Dear Diary #3

4 2 0
                                    

***

jas_ZOEY

Dear Diary #3


Alam mo ba, Daisy ang daming nangyari ngayong araw bukod dun sa sinabi ko sa'yo kanina....
Ewan ko ba kung bakit biglang naitanong ni Reign kung may crush na ba ako? Hindi kasi ako nagkukwento kung may crush ba ako. Wala naman kasi akong makwento dahil wala akong crush. Ewan ko ba... Hindi naman ako tomboy. Hindi lang siguro ako madaling ma-attract sa mga boys. Kinikilig din naman ako kapag nanonood kami ni Reign ng mga sweet love story pero para sa akin... Duh bahala na.

At alam mo ba, dahil wala akong crush... Nireto niya saakin yung Kuya niya. Si Kuya Renz, diba alam mo namang takot ako sa kanya. Ewan ko ba kung ano yung tumatakbo sa isip ni Reign. Nabaliw na 'ata. Lagi niya akong kinukulit dahil dun. Maganda daw ako tapos gwapo daw ang Kuya niya. Hindi naman yun matatanggi... Gwapo nga si Kuya Renz, pero wala eh.. Wala epek. Nangibabaw kasi ang takot ko sa kanya. Kaya nga chini-change topic ko nalang ang kwentuhan namin ni Reign at baka bumalik pa sa kuya niya.

Nagyaya si Reign na mag-mall, pumayag din naman ako. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakapag-shopping. Pero konti lang ang binili ko, hindi ko kasi dala ang credit card ko. Buti nalang at dala ko ang extra money ko. Pagkatapos naming mag-Starbucks, sabi ni Reign na nag-text daw ang kuya niya kung manonood ba kami ng gig nila. Pumayag naman ako kasi gustong-gusto ni Reign na makita si Riley basta may kapalit... Wag na niya akong itukso sa Kuya niya.

Pumunta kami sa Bubbly Bar, si Uncle Johnny ang may-ari ng bar na yun, kapatid ni Daddy. Si Ate Dani, pinsan ko... ang namahala sa bar... Safe doon kaya okay lang na pumunta kami. Kasama din kasi si Kuya Dwayne sa banda, kapatid ni Ate Dani.
Mukhang sa reaksyon ni Kuya Renz, di niya kami iniexpect na dumating. Ano ba?

Hinila ako ni Reign sa CR at sinabi niya ang totoo, si Riley pala ang nag-text at hindi ang Kuya niya. Baka kasi hindi ako papayag. Pinatawad ko naman siya kaagad... Best friend ko eh, hindi ko matiis. Pagbalik naman namin sa kanila, biglang hinila ni Kuya Renz si Reign sa labas. Tinanong ko naman si Kuya Dwayne tungkol kay Kuya Renz, kung nagsasalita ba siya. Welll, same as Reign's answer... Oo daw. Madaldal daw. Hindi kapanipaniwala. Bipolar yata siya. Ah.. Never mind na nga... Ito lang muna ngayon ang mai-shashare ko... Bukas ulit Daisy. Night!

Love,
Zoey

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon