***
jas_ZOEY
Dear Diary #7
Hi! Daisy... Ako ulit... Diba sabi ko sa'yo na nagugutom ako at hindi ako makakain kasi inaatake ako ng katamaran? Well ngayon, hindi na! HAHAHAHA... Eh kasi si BFF nag-worry sa akin kasi hindi pa ako kumakain. Inutusan pa niya si Kuya Renz na bilhan ako ng pagkain at alam mo bang ano ang binili? Yung kini-crave ko lang naman kanina... Pizza at lasagna sa Greenwich at siomai sa Master Siomai. Grabe, ang sarap talaga ng kain ko. Busog na busog ako at hindi ako makagalaw ng masyado kanina. Pero okay na ako ngayon.
Oo nga pala... Alam mo bang may first time na nangyari? First time kong makausap ng matagal si Kuya Renz... Not so matagal like an hour mga 2 minutes lang naman. Pero okay lang. Hindi na ako natatakot sa kanya. Konti siguro.. Konti lang. Hahahaha, para n tuloy akong baliw. At oo nga pala... May ibang first time pa. First time kong narinig na nagsalita ng mahaba si Kuya Renz. Hahaha.. Pang world record. Hahaha JOKE!
Sayang hindi ko na nasabayan sina Mommy at Daddy na kumain, busog na kasi ako. Nagdala pa naman sila ng pagkain... Pero okay lang, kasabay naman nila si Choo-Choo na kumain. Nasa ilalim ng mesa ini-enjoy ang dog food niya.
Muntik ko nang makalimutan... Nag text na naman yung unknown number... May pa kiss kiss pang nalalaman. Kinilabutan talaga ako.... Baka may stalker na ako.
Yun lang, Bukas na naman... Maaga pa ako bukas... Pasukan na kasi. College life na naman ang peg. Bye!
Love,
Zoey