Mist 1

141 4 0
                                    

[Nina]

Bigla kong naalimpungatan dahil may naramdaman akong sakit sa aking tiyan.

"Salamat at gising ka na. Pang 5 araw mo na ito ngayon kung hindi ka pa nagising." sabi ng isang babaeng nakatayo sa harap ko.

"Si-sino ka? Saan to?" Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid at nakita kong ang daming mga higaan na kulay puti lahat.

"Nasa clinic ka. Binabantayan kita dito hanggat sa magising ka. Ako pala ang ninang mo, Remember? Tita Eli. Ang laki mo na Nina at ang ganda mo pa." Sabi niya at hinaplos pa ang aking buhok.

"Pasensiya n-na po. pero--" "Nawawala ang alaala mo, tama ba?" Nagulat ako dahil alam niya kaagad kong ano ang sasabihin ko.

"Wag kang mag-alala. Tutulungan ka namin ng Tito Rix mo. Oo nga pala, susunduin ka na niya mayamaya." Sagot niya at bumalik ulit siya sa Table niya at bumalik sa akin may binigay siyang isang bowl ng soup.

"Kainin mo muna yan, Sure akong gutom ka." Dahan-dahan akong kumain parang gumaan ang pakiramdam ko. Di nagtagal ipinaliwanag ni Tita kung bakit ako napadpad sa kanila. Ang hindi nila alam ay kung bakit ako nawalan ng memorya.

"Isang gabi tumawag ang mama mo, papunta na ako sa bahay niyo nun kasi 18th birthday mo. Sabi niya kahit anong mangyari dapat mapangalagaan kita. At biglang naputol yung linya, kaya agad akong pumunta sa bahay niyo at yun naabutan kitang nakahandusay sa sahig at ang mga magulang mo ay hindi ko mahanap." Wala akong maalala kahit konti sa pinagsasabi ni Tita.

"Kaya p-po ba dinala niyo ako dito?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, Nakatakda na dapat mag-aaral ka dito pagkatapos ng iyong ika-labingwalong kaarawan." Sagot ni Tita habang inaayos ang mga papel na nakakalat sa la mesa niya.

"Asan siya!?" Biglang may sumigaw sa may pinto. Lalakeng matangkad at mestiso.

"Wag ka ngang magsisisigaw! Ayun siya oh." Tinuro ako ni Tita Eli. Agad tumakbo papunta sa akin yung lalake.

"Kamusta? Ako nga pala si Tito Rix mo. Naaalala mo ba ako?" Tanong ni Tito Rix saken.

"Rix, Wala nga diba. Ang tigas ng ulo mo. Yun na nga yung resulta ng mga Lab tests ko sa kay Nina." Sagot ni Tita Eli. Naging malungkot ang mukha ni Tito. pero wala akong magagawa. Hindi ko alam eh.

"Tulad ng nakapagkasunduan, doon siya titira sa inyo. At babantayan mo siya ng maigi kundi lagot ka sa kay Fe!" Pagalit na boses ni Tita.

"Oo na, pwede ko na ba siyang kunin? I'm sure boring dito sa clinic mo." Patawa nasabi ni Tito.

"Umalis ka na nga dito! Pinapainit mo ang dugo ko eh!" Pasigaw na sabi ni Tita.

"Halika na, Nina. May puputok ng bulkan diyan." sumunod ako kay Tito at pinagbuksan niya ako ng pinto..

"O sya, paalam Eloisa! HAHAHAHA" At bago pa tapunan ni Tita si Tito Rix ng Libro nasirado na ni Tito ang pinto."Hay nako. Pagpasensyahan mo na yun Nina. Ganun talaga kaming dalawa." Tumango nalang ako at sumunod kay tito sa paglalakad..

"Itong pinanggalingan natin na building ay ang Faculty at Clinic. at yan naman sa bandang kanan ay ang Preschool at elementary department." sabi ni Tito habang tinuturo yung building. "Sa bandang kaliwa naman ay ang College and Mastery department. at yang sa gitna, diyan ka mag-aaral, High school department." Tinuro niya yung building na kulay pula. Marami pang sinabi si Tito. Sabi niya kakulay ng uniform ang department kung saan kayo galing. 8AM nagsisimula ang klase dito at 3PM ay uwian naman. Sa di kalayuan ay nakakita ako ng isang napakalaking mansyon.

"A-ang laki." Sabi ko bigla.

"Ako ang landlord sa dorm na ito. At dito ka titira." Sabi ni Tito.

"Landlord?" Tanong ko.

"Yung para bang guardian or tagabantay sa bahay na yan. Wag kang mag-alala kahit puro lalake naktira diyan, may sarili ka namang kwarto.. Yung para sayo lang." Nagulat ako sa sinabi ni Tito.

