***
★
Nilagay ko na ang iPad ni Kuya Renz sa taas ng drawer ni Reign.
"Tapos ka na?"
"Oo, hmm.. Sigurado ka bang hindi magagalit ang Kuya mo na ginamit ko ang iPad niya?" Nag woworry talaga ako eh.
"Don't worry..." Hindi siya nakatingin sa akin dahil focus siya sa iPad niya.
"Ano pala ang sinabi mo sa Kuya mo?"
"Yung blackmail..." Nacucurious na talaga ako s blackmail na yan ha.
"Bahala na nga... Kung magtatanong pa ako kung ano yung blackmail hindi ka rin sasagot. Punta muna ako sa banyo para makapagplit na ako ng damit pantulog." Paalam ko sa kanya.
"Sige..." Nakangiti niyang sabi pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.
Ano kaya yung sinulat niya? May nangyari ba sa kanya na nakakatuwa nung wala ako?
Kinuha ko na ang damit ko sa bag at pumasok na ako kaagad sa banyo. Nagpunas muna ako para fresh sa feeling. Pagkatapos kong magpunas, sinuot ko na ang long sleeves at pajama ko. Malamig kasi ang kwarto ni Reign dahil sa aircon. Well, aircon din naman ang kwarto ko.
Paglabas ko, wala na si Reign. Saan kaya yun? Pero ang iPad niya naiwan sa kama. Hmmm... May part sa akin na gusto kong basahin kung ano ang sinulat niya sa Dear Diary pero ay part din na ayaw.
Umupo nalang ako sa kama at hanggang ngayon tinitingnan ko pa rin ang iPad ni Reign. Ano ba 'tong iniisip ko? Baka isipin pa ni Reign na pakialamera ako. Kaso hindi ko mapigilan ang kamay ko kaya binuksan ko na nga kaso kailangan siya ng password. Hindi ko alam ang password niya kaya inilapag ko nalang ulit. Haaaaay!
Kinuha ko nalng ang remote ng TV at nanood nalang ako ng Phineas & Ferb. Favourite ko 'to bahala na sila kung isipin nilang isip-bata ako basta ang mahalaga nag-enjoy ako sa panonood. Bumukas naman bigla ang pinto at pumasok si Reign.
"Saan ka pala galing?" Tanong ko.
"Kumuha lang ako ng makakain natin for midnight snack..." Lumingon ako sa kaniya at nakita kong marami siyang dalang foods!
"Wow! Mang Juan ba yan?" Natatakam talaga ako kapag nakikita ko yan.
"Oo, pinabili ko talaga 'to kasi alam kong paborito mo 'to." Tumayo kaagad ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Whaaaaah! Thank you Reign." Unti-unti kong kinuha ang Mang Juan sa kamay niya. Kaso umatras siya.
"Hep. Hep. Hep. Mamaya na..."
"Kainis naman eh... Natatakam na ako."
"Mamaya na, tatapusin ko muna ang Diary ko." Sabay lapag sa mga pagkain sa mesa.
"Bakit ang tagal mong matapos? Mahaba ba yung sinulat mo? Pwede patingin?"
"Wag... Secret na muna to... Pag mag tanda na tayo doon na natin babasahin ang sinulat natin."
"Ngeee... Ang daya naman."
"Sige, ito nalang. Ipapakita ko sa'yo ang diary ko at ipapakita mo yung sa'yo." Naku! Puro pa naman tungkol kay Kuya Renz ang sinulat ko doon. Baka ano pa ang maisip ni Reign iba pa naman yan mag isip, minsa may pagka exaggerate ang imaginations niya.
"Wag... Secret ko rin yun. Sige na hindi ko na babasahin."
"See? May secret ka rin pala eh. So quits na tayo." At nagpatuloy na siya sa pag tatype.
Nanood nalang ko ulit ng TV. Nababagot na ako... Wala sa akin ang phone ko kaya hindi ako makatext or makatawag man lang.
—
"O tapos na ako.. Kumain na tayo!" Nagising agad ako ng marinig ko si Reign.
Whaaaah! My Mang Juan! Kinuha ko kaagad ang Mang Juan. At kinain ko ito kaagad.
"Grabe ang takaw mo talaga Zoey."
"Eh, kashi naman matagal-tagal na rin akong hindi nakakain nito." Sabi ko habang nginunguya ko ang Mang Juan.
"Dahan-dahan lang Zoe, baka mabulunan ka."
At ayun nga... Nabulunan nga ako.. Buti nalang at may tubig siyang dala.
"See? Sabi ko sayo diba.. HAHAHAHA?"
"Sige, ikaw na talaga Reign... Ikaw na talaga ang nakakaalam ang lahat..." Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy siya sa kakatawa. Baliw talaga 'tong si Reign.