"Wag ka nang tumigaw, ay este shumigaw.." sabi nung lalake na serious pa rin ang mukha. Nag-yawn pa siya..Ok? Di ka ba aalis sa kama ko? Tinitigan niya ako ng maigi. huhuhu. Uncle! Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napalingon agad ako baka kasi si Uncle.
"Nina? Okay ka lang ba diyan? Bakit parang may kasama ka diyan??" Katok ng katok si uncle pero parang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Tinignan ko yung lalake tapos maigi siyang nakatitig sa akin in a serious way. bakit ba ganyan siya makatingin? Parang may iniisip na parang galit na ewan? Bigla siyang tumango ng hindi ko malamang dahilan pagkatapos nun ay biglang bumukas ang bintana ng aking kwarto at tyempong nabuksan ni Uncle ang pinto kaya agad akong lumapit kay Uncle paglingon ko ulit sa kama ko, nawala yung weird na lalake. Para siyang manika kung hindi siya gagalaw. Nakakatakot. -__________-
"Okay ka lang ba? Pasensiya ka na. Nakalimutan ko, may estudyante palang mahilig matulog dito pag maingay yung mga ka roomates niya. Wag kang mag-alala. Hindi na yun matutulog dito. Bibigyan ko yun ng punishment. Sige na matulog ka na dyan. Sana magustuhan mo ang kwarto mo. Mama mo nagdisenyo nito. :) Good night Nina." Hindi na ako pinasalita ni uncle, pagkatapos ng kanyang explanation umalis na siya. At ayun nga hindi ako mapakali kasi niyakap-yakap ko yung inaakala kong stufftoy. Nakakahiya naman yun sa lalakeng weirdo. Matagal din akong di mapakali hanggang sa unti unti akong nakatulog na..
(Morning)
*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*
Ang ingaaaaaayyy!! A▬ano ba yun? Time na ba para gumising? Tinignan ko yung wallclock ko sa may pinto. 6:39AM nong bumangon na ako saka naman tumigil yung maingay na tunog naisioan kong humiga ulit ng biglang▬▬▬
*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring*Kring
Tumunog ulit yung maingay. Hayst maligo na nga lang ako. ▬_▬ Habang naliligo.. naiisip ko ang bilis ng pangyayari, dapat makaisip ako ng paraan kung papaano maibalik ang aking alaala. Hihingi ako ng tulong kina titio at tita, alam kong maaasahan ko sila, :))))) Pagkatapos ng aking mga morning rituals lumabas na ako suot-suot ang aking unipormeng kulay pula. Ang iksi naman ng palda hindi ako sanay, May backpack akong kulay yellow at knee-socks na kulay white. Pinabayaan ko lang ang buhok ko na naka wagwag parang hindi kasi ako bagay mag-inarte eh. Nakita ko ang mga bata na papalabas pa din sa kanilang kwarto. Ang kyu-cute! naka-uniform sila ng yellow, sinundan ko sila hanggang sa dining room nakita ko ang mga lalakeng estudyante.. Lahat sila nakatingin sa akin, syempre nag-iisang babae ako noh? May biglang tumayo isang lalakeng naka-Cap ng black..
"Hey, Ba't ka andito? Alam mo bang bawal ang katulad mo dito? Tsk. Umalis ka na nga!" Pasigaw niyang sabi. Nagulat naman ako sa inasal niya. Ang sunget!
"Sinong aalis? Oh, Nina! Andiyan ka na pala." Tinignan ko si tito na kakadating lang at yung lalaking sinigawan ako. Mukhang nagtataka siya...
"Everyone" Inakbayan ako ni Tito tapos lahat ng mga lalake mas lalong tumingin sa akin.
"I would like to say na dito na titira ang aking inaanak na si Nina Gremont. Sa ayaw niyo at sa gusto. Ako ang masusunod dito. Siya nga pala, Shin. Pumunta ka sa office ko mamaya.. may kasalanan ka sa akin." Tumingin sa akin si tito at nagsmile ako ng konti. Shin? Shin ang name nong lalaing weirdo? Weirdo nga talaga pangalan palang.. Hmmmmm..
"O sya! Hoy ikaw! Ken, Wag mo maaway-away tong si Nina ako makakalaban mo!" Sinigawan ni tito yung sumigaw sa akin kanina.. Ken pala pangalan nitong masunget na to! Hmmp! Bumalik siya sa upuan niya at ayun ang asim ng mukha. Umupo na kami doon sa pinaka-gitnang table at siniserve na ang mga pagkain namin.. Isang baso ng milk bawat isa at may tinapay at keso meron ding hotdogs na nilalagay ng katulong sa table namin. Nagdasal muna kami pagkatapos ay kumain na.. Kasama ko kumakain ang mga preschool at kindergartens.. Tahimik lang sila kumakain kaya tumahimik na rin ako..
BINABASA MO ANG
Oblivion (ON-HOLD)
Teen FictionSa pagmulat ng mga mata ni Nina, bagong mundo ang kanyang mahahantungan.. Walang maalala kundi ang kanyang pangalan lamang.. Ano kaya ang kahahantungan niya sa kakaibang mundong masasaksihan?