"Lalake?!! Di po ba... B-bawal magsama--" Pinutol ni Tito ang sasabihin ko.

"Mas maaalagan kita dito at mababantayan, Wag kang mag-alala." Hinawakan ni tito ang kamay ko at pumasok na kami sa mansyon. Tama bang pagkatiwalaan ko ang lalaking to? Bigla siyang tumigil sa pagpasok namin. Sumalubong sa akin ang mala-palasyong bahay.

"2AM pa pala? Ang aga pa. Sige Ililibot muna kita sa Bahay." Hinila na ako kaagad ni Tito sa ikalawang palapag. Sabi niya sa bawat kwarto ay may 4 na estudyanteng nakatira.

Bale daw my 65 rooms sa bahay na ito. 60 para sa 240 na mga studyante; 2 para sa akin at kay Tito; 1 para sa 10 mga katulong; 1 para sa Kusina at 1 para sa Dining room. Ang laki talaga no? May 55 rooms sa ikalawang palapag yun daw yung elementary,high school at college pati rin pala yung mastery department. May 10 naman na kwarto dito sa unang palapag at ipinakita sa akin tito ang kusina. Ang laki nito, para itong isang kwarto na buo na ng mga gamit pangluto at may storage room sila na punong puno ng mga pagkain na ginagamit sa pagluto, kasama ko ring nakita ang dining room na kasing laki ng salas sa labas. May 2 Malalapad na Lamesa at ang sabi ni tito, Sabay-sabay dapat kumain ng breakfast,lunch at dinner kundi may kaukulang parusa. Nakaramdam ako ng kaunting pagod.

"Magpahinga ka na, ihahatid na kita sa kwarto mo." Tumango na lang ako. Bago kami makapunta sa kwarto ko nakita ko ang mga kwarto ang 5 kwarto ng preschool. Di nagtagal nakita ko ang may kulay yellow na pinto sa pinakagilid.

"Yan ang kwarto mo, dito naman ang kwarto ko Nina! Magpahinga ka ng mabuti ha? At saka nga pala bukas magsimula ka na ng pag-aaral, ready na ang gamit mo diyan, mero na ka na ring mga damit diyan. Sana magustuhan mo yang lahat. O sya. Pasok ka na.^^" Ngumiti ako kay Tito at nagdiretso na sa kwarto ko..

Sa pagpasok ko sa kwarto ko, naka-off ang ilaw kaya pinaandar ko ito. At nakita ko ang kabuuan ng kwarto. Hindi masyadong malaki, hindi rin maliit yung tamang tama lang para sa katulad kong babae. Pumasok sa ako sa Cr ng kwarto ko at nakita ko ang isang kulay sky blue bathtub, ang laki naman nitong Cr,may shower na rin dito tapos meron na ding health kit may malaking salamin katabi ng isang pinto? Ano to? Binuksan ko yung pinto at nakita ko ang sangkatutak na damit na naka-organize na ata, base sa nakikita ko ang mga ito ay nakabase sa uri ng aking susuotin. May pang-school, pang-bahay,pang-sports/PE,pang-tulog at mga sapatos meron din, isama mo pa ang mga accessories. Yung totoo? Pinaghandaan ba nila ang pagdating ko dito? Hmmmmm~ Naligo na ako at nagpatuyo ng buhok,Nkasuot ng pangtulog. Syempre naman diba? Nakita ko yung mga desenyo sa pader kulay skiy blue din. Siguro paborito kong kulay ito noh? Ang lamig sa pakiramdam... Atsaka may aircon din pala dito. Yung kama ko kulay yellow lahat pati bedsheet. May maliit na lampshade na kasama ng isang study table. Napagpasyan kong i-off na ang ilaw at matulog na.. Sa paghiga ko napansin ko parang may tinakip na kung ano sa kumot. Di kaya stufftoy to? Niyakap yakap ko ito.. Eh? Ang haba naman ata nitong stufftoy na ito? Makuha nga itong kumot na ito! Ang lamig kasi ng aircon eh.

Pero sa hindi ko inaasahan iba pala ang makikita ko sa pagkuha ko ng kumot. I▬Isang la▬lalake?!!! I▬sang lala▬king nat▬tutulog?? akala ko ba kwarto ko ito? Nagkamali siguro si uncle? I guess? Te▬teka parang naalimpungatan yung lalake ah? parang... Magigising siya? Te▬teka! Uncle! Nagising na nga siya at nakatingin siya sa akin! Natatakot ako! baka anong gawin niya sa akin. D▬dapat makasigaw ako! D▬dapat m▬maka▬▬▬

TO BE CONTINUED....

Oblivion (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon