Dear Diary #4

5 2 0
                                    

***

jas_ZOEY

Dear Diary #4

Hello Daisy... Last day ko na dito kina Reign, uuwi na ako bukas. Dami naming ginawa ni Reign ngayon... Well, early morning, nag-jogging kami sa labas from their house to the park. Grabe, labas lahat ng fats ko. Nakakapagod kaya pag-uwi, bagsak sa sofa ang resulta. Nang nakapagpahinga na kami, pinilit ako ni Reign na gumawa ng chocolate chip cookies at brownies. At dahil gusto ko rin ng baking kaya pumayag na ako. Siya na daw bahala sa ingredients. Gusto din ni Tita Rosie na matikman ang cookies at brownies ko pag-uwi niya galing work. 3 lang kaming naiwan dito sa bahay... Ako, si Reign at Kuya Renz... Si Kuya Renz, wag mo na yung asahang makita pa. Nasa kwarto lang kasi yun... Dun ang tambayan niya.

Tinulungan naman ako ni Reign na ihalo ang mga ingredients... 30 cookies ang nagawa namin at 20 brownies. Pagkatapos naming mag-bake, pinalamig namin ito at nilagay muna namin sa lalagyanan. Mamaya na kasi namin yun kakainin, after dinner para sabay-sabay namin matikman.

At dahil wala kaming magawa kinahapunan, niyaya na naman ako ni Reign na mag-make over sa salon. Para new look daw pagpasok sa school. Well, good idea naman yun kaya pumayag na ako.

Sa salon, manicure, pedicure... Ang ginawa sa amin... Nagbago din kami ng hairstyle, pinakulot ko ang dulo ng buhok ko at pinakulay ko ng brown. Si Reign naman ay nagpa-short hair hanggang balikat. Nagpa facial spa din kami... And after a few hours... TADAH! We're so pretty! Feeler lang.

Nagustuhan naman ni Tita Rosie ang bagong look namin, ang ganda daw namin at nagmukha na daw talaga kaming dalaga.. Sure daw siya na maraming nang magkakagusto sa amin. Well, maybe... I don't know. Hindi ko kasi yun iniisip. Ang importante para sa akin ngayon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Char!

Oo nga pala, pinatikim namin nina Tita Rosie at Kuya Renz ang ginawa ming cookies at brownies kanina... Masarap daw sabi ni Tita Rosie. Pero alam mo ba kung ano'ng sinabi ni Kuya Renz? Oo, nagsalita siya pero isang word lang. 'Medyo'
Yan ang sagot niya... Grabe ang tipid-tipid niya talagang magsalita. Minsan nakakainis pero nangingibabaw pa rin ang takot ko sa kanya.
Medyo lang daw pero marami naman siyang kinain... Hihihihi

Sige na... Sa uulitin! Next time ulit, Daisy.

P.S. oo nga pala, Daisy! Isasauli ko na 'tong iPad bukas, kaya sa phone na tayo magkikita...

Love,
Zoey

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon