Dear Diary # 10

8 2 1
                                    

***

jas_ZOEY

Dear Diary # 10

Hello, Daisy... Namiss kita...
Alam mo bang ang daming nangyari ngayon? Mabuti naman at nakauwi ako ng buo at buhay... Hehehehe joke...

Kaninang umaga, sa akin sumabay si Reign... Tinotopak daw kasi ang Kuya niya, kaya ayun! Naging personal driver ako ni Reign kanina papuntang school. Buti nalang at hindi ako late... Maaga din akong nagising at hindi ganun kaaga ang klase ko.

Pagdating sa classroom, nagdiscuss ang prof namin tungkol sa lulutuin namin...
3 dishes of soup ang lulutuin namin, 2 soups for individuals at ang isa ay for pair. Binigyan kamo ni prof. ng 15 minutes para idiscuss sa partner ng lulutuin... At dahil si Kuya Renz ang partner ko, nag-meeting kami tungkol sa gagawin naming soup. At first, hindi ako makapagsalita. Alam mo namang takot ako sa kanya diba? Buti nalang at siya ang nag-open ng topic... Tinanong ko siya kung may idea na ba siya kung ano ang lulutuin namin. Tapos sabi niya wala... Kaya sinabi ko nalang ang idea ko... Sumang-ayon din naman siya.
Potato-Cheese Chowder ang lulutuin namin.

Oyster Chowder ang lulutuin ni Kuya Renz at Curried Scallop Bisque sa akin. Parehas kami seafood.


Tinanong ko siya kung saan kami magpapractice, sabi nman niya sa amin daw kasi kompleto ang mga gamit namin sa kusina. At bukas kami magpapractice.

Sinabi ko na bibili ako ng ingredients ngayon, tinanong niya ako kung ako lang ba mag-isa... Sino pa ba ang isasama ko? Konti lang naman ang bibilhin kong ingredients eh kaya okay lang. Pero nagulat ako nang nagpresenta siyang sumama, bibili nalang din daw siya ng ingredients ng lulutuin niya. Natakot ako, kaya pinlano kong isama si Reign at Cassey.

Pero sa kasamaang palad, may lakad si Cassey at may date si Reign. Kaya ang resulta? Alam mo na...
Magkasama kaming dalawa.

Pagkatapos ng klase, umuwi kaagad ako para makapaghanda... Nagulat naman ako dahil ang aga niyang dumating... Nagrepresenta pa siyang sumakay nalang ako sa kotse niya. Eh, ano pa ang magagawa ko?

Naiilang na talaga ako... Sana kasama ko si Reign, napapanis na kasi ang laway ko sa kanya...

Buti nalang, gaya ng sabi ko sayo kanina. Nakauwi ako ng buhay...

Sige na... Mahaba-haba na rin ang naikwento ko sa'yo...

Sana may maka-appreciate ng looks ko. Joke... Hehehehe...
Parang mga best friends ko lang at parents ko ang nakapansin ng bagong looks ko eh... Isama mo na rin ang Mama ni Reign at si Manang...

Sige na, nag-eemote na naman ako. Hihihi.. Byerrrrssss..

Love,
Zoey

Dear Diary (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon