Mist 7

43 3 0
  • Dedicated kay MaYuura Kanda
                                    

[Daryl]

Quiet please...

"Ann..... yeong , nan.... Daryl ib...nida..." Ang panget ng accent ko, hindi ko maalam sa korean pero titiisin ko to.

"Annyeong.... haseyo!? Dang... sin-eun mwo......haneung...eoya?' Ano ba ito, hindi ko masabi ng maayos. Nakakahiya kong ganito ako magsalita sa harap niya..

"Hey, Daryl. Whatcha doing fre?!" AY! Ginulat na naman ako ni Charlie.

"Ano ba, may ginagawa yung tao.. Ayan ka na naman. Umupo ka nga diyan, maghanap ka ng mapagkakatuwaan mo, Charlie." Seryoso kong sabi sa kanya.

Katatapos lang kasi ng lunchbreak at kumain ako kanina sa mansion.. At oo nga pala nakita ko na naman siya sa may Hallway...

*Flashback*

" ♫ If I told you I was perfect I'll rely on... If there's something I'm not doing girl, I'm trying.... ♪ ♫ " Napatigil ako sa pagkanta ng may nagtap ng balikat ko. Napatingin ako sa likod ko..

"Seryoso mo diyan ah, at dito ka pa talaga sa music room pumunta. Hinahanap na tayo, kakain na ng Lunch." sabi ni Steve sa akin.. Tumango naman ako.

"Sige, susunod ako." Naunang lumabas si Steve at bago ako umalis inayos ko muna yung monoblock chair na ginamit ko.. Nilagay ko ulit sa pwesto nito.

Sinara ko na yung pinto nang akmang aalis na ako nakita ko siyang dumaan sa harap ko, tumatakbo na naman siya... O_____O

Ano kaya ginagawa niya bakit siya palaging tumatakbo sa hallway?

Dito ko siya unang nakita noon.. 2 years ago.. Simula nong natanggap ako sa 'The Voice club'

Ang golden blonde niyang buhok..

Ang mabango niyang amoy....

Ang mga mata niyang kay ganda....

Kahit sana pangalan niya lang malaman ko na...

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Naisipan ko naman non na umuwi muna sa Mansion house doon na lang ako kakain.

*END OF FLASHBACK*

"Hoy, bakit hindi ka sumabay sa amin kanina?" Napansin ko namang nasa harapan ko na pala si Theo at nag-iissnap siya sa harap ko.

"Ahmmm, gusto ko lang don kumain sa mansion." Tumango naman si Theo at bumalik na sa upuan niya.

"Ako ba niloloko mo? May ka-date ka noh?!" Sabi ni Charlie na tinuro-turo pa yung mukha ko. O___O

"Hah? Sure ka ba diyan? Tumahimik ka na nga diyan." Nag crossed arms lang si Charlie at umupo na. Inirapan niya lang ako nong tinignan ko siya. Ayan na naman yang pagka-mausisa niya.

Gusto ko sana humingi ng tulong sa mga kasamahan ko kaso baka mabulilyaso pa ang sekreto ko. Maiingay pa naman to baka mabuking ako. Nagtanong naman ako kay Nina kanina nong nasa mansion house kami pero wala pa ring nangyare. Hindi ko masagot ang tanong kung sino yung babaeng gusto ko eh kahit pangalan nga niya hindi ko alam.

"Pres, may naghahanap sayo sa labas." Napatingin ako sa classmate kong si Aron. Tumayo naman yung president namin na si Ms. Trisha. Ang lesbian naming president...

Lumabas naman si President at naiwan kaming lahat dito sa loob, mayamaya magsisimula na yung klase.

Nakita ko si President na pumunta sa harapan. Sino kaya yung kumausap sa kanya?

Oblivion (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon