[Nina]
Timecheck: 10:27AM
"Hello Nina!" Napatigil ako sa pagkain ko ng burger, napatingin ako kung sino yung bumati sa akin.
"Oh, Gemm, Olga.. Kayo pala. Umupo na kayo dito oh." Sabi ni Rashie. Ngumiti lang ako at umupo na yung dalawa.
"Oyy. Magkwento ka naman, Olga.. Ano yung binulong sayo ni Ken?" Tanong ni Rashie.
"Hah? Paano mo yun nalaman." Tumingin naman si Rashie kay Gemm, kaya alam na ni Olga ang sagot.
"Wala yun. Nevermind that." Sagot ni Olga. Tumahimik naman si Rashie at kumain na rin ng binili niyang pagkain.
"Wait lang ha, may bibilhin muna ako." Sabi ni Gemm at pumunta agad siya sa corners.
"Uy. Malapit ng bakasyon! Yeaaahh~ Saan kayo magbabakasyon this sem break?" Hindi halatang excited si Rashie ha.
"Ewan." Yan lang sinagot ko at ininom na yung juice ko.
"Ngek! Sumama ka na lang sa amin ni Eugene. Pupunta kami sa Sweden." >////////< Kinikilig na naman tong babaeng to. -_______-
"Sosyal niyo naman. Diba 15 days lang ang sem break?" Tanong ni Olga.
"Oo. Mga magulang naman ni Eugene ang gagasta eh. Kaya okay lang. Hehehe" Sabi ni Rashie.
"Gumamit kayo ng proteksyon kung may magaganap na pangyayari don ha." Sabi ni Olga.
"Waaaaaaaaaah~ Olga! Mean ka talaga. Hindi pa namin iniisip yun noh!" Nahihiyang sabi ni Rashie. Yung totoo? Kayo lang ba tao dito?
"Ows? Basta ha, reminder lang." -Olga ^________^
"Guys!!!" Nakabili na si Gemm ng food niya. Isang medium bowl ng marshmallows at coke in can.
"Sino siya?" -Olga
"Ah... Eto si Shiela. Family friend. Pwede ba siyang makisabay sa atin dito?" Nakatago pa sa likod niya si Shiela. Mahiyain nga siguro.
"Sure." -Ako
"Dito ka oh." Tinuro ni Gemm yung upuan niya katabi sa akin. Napatingin yung Shiela sa akin kaya nginitian ko pero umiwas siya? Eh? Ayaw niya ba sa akin?
"Dito na lang ako! Diyan ka oh, sa tabi ni Olga." Sabi ni Gemm na agad umupo at kinain ang marshmallows niya. -_______-
"Hi, I'm Olga, she's Rashie and she's Nina." Pinagtututuro kami ni Olga at tumango naman si Shiela.
"Wag kang mahiya, Shiela... Anong power mo nga?" Tanong ni Gemm.
"Invisibility po." Matipid na sagot ni Shiela.
"Ahhhhhhhh..." -Rashie and Olga :O
"Ilang taon ka na ba Shiela?" -Ako
"17 po." Seventeen?! Ang liit niya para sa 17. Err. Oh sadyang matangkad lang kami para sa edad namin?
"Kung gayon, senior mo kami! Wag ka ng mahiya sa amin ha. Kung gusto mo sumabay ka na lang sa amin magrecess or lunch!" Hyper na sabi ni Olga. Napatingin naman si Shiela sa kanya na para bang *O* .. Ayun nga parang nag twinkle ang eyes...
BINABASA MO ANG
Oblivion (ON-HOLD)
Teen FictionSa pagmulat ng mga mata ni Nina, bagong mundo ang kanyang mahahantungan.. Walang maalala kundi ang kanyang pangalan lamang.. Ano kaya ang kahahantungan niya sa kakaibang mundong masasaksihan?