***
★
From: Reign bff :)
Nasa garden na ako... See ya later guys!
Nakatanggap kami ni Cassey ng message galing kay Reign...
"Nasa garden na siya." -Cassey.
"Oo nga, tara na..." Tumayo na kami at lumabas na ng room. Lunch break na kasi.. Paglabas namin, bigla namang nagtilian ang mga girls.
Ganito na ba kami kasikat? At bakit mga girls ang tumitili, diba dapat, boys? Napatingin naman kami ni Cassey sa isa't-isa at sabay na nagkibit-balikat. Hindi pa rin sila huminto sa pagtitili kaya lumingon kami sa likuran.
Si Kuya Renz, pala... Kasabay lang namin lumabas.
Sikat sila dito simula pa nung high school kami... Si Kuya Dwayne, Kuya Renz at Riley. Mas lalo silang sumikat nung nabuo ang banda nila... Ang daming girls ang naghahabol sa kanila.
Nang makaalis na kami agad namang sinalubong ng mga girls si Kuya Renz. Nang makalayo-layo na kami, nakasalubong naman namin si Riley at Kuya Dwayne.
"Oh, Hi! Kuya Dwayne, Hi! Riley..." Bati ko sa kanila. Napansin ko namang parang namumula si Cassey, crush niya kasi si Kuya Dwayne.
"Oh, Zoey? Cassey! Long time no see..." Bati naman ni Kuya Dwayne. Kaya ayun! Mas lalong namula si Cassey.
"H-Hi Dwayne.. Kamusta?" -Cassey.
"Okay, lang... Bagay pala sa iyo ang blonde." -Kuya Dwayne.
"Thank you."
"Hmm, oo nga pala, nakita niyo ba si Renz?." -Kuya Dwayne.
"Oo, Kuya... Classmate namin siya, ayun oh!" Turo ko doon sa pinagkakaguluhan ng mga babae.
"Ahhh.. Kaya pala.. Sige, puntahan na muna namin." Paalam ni Kuya Dwayne.
"Sige, Kuya alis na din kami, pupuntahan pa namin si Reign."
Napalingon naman si Riley nang marinig niya ang pangalan ni Reign... Mukhang tinamaan na talaga sila sa isa't isa.
"Ooooie, si Riley." Tukso ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng malapad.... Ayieeee!
"Baliw ka talaga, Zoey. Tingnan mo, nagmukhang kamatis na si Riley. Ayieee... Nagbibinata na siya." See? Ginagatungan pa ni Kuya Dwayne.
"Ewan ko sa inyo, magpinsan talaga kayo." At nagsimula nang maglakad si Riley, sumunod naman sa kanya si Kuya Dwayne. Kaya tinungo na namin kaagad ang garden.
—
Sa garden...
"Ang tagal niyo!" -Reign. Napatingin namn siya kay Cassey.
"Cassey? Aaaaaaaahhh! Ang ganda-ganda mo... Naiinggit tuloy ako sa blonde hair mo. Bagay sayo." Naghawak kamay silang dalawa at nagtatalon-talon.
"Ikaw din.. Bagay sa'yo ang short hair..."
Para silang mga baliw.
"So?" Tumigil naman sila nang marinig nila ang boses ko. Ngumiti naman aila ng malapad at sabay na lumapit sa akin.
"Group hug!" Sigaw nilang dalawa at niyakap nila ako ng mahigpit...
"Wait! I-I c-can't b-breath..." Hinahabol ko ang hininga ko kasi nakulong ako sa mga yakap nila. Pinakawalan naman nila ako kaagad... May claustrophobia kasi ako.
"Sorry..." Sabay nilang sabi. Pinagpawisan talaga ako ng literal. Napaupo naman ako sa bench. Hinimas ni Reign ang likuran ko at binigyan naman ako ng tubig ni Cassey. I love them both, kahit ganyan sila kabaliw.
"Are you okay?" Natatarantang sabi ni Reign.
"I'm fine, bestie... Don't worry."
"Are you sure?" -Cassey.
Nang mahimasmasan na ako, tumayo kaagad ako at niyaya sila.
"Yes, I'm fine!... So let's eat na? Nagugutom na kasi ako." Sumabay naman sila sa akin.
Pumunta kami sa cafeteria at nag-order kami ng lunch... Malamang, ano ba ang ginagawa sa cafeteria aside sa pagtambay, diba ang umorder? Wew, corny ko.
Pagkatapos naming umorder nang pagkain, nakita namin sina Kuya Dwayne, Kuya Renz at Riley.
"Zoey/Reign!" Sabay tawag nina Kuya Dwayne at Riley. Aasahan ko pa bang magsasalita si Kuya Renz?
Lumapit naman kami sa table nila nang biglang umatras si Cassey...
"Sige, guys... Maghahanap nalang ako ng ibang upuan. Kayo lang ang tinawag, eh..." NapakaOA din talaga nitong si Cassey kahit kailan...
"Ang OA mo ha..." Hinila ko siya papalapit sa amin.
"Wag kang umalis, Cass... Sorry, kung si Zoey lang ang tinawag ko. Kasama ka naman talaga sa tatawagin ko kaso nagkasabay pa kami ni Riley sa pagtawag sa inyo." Naku! Nagpaliwanag pa ang magaling kong pinsan. Kaya ito tuloy si Cassey, nagmumukhang kamatis... Hahahaha..
6 seaters kasi ang mesa kaya kasya kaming anim, lumipat naman si Riley sa tabi ni Kuya Renz kaya nasa harapan na nila kami umupo.
Kuya Dwayne - Kuya Renz - Riley
***Table***
Cassey - Ako - ReignHabang kumakain, napansin kong tahimik si Kuya Renz... Grabe, seryosong-seryoso talaga siya sa pagkain, while ang iba naman grabe ang ingay... Daig pa yata ang palengke.
"Oo nga pala Zoey, sabi sa akin ni Renz na partner daw kayo sa weekly activities..." -Kuya Dwayne.
Talaga? Nasabi niya yun? Ganun ba siya kadaldal? Wala nga akong plano na sabihinsa kanila yun.
"Ah, eh... Oo, kuya... Every week kasi gagawa kami ng iba't ibang dishes... Magbibigay ang prof namin kung ano'ng klase ang lulutuin namin. Like for example... Next week, magluluto kami ng soup... Kahit anong soup basta soup.. Yun.." Grabe ang haba ng explanation ko.
"Aaaaaaaahhhh.." Yun lang? Yun lang ang sagot nila sa haba-haba ng explanation ko. Ang sakit huh? Tagos sa puso.
"Mmm.. Natatakam na tuloy ako sa lulutuin niyo." Well said, bff... Akala ko mapapahiya na ako. "Patikim ha.." Dagdag pa niya.
"I'll try my best kung hindi mauubos sa mga judge... Magdadala kami ng niluto namin every lunch." -sabi ko.
"Promise ha..."
"Sure, bff..."
"Pa'no naman kami?" Angal ni Kuya Dwayne.
"Si Cassey na ang bahala sa inyo. Hahahaha..." Napatingin naman sila kay Cassey na hanggang ngayon ay namumula pa...
"Cassey?" Pagpapa-cute ni Kuya Dwayne. Waaaah! Wag mong gawin yan Kuya Dwayne... Sasabog na talaga si Cassey niyan.
"Y-yeah, s-ssure." See? Nauutal na siya. Hahaha... Cute Cassey.