***
★
"Zoey, anak... Gising na! Male-late ka na..." - Niyuyugyog ako ngayon ni Mommy...
"Mom... 5... minutes... pa... po..."
"Anong 5 minutes? Eh, 7 a.m. na! Male-late ka na!"
"Eh, mom... 9 pa ang klase namin."
"Diba sabi mo, may orientation pa kayo, 8 a.m."
Oo nga pala! May orientation pa kami. Kailangan may attendance ako dun! Isa yun sa mga requirements ng prof. namin.
Bumangon kaagad ako at inayos ko ang sarili ko.
"Good morning, Mom..."
"Good morning... Sige, maghanda ka na jan at maghahanda na rin ako sa baba. Mamayang 10 a.m. pa kami aalis ng Daddy mo kaya sabay na tayong mag breakfast ha?"
"Opo, Mommy..."
Lumabas na si Mommy sa kwarto ko at dumiretso na ako sa banyo. Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang uniform ko... Humarap ako sa salamin, naglagay ako ng lip balm, blush on at mascara sa mukha. Ganyan na talaga kapag college, may pa-arte arte konti... Pero hindi naman ako kagaya ng iba na ang kakapal ng mga make-up, halos 1 inch.. Char joke... Pero seryoso, para sa akin simplicity is beauty hahahaha...
Kinuha ko na ang bag, books, at phone ko pati na rin ang susi ng kotse ko aa drawer...
"I'm gonna use you again, sweetiepie!"
Tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na, pero may nakita akong 2 unread messages...
From: Reign bff :)
Good Morning, bff! Don't forget, orientation 8 a.m.
P.S. sasabay na muna ako kay Kuya ngayon, gagamitin na niya kasi ang kotse niya ngayon. See ya sa school!
.
.
.Hindi ko na siya nireplyan pa. Binasa ko na lang ang isa pang message.
From: Unknown [09123456789]
Good morning! See you at school...
Whaaaaah! Sino ba talaga ito? Classmate? Schoolmate? Prof.? Bahala na nga...
Bumaba na ako sa at dumiretso sa dining area...
"Good morning, Mom! Dad!" Bati ko sa kanila.
"Ang ganda ng baby ko ah.." -Daddy
"Baby ka jan... Malaki na kaya ako Daddy. I'm already 19 and I'm turning 20. I'm not a baby anymore." Tumawa lang naman sina Dad at Mom.
Umupo na ako sa harapan ni Mom...
"Okay, so let's eat!" Yaya ni Daddy.
Pagkatapos naming kumain, tumayo na ako para makapag-toothbrush... Pagkatapos, naglagay ulit ako ng lipbalm, nabura kasi eh...
"Mom, Dad... Mauuna na ako sa inyo... 20 minutes nalang kasi before mag start ang orientation." Paalam ko.
"Sige... Mag-iingat ka." -Daddy, hinalikan ko sila sa cheeks..
"Take care, Zoey." -mommy.
Lumabas na ako sa bahay, at tinungo ko ang garahe...
"Hello, sweetiepie... I'm gonna ride you again."
Sinakyan ko kaagad ang kotse ko... Namiss ko talaga ang pagda-drive. Pinaandar ko na ang kotse ko at lumabas na sa garahe... Malapit lang naman ang school namin.
While driving...
Reign bff :) Calling...
Ikinabit ko ang earphone at sinagot ko ang tawag.
"He—..."
[Saan ka na ba Zoey? Malapit nang magsimula ang orientation... Naghihintay ako sa labas ng gym...]
"I'm coming... Malapit na ako sa school..."
[Sige... Dalian mo ha bff.. See you!]
"Sige, bye... Andito na ako sa gate."
[That's good! Bye!]
Binaba ko na ang tawag... At ipinark ko ang kotse ko sa parking area ng campus. Lumabas na ako sa kotse at ni-lock ko ang mga pinto. Tumakbo ako at tinungo ko kaagad ang gym.
Nakita ko naman kaagad si Reign na naghihintay malapit sa gate ng gym.
"Reign!"
"Zoey! Finally... Alam mo bang kanina pa kita hinihintay? Ba't ang tagal mo?"
"Nakalimutan ko kasi na may orientation pa tayo."
Hinatak kaagad ako ni Reign papasok at sinulat na namin ang pangalan namin para sa attendance.
—
Sa wakas! Natapos na rin ang boring na orientation...
Pumunta naman kami sa kanya-kanyang room... Kaya magkahiwalay kami ni Reign.
Hinanap ko kaagad ang room ko...
"Zoey!" Napalingon naman ako sa likuran kung saan nanggaling ang boses. May nakita akong familiar na babae kaso hindi ako sure... Kaya tinitigan ko muna ng matagal.
"Cassey?" Tumakbo naman siya palapit sa akin...
"Cassey/Zoey! Aaaaaahhhh..!" Matagal-tagal na rin hindi ko nakita tong si Cassey... Classmate ko siya since 1st year high school at naging close na din namin ni Reign.
"Kumusta ka na, Zoey? Lalo kang gumanda, I like your new look..." -Cassey.
"Really? Thanks.. Ikaw din... Nagpa-blonde ka na ng buhok... Nagmukha ka ng mestiza..."
"Oo nga, hehehe... Diba mas maganda pag new look? Hm, by the way, how about Reign? I miss her so much."
"You will see her later... Magkita-kita daw tayo sa garden sabi niya."
Pumasok na kami sa room namin at umupo kami sa likuran na part... Doon nalang kasi ang vacant. Pag-upo ko, may nakatabi akong parang familiar sa kaliwa malapit sa bintana. Napatitig naman ako sa kanya nang bigla siyang lumingon...
"Kuya Renz?" Gulat kong sabi. Ngayon lang kasi kami naging magkaklase, simula nung nagpalit siya ng course nung first year, second sem. Tiningnan niya ako pabalik.
Kinabahan naman ako bigla. Nakakatakot kasi siya eh. Kaya bumalik kaagad ako sa posisyon ko.
Bumalik din siya sa posisyon niya... Yung nakatingin sa bintana.
—
"Okay, class... I will pair you, boys and girls for our weekly activities. Every week, gagawa tayo ng different types of dishes. I'm sure mag-eenjoy kayo sa mga ipapagawa kong activities... Okay, I'm going to start pairing you guys."
Okay lang naman sa akin kung sino ang ipapartner ko, tutal, kilala ko naman silang lahat. May bagong classmate kami pero kilala ko naman si Kuya Renz.
"Chua, Renz Michael and... Lee, Jasmine Zoey..." Nagulat naman ako nang marinig ko ang pangalan ko... Napatingin naman kami ng sabay ni Kuya Renz sa isa't-isa. Binawi ko kaagad ang tingin ko sa kanya kasi natakot ako bigla.
Tumingin ulit ako sa kanya kasi baka na offend ko siya... Pagtingin ko, nakita ko siyang ngumiti... Konti.
Konti lang.
Pero okay lang kasi nalaman kong hindi pala siya na-offend sa ginawa ko. Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako at binalik ko na ang atensiyon ko sa prof. namin.