ni Kuya Renz... Oo nga pala, kailangan ko rin humingi ng opinion niya baka may idea siya. What do you think? Tatanungin ko ba siya ngayon? But how? Bukas na lang...

Sige, bukas ulit, Daisy...

Love,
Zoey

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon