***
jas_ZOEY
Dear Diary #5
Hi Daisy! Alam mo bang gamit ko na ang phone ko ngayon?
Nakauwi na ako ngayon sa bahay namin at nakahiga na ako ngayon sa malambot kong kama.Alam mo bang habang nageempake ako kanina, biglang nagdrama si Reign... Mamimiss niya daw ako at gusto niya akong mag-stay at dahil sa kadramahan niya, may balak pa siyang ipakasal ako sa Kuya niya para lagi na daw kaming magkasama... Ewan ko ba kung bakit naging best friend ko yun... Ang wild ng imagination. Anong feeling ko? Siyempre nagulat... Binatukan ko nga.
Before namin naibalik ang iPad, ginamit muna namin yun sa pagse-selfie.. Adik kasi si Reign aa selfie... Kayaayun, pati iPad ng Kuya niya pinagtripan. At dahil dun, nag shutdown ang iPad... Ikaw kaya hindi na-charge for 3 days...
Dumating naman si Manang Lita galing Baguio. May pasalubong siyang strawberry jam at fresh strawberries. Binigyan niya nga ako ng dalawang jar ng jams at 1 kilo ng fresh strawberries. Grabe, ang daming fresh strawberries ng dinala ni Manang Lita. Kaya gumawa kami ng strawberry filled cake, cottage cheese cake at strawberry-pineapple delight. Nakakapagod talagang mag-bake pero masaya naman gawin. At masarap sa feeling dahil nagustuhan nila ito.
Sinundo din ako nina Mommy at Daddy. Pero sa totoo lang, malapit lang naman ang bahay namin, nasa kabilang kanto lang. Susunduin lang daw nila ako... Parang bata lang diba? Gusto kasi nila Mom at Dad na sabay na kaming uuwi sa bahay. May kotse naman ako kaso magagamit ko lang yun tuwing may klase at OJT.
Pag-uwi ko, sinalubong kaagad ako ni choo-choo... Ang chubby niya pa rin... Inalagaan talaga siya ng mabuti ni Manang Leni.
Isang araw na lang pala at pasukan na... Ang bilis talaga ng mga araw. Parang kailan lang, 1st year college ako.. Eh ngayon, graduating student na... Sana nga makapasa ako. Kailangan kong magaral ng mabuti...
Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo... May nagtext sa akin from unknown person... 09123456789 ang number... Ang weird eh..
At may isa ang weird, in-add ako ni Kuya Renz sa facebook... in-accept ko naman kasi kilala ko siya at Kuya siya ni Reign. Hmm. Yan lang... Sana nag-enjoy ka sa kwento ko.Sa uulitin, inaantok na kasi ako. Bye Daisy!
Love,
Zoey