Dear Diary #1

6 2 0
                                    

***
jas_ZOEY

Dear Diary #1

Hello diary! First time ko 'to, hindi ko lam kung ano ang isusulat ko dito. Pinilit lang kasi ako ni Reign na gumawa nito. But I try my best, hindi kasi ako mahilig magsulat ng diary gaya ng iba. I just want to introduce myself. I'm Jasmine Zoey Lee and I'm 19 and Richelle Reign Chua is my best friend, 19.

Well today, andaming nangyari. Niyaya ako ni Reign na mag sleep over dito sa bahay nila. 5 days nalang kasi before magstart ang klase kaya sinusulit namin ang bakasyon. I'm staying here for 3 days. Si Mommy at Daddy kasi ay nag out of town kaya pumayag din sila.

Alam mo bang dahil sa katangahan ko muntik na akong mahulog sa hagdan nina Reign. Eh, kasi naman takot ako sa Kuya niya. Pagkalabas ko kasi sa kwarto ni Reign nakarinig akong pintuan na sumara, eh wala namang ibang pintuan dito dahil sarado na ang kwarto ni Reign kaya sa tingin ko kay Kuya Renz yun. Hindi ko na siya nilingon kaya nagmamadali na akong bumaba sa hagdan nang mawalan ako ng balanse. Ang tanga ko kasi, eh. Buti nalang at nahawakan ako ni Kuya Renz. Kinabahan talaga ko sobra. Gusto ko sanang mag thank you sa kanya kaso natameme ako. Nagulat kasi eko, eh. At alam mo ba, first time ko siyang narinig na nagsalita? Hindi kasi niya ako kinakausap kahit kailan. Actually, narinig ko na si Kuya Renz kumanta, vocalist kasi siya sa kanilang banda kasama niya si Kuya Dwayne, pinsan ko.

Well, nagtataka ka ba kung bakit ako natatakot kay Kuya Renz? Hindi ko kasi siya ma-gets. Hindi mo alam kung ano ang trip niya. Palaging seryoso ang mukha niya, hindi siya palangiti o palatawa at mukha siyang suplado. Basta magkaiba ang ugali nila ni Reign. Ang daldal ni Reign tulad ko, tapos bungisngis at ang lakas ng boses kaya magkasundo kami nun. Pero iba din naman ang kinukwento ni Reign tungkol sa Kuya niya, madaldal daw at chismoso. Totoo kaya yun? Tatanungin ko si Kuya Dwayne kung magkita kami. Haaay! Bakit ba tungkol kay Kuya Renz ang sinulat ko dito? Bahala na nga. Ang daldal ko diba Diary? Sana mag-enjoy ka. Bukas ulit... Mahaba-haba na kasi ang naisulat ko dito. Good night!

P.S. Gusto mo bigyan kita ng pangalan diary? Kung gusto mo simula bukas tatawagin kitang Daisy...

Love,
Zoey

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon