Chapter 22

3 0 2
                                    

***

"Ano, magtitigan nalang ba tayo?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Kuya Renz.

Eh, kasi naman eh... Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Well, infairness... Siya ang unang nagsalita.

"Ah... Eh..." I, O, U??? Ang tanga mo Zoey. "Hmmm... May naisip ka na bang soup na iluluto natin?" Dagdag ko.

Tinitigan niya muna ako bago siya sumagot. Ano ba 'to... Nako-conscious tuloy ako. May muta ba ako? O may dumi ba ang mukha ko?

Agad akong umiwas sa titig niya. Nakakatakot.

"Wala pa... Ikaw?" Whaaaaaaaah! Akala ko mahaba ang sasabihin niya... Hindi pala.

"Hmm.. Nag-research na ko kagabi tungkol sa mga soups... At may nabasa akong recipe ng soup na madali lang pero masarap..." Panimula ko. Tiningnan ko muna siya kung sasagot ba siya o hindi kasi itutiluloy ko ang sasabihin ko.

1...

2...

3...

"Ano naman yun?" Haaaay! Buti naman at sumagot siya... Akala ko naman kasi na hangin lang ang kinakausap ko. Hindi kasi halata sa itsura niya na interesado siya sa sinasabi ko.

"Potato-Cheese Chowder. Nagawa ko na 'to dati... Pero hindi ko pa namaster... But I'm sure na kung magtulungan tayo... Magiging maganda ang resulta. Okay lang ba sa'yo Kuya?" Tiningnan ko ang reaksiyon niya, pero hindi ko masabi kung sang-ayon ba siya o hindi.

"Sige..." Whaaaaah! Ba't ang tipid-tipid niyang sumagot? Ang haba-haba ng explanation ko tapos yun lang? Yun lang? Bahala na.. Basta sumang-ayon siya.

"Hmm, ano pala ang lulutuin mong soup, Kuya?" Kailangan kong malaman at baka parehas kami ng lulutuin... May 10 minutes pa kami upang mag-usap. Baka isipin ng prof namin na wala kaming ginagawa.

"Oyster Chowder." Oyster Chowder? Po na pala, mahilig sa seafoods si Kuya Renz..

"Hmmm... Sounds good... Parehas pala tayo."

"Yun din ang lulutuin mo?" Napatingin siya sa akin at parang nagulat.

"No, that's not what I mean... Seafoods din ang lulutuin kong soup. Curried Scallop Bisque."

"Ah..."

Ba't ang tipid niyang sumagot... Wala ba siyang itatanong sa akin? Okay na yun? Wala na siyang idadagdag? Saan kami magpa-practice? Oo nga! Itatanong ko sa kanya kung kailan at saan.

"Hmm, saan pala tayo mag-papractice magluto? Kailangan kasi natin yung kabisaduhin at para ma-perfect din ang lasa ng soup na lulutuin natin."

"Sa inyo nalang, tutal, chef ang mga parents mo. I'm sure kompleto ng mga gamit niyo." Oy! Infainess, hindi na masama... Mahaba na kasi ang sinabi niya. Nag-iisip pala siya.

"Sige... Sayang ang mga gamit namin sa kusina kung hindi yun gagamitin... Kailan tayo magpa-practice?" Tanong ko.

"Bukas, para makapaghanda pa tayo."

"Sige, para makabili pa ako mamaya sa grocery ng mga ingredients na lulutuin natin bukas."

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong niya.

Tumango lang ako. Kaya ko naman eh... Konti lang din naman ang ingredients.

"Samahan nalang kita... Para alam ko rin kung anong ingredients ang kailangan... Bibili nalang din ako ng ingredients ko ara sa lulutuin kong soup." Eh... Siya? Ako? Mamaya sa grocery? Dapat kasama si Reign... Nakakailang kasi siya kasama eh.. Ay hindi pala... Nakakatakot siyang kasama.

"Isasama ko si Reign at Cassey."

"Ikaw bahala."

Okay... Isasama ko sina Reign at Cassey. Sana hindi sila busy.

"Free ka mamaya?" Tanong ko kay Cassey.

"Bakit? Magpapasama ka?" Kilala na niya talaga ako.

"Kung okay lang... Bibili sana kami ni Kuya Renz ng mga ingredients sa grocery mamaya.. Isasama ko si Reign, sama ka?"

"Sorry, Zoey... Sasamahan ko rin ang partner ko sa Fresh Market mamaya... Tapos didiretso na kami sa bahay para makapag-practice kami."

"Ah, ganun ba? Sige... Si Reign nalang isasama ko."

"Sorry talaga.. Next time babawi ako."

"Okay lang... I understand."

Sa cafeteria...

Tulad kahapon, sabay kaming anim na kumain ng lunch dito sa cafeteria.

Ako, si Reign, Cassey, Kuya Dwayne, Riley at Kuya Renz.

"Samahan mo na ako mamaya, Reign... Sige na." Pagmamakaawa ko sa kanya... Tumanggi kasi siya eh, kasi may date daw sila ni Riley eh... Kainis... Yan talaga ang ayaw ko.. Kaya nga wala akong crush eh.. Konti nalang ang time na ma-spend mo sa best friend mo.

"Zoey, alam mo namang first date namin to ni Riley.. Pagbigyan mo na ako, pleaaaase! Matagal ko na tong pangarap eh..." Naku! Ayan na naman ang mukha niya nakakakonsensiya.

"Eh, Reign naman eh... Alam mo namang... (Lumapit ako sa tenga niya at bumulong) takot ako sa Kuya mo eh."

"Ayan ka na naman... Alam mo ba ang kasabihang... 'The more you scared, the more you love.'" Sabay kindat sa akin..

Loko talaga yang si Reign...

Teka, may ganin ba na kasabihan?

Diba 'the more you hate, the more you love' yun?

"Hoy, Reign... Wag mo nga akong pinagloloko... Walang ganun na kasabihan no..."

"Naniwala ka naman? hahahaha" natatawa niyang sabi.

"Hindi no... Tssss.. Bahala na nga..."

"Don't worry bestie... You'll be safe with my kuya. He won't eat you."

Imbes magiging okay ang pakiramdam ko.. Bakit parang kinikilabutan ako sa sinasabi niya...

Bahala na nga... Tama naman si Reign... Hindi ako kakainin ni Kuya Renz.. Yun lang naman ang kinatatakutan ko eh.  Joke.

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon