Mist 3
Time na pala. Tinignan ko ang wristwatch ko, 8:03am. Naisipan kong lumabas na lang sa mini office, paglabas ko nakita ko ang dalawa.. Si Charlie at Brent.
"Oh Kamusta?" Tanong sa akin ng nakangiting si Charlie.
"Ah-- Eh, Okay lang. Saan ba yung room ko dito?" Nagmuni-muni ako sa paligid ko, Kulay puti at kulay berde ang nakikita ko.
"Sumunod ka sa amin" Sabi ni Brent. Agad naman akong sumunod sa kanilang paglalakad. Bigla silang huminto,
"Dito ang classroom mo, Nina. Goodluck sa first day!!" sabi ni Charlie na nakangiti pa rin. Kumatok sila sa pinto at agad naman bumukas ang sliding door.
"Hello maam!! Eto po, new student mo! Sige po late na kami sa klase namin. Byeee Nina!!" Nagwave sa akin yung dalawa na halatang nagmamadali, siguro late na nga sila.
"Ikaw ba si Ms. Gremont?" Tanong sa akin ng babaeng nasa Mid-30 ang edad.
"O-opo maam." Sagot ko.
"Ako nga pala ang class adviser mo, Ms. Jane ang itawag mo sa akin. Sige pumasok ka na at ipakilala ang sarili mo." Sabi sa akin ni Ms. Jane.
Nong pumasok na ako sa classroom nakita ko ang pagiging organized ng mga bagay-bagay sa loob. Tulad nga ng sabi ni Tito, counted ang number of students bawat classroom. Humarap ako sa mga kaklase ko kahit medyo kinakabahan ako.. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob magpakilala.
"Ako si Nina Gremont, 18 years old." Sabi ko. May babaeng tumaas ng kanyang kanang kamay.
"Maam! Excuse po. May question lang ako, Uhmmm.. Nina, right?" tumango naman ako sa babae.
"Anong room # mo sa Mansion house and What's your power?" tanong nung babae sa akin. Okay lang kaya kong sabihin ko ang totoo na sa Mansion house ng boys ako nakatira?
"Uhmm.. sa mansion house ako ng boys n-nakatira." Nag-iba ang expression ng mga mukha nila, nagulat ata? Ewan.
"yung kapangyarihan ko ay Shield at R-rouge." Nag-aalanganin kong sagot.
"Oh, a special student! Nag-aangkin ng dalawang kapangyarihan. Okay, Ms. Gremont. You can sit at the back." tumango naman ako sa sinabi ni Maam bilang response. Bakit ganito sila makatingin? Hanggang sa umupo ako di parin nila ako nilulubayan ng tingin. Natatakot tuloy ako. Umupo ako sa pinakahuling upuan sa gilid nito may bintana na makikita ang view sa labas, itinuon ko na lang ang aking pansin sa labas para tuminigin ng biglang sumakit ang ulo ko. Arggh! Ang sakit sobra.. Dumidilim ang paningin ko.. t-tulong?
***********************************************************************************************
(Change scene)
"Ms. Gremot? Are you listening?" Napansin siguro ni Maam na kanina pa ako nakatingin sa labas.
"I'm so-sorry maam?" Hindi yan si Teacher Jane bakit siya nandito.. Tinignan ko ang paligid ko, bakit parang nag-iba lahat? T-teka yung uniform ko! Hindi to ang uniform ko! Nasaang lugar ako?! Tito, San ka ba?? Bigla namang bumukas ang bintana na nasa harap ko,naka-upo kasi ako malapit sa bintana. Lumakas yung hangin, sobrang lakas. A-Ano bang n-nangyayare? Tulong naman po Tito.
"Dahil to sa iyo eh, Kaya nagiging ganito ang mga buhay namin!! Salot ka!" Sigaw nong babaeng nasa harapan ko na di nagtagal naging.........

BINABASA MO ANG
Oblivion (ON-HOLD)
Teen FictionSa pagmulat ng mga mata ni Nina, bagong mundo ang kanyang mahahantungan.. Walang maalala kundi ang kanyang pangalan lamang.. Ano kaya ang kahahantungan niya sa kakaibang mundong masasaksihan?