Chapter 6

5 2 0
                                    

***

Nakatambay kami ngayon dito sa Starbucks, napagod kasi kami sa kaka-shopping. Konti lang naman ang binili ko dahil naiwan ko ang credit card ko sa bahay kasama ng cellphone ko, buti nalang at nadala ko ang pera ko.

"Oo nga pala, nag-text si Kuya kung manonood ba daw tayo ng gig nila."
Kitang-kita sa mukha niya na parang excited siya, nandun kasi si Riley.

"Ikaw, gusto mong manood? Diba? Para makita mo si..." Hindi ko na tinapos kasi alam kong na gets na niya yun.

"Hihihihi... Oo... Pwede ba?"

"Okay lang. Basta... Alam mo na."

"Opo, Madame... Hinding-hindi ko na po itotopic yun... Pero paano kung—"

"Ehem.."

"Hehehe. Joke lang. Tara na nga, malapit nang mag 6."

At hinila na niya ako, hindi naman siya excited no?

Pumara na kami ng taxi...

"Sa Bubbly Bar po tayo manong." Sabi ni Reign.

Bubbly Bar, kapatid ni Daddy ang may-ari nito, si Uncle Johnny at si Ate Daniella ang panganay niya na pinsan ko, ang namamahala sa bar. Kaya doon tumutugtog si Kuya Dwayne kasama ang Kuya ni Reign at ni Riley upang mabantayan ni Ate Dani si Kuya Dwayne. May pagka-over protective din kasi si Ate Dani sa kapatid niya at minsan pati ako.

At Bubbly Bar...

Pumasok na kami sa bar at nakita ko kaagad si Ate Dani.

"Ate Dani!" Tawag ko.

"Oh, Zoey, napadalaw kayo?"

"Eh, gusto kasing pumunta dito ni Reign eh, kaya sinamahan ko nalang."

"Ah, kumusta na pala sina Tito at Tita? Nakauwi na ba sila?"

"Hindi pa... Kaya doon muna ako kina Reign for 3 days, nag-invite din kasi siya na mag-sleep over sa kanila kasi malapit na din ang pasukan."

"Oo nga... Hmm, gusto niyo ba ng drinks?"

"Iced tea lang po."

"Sige... I'll get you some." Umalis na muna si Ate Dani at umupo kami sa stool malapit sa counter. Naghahanda na sina Kuya Dwayne. Napatingin naman si Kuya Renz sa direksiyon namin at parang nagulat, kaya nagulat din ako at umiwas... Natatakot kasi ako at naiilang. Si Reign kasi, eh.. Imbes takot lang ang nararamdaman ko kay Kuya Renz, naiilang na rin ako.

"Malapit na silang magsimula." Kilig na kilig na sabi ni Reign, ngumiti kasi sa kanya si Riley.

"Here's your drinks guys!" Inilapag ni Ate Dani ang Iced tea namin sa counter.

"Thanks, Ate..."

Nagsimula na silang magpatugtog at kumanta na si Kuya Renz...

NP: Counting Stars

Ang ganda talaga ng boses ni Kuya Renz kaya maraming girls ang naghahabol sa kanya, oo, gwapo din siya... Hindi naman yun matatanggi eh, ang ganda din kaya ni Reign. Tssss... Ano ba tong iniisip ko? Ang weird na ha... Basta para sa akin, takot ako sa kanya.

Pagkatapos ng performance nila, bumaba kaagad sila at tinungo nia ang direksyon namin.

"Ano'ng ginagawa niyo dito?" -Kuya Dwayne.

"Sinamahan ko lang si Reign. Sabi niya kasi—asdfhhkklgfk!!!" Tinakpan na naman niya ang bibig ko. Bakit ba ang hilig-hilig niyang mambara?

"Eh, kasi Kuya gusto lang naming uminom." Binitawan niya naman ako.

"Bakit ba? Ang hilig mong mantakip ng bibig. Wala naman akong sinasabing masama eh.."

"Teka muna guys, mga kuya... CR muna kami." At kinaladkad naman ako ni Reign papuntang CR.

"Ano ba Reign?"

"Eh kasi may sasabihin ako sa'yo."

"Ano naman?"

"Hindi kasi ako tinext ni Kuya, gusto ko lang kasing pumunta dito para makita si Riley. Kasi kapag ako ang nagyaya sa'yo, I'm sure hindi ka sasama."

"Niloko mo lang ako. Bakit?"

"Sorry na bff... Gusto ko lang kasing makita si Riley, siya din kasi ang nag-invite, pero wag mong sabihin kay Kuya ha? Lagot ako sa kanya pag malaman niya to. Please bff..."

"O sige... Matitiis ba kita? Pero wag mo na itong ulitin ha?"

"Yes! Sure..."

Bumalik naman kami sa counter at nandun pa rin sila, nag-iinuman.

"Mag-usap nga tayo." Biglang lumapit si Kuya Renz at hinila niya palayo si Reign.

"Anong nangyari dun?" Tanong ko.

Nagkibitbalikat lang sila.

"Hmm.. Kuya Dwayne, madaldal ba si Kuya Renz?"

"Ba't mo naman yun natanong?"

"Sabi kasi ni Reign na madaldal daw ang Kuya niya, pero parang hindi naman."

"Hmmm.. Oo, ang daldal nun..  Ang daming kwento." Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Dwayne.

"Talaga Kuya? Ba't hindi halata?" Natawa naman silang dalawa ni Riley.

"Ikaw talaga ang manhid mo.... Hindi mo nararamdaman at napapansin ang iba."

Huh? Bakit kaya niya yun nasabi.

"Hahahaha... Ang OA mo Kuya, Sobra..."

Bumalik naman sina Reign at Kuya Renz, pero ang lapad ng ngiti ni Reign si Kuya Renz naman, walang emosyon. Akala ko pinagalitan siya ng Kuya niya...

Aaaaaaahhhh.. Naguguluhan na talaga ako.

9 p.m. na kaming umuwi, sumabay na kami kay Kuya Renz, sinabihan kasi siya nina Kuya Dwayne at Ate Dani na samahan kami... Iiwan na niya sana kami kaso pinigilan siya nina Kuya at Ate.

Ang awkward sa kotse... Nasa front seat si Reign kaya ako lang mag-isa sa likuran.. Walang nagsasalita kahit isa. Dinig na dinig mo ang buga ng aircon sa loob. Hindi ko naman magawang magsalita kasi nga natatakot ako kay Kuya Renz.

Nakarating na kami sa bahay nila at sinalubong kami ni Tita Rosie. Hindi na kami kumain ng dinner at dumiretso na kami sa kwarto.

"Hmm, ano pala ang pinag-usapan niyo ni Kuya Renz?"

"Gusto niya kasing malaman kung may gusto ba ako kay Riley."

"Bakit naman niya naitanong? Anong reaksyon mo?"

"Eh, nagtapat kasi si Riley sa kanya na may gusto daw siya sa akin... Hindi talaga ako makapaniwala kaya ang saya-saya ko." Bumalik naman ang pinakamalapad na ngiti ni Reign.

"Talaga? May gusto si Riley sa'yo? Waaaaaah bff... Dream come true yata yan!" At nagtatalon-talon kaming dalawa sa kama.

"Oo, at pinayagan na ako ni Kuya na makipag-date... Kasi 19 na ako at hindi na ako babata pa."

Masayang-masaya talaga ako para kay Reign. Ikukwento ko 'to kay Daisy.

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon