[Nina]
Naalimpungatan