Chapter 5

3 2 0
                                    

***

Nagising ako dahil sa uhaw, natutuyo na ang mga labi ko dahil sa lamig...

"Naku! Anong oras na?" Bigla kong bumangon at tiningnan ko ang wall clock... 11:02 a.m.

Ang tagal ko yatang nagising? Tiningnan ko ang katabi ko at nakita ko si Reign na ang himbing ng tulog, nakanganga pa nga at tulo laway... Hehehe.. Kung dala ko pa ang cellphone ko, ang dami ko nng kuhang stolen pictures niya. Hihihi. Naalala ko naman ang iPad ni Kuya Renz.. Ahh, wag na.

Tumayo ako at inayos ko na ang sarili ko. Hindi ko na muna gigisingin si Reign, I'm sure napagod yan kagabi...

--flashback--

Time check: 01:39 a.m.

Madaling araw na at eto kami, gising na gising pa. I'm sure kami nalang ang gising dito sa bahay.

Gusto ni Reign ng kwentuhan...

"Okay, I want to know kung bakit tinatanong mo kanina kung nagsasalita ba si Kuya Renz?" Tanong ni Reign. Pero mahina lang ang mga boses namin baka kasi may makarinig o magising si Kuya Renz sa tabi.

"Eh, kasi... Hindi ko pa siya narinig na magsalita."

"Seryoso? Diba maraming beses ka nang nag-sleep over dito sa bahay?"

"Oo, pero minsan wala siya dito, minsan naman nagkukulong siya sa kwarto niya, at kung magkita man kami, hindi niya ako pinapansin."

"Huh? Ganun ba... Kaya pala takot ka kay Kuya?"

"Oo, eh, kasi ibang-iba siya sa'yo. Magkaiba talaga kayo."

Tatawa sana siya ng malakas kaso naunhan ko na siya, tinakpan ko kaagad amg bibig niya.

"Wag kang maingay...." Sabi ko. At nag-okay sign naman siya.

Hindi siya makapaniwala kung ganon ang tingin ko kay Kuya Renz.

"Oo na... Pero hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi mo. Eh, sa kinukwento mo parang hindi si Kuya Renz."

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon