Chapter 11

3 2 0
                                    

***

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Whaaaaaah! Namiss ko ang kama ko. Pagkatapos kong paandarin ang aircon, nagpunas kaagad ako at nagpalit na ng damit pantulog.

Humiga naman kaagad ako at kinuha ko ang iPhone ko. Na-miss ko 'tong phone sobra...

In-open ko ang phone at nakita kong 115 missed calls at 83 text messages...

At halos galing kina Mommy at Daddy ang mga calls at half ng text messages... Ang iba naman ay group messages, at may unknown number din na nag-text sa akin...

From: Unknown [09123456789]

Hello :)

.
.
.

From: Unknown [09123456789]

Good Morning! Have a nice day...

Sino ba 'to? Wala naman akong natatandaan na binigyan ko ng number... Rereplyan ko ba o hindi? Naku! Baka scam lang ito.

Nag vibrate naman ulit ang phone ko.

From: Reign Bff :)

Hello, bestie! Nakauwi ka na? Na miss kita sobra... Wala na akong kakuwentuhan gabi-gabi.... Huhuhu :'(

Ang OA talaga nito.

To: Reign Bff :)

Ang OA mo talaga, pwede mo naman akong tawagan eh... Or di kaya, makipagkwentuhan ka sa kuya mo. Tutal, alam na naman niya ang tungkol sa inyo ni Riley... So okay na! Pwede ka nang magtitili jan. Hahaha.

From: Reign Bff :)

Ikaw talaga... Pero alam mo, gumaan talaga ang feelings ko. Speaking of Riley, nag-text siya sa akin ngayon... Pwede ba daw siyang tumawag.

To: Reign Bff :)

Well, go! Grab the opportunity!

.
.
.

From: Unknown [09123456789]

How are you?

To: Unknown [09123456789]

Who's this?

From: Unknown [09123456789]

Your secret admirer!

Whaaaaah! Nawindang naman ako sa reply niya... Hindi ko na siya ni-replyan kasi natatakot ako. Agad ko namang tinawagan si Reign

Calling Reign Bff :)....

'Busy at the moment' daw. Oo nga pala, katawag niya ngayon si Riley... Dahil busy pa si Reign, in-open ko nalang ang Facebook ko. Matagal-tagal na rin akong hindi naka-fb.

Halos sa news feed ko ay tungkol sa bakasyon nila. Ang iba nag out of town ang iba naman ay nag out of the country, ang rich!

May natanggap akong bagong 1 friend request... Well madami namang pending request, hindi ko lang in-accept kasi hindi ko kilala...

Lumaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nag friend request...

Renz Michael Chua

Ignore or Accept? Kilala ko naman 'to... Pero bakit nag-aalangan ako? Dahil ba kasi natatakot ako or naiilang? Pero ba't naman ako maiilang sa kanya, na si Reign lang naman ang tumutukso sa akin.

Accept nalang nga...

Request accepted

Magme-message ba ako o hindi? At bakit naman ako magse-send ng message, eh, in-accept ko lang naman siya. Baka siya ang magme-message sa akin. And after a few minutes, bakit ba ako umaasa na magme-message siya... Hindi nga niya ako pinapansin sa bahay nila. Augh! At bakit naman ako affected.

Bahala na nga. Inilapag ko ang phone kosa taas ng drawer at humiga ako ulit pero hindi pa ako inaantok. Parang may nakalimutan yata ako... Pero ano naman yun?

Isip...

Isip...

Isip...

Oo nga pala!

Si Daisy!!!

In-open ko ulit ang phone ko at ininstall ko ang Dear Diary sa phone.

Welcome to Dear Diary!

Nag-log in kaagad ako.

Namiss kita Daisy... Alam mo ang dami kong ikukuwento sa'yo.

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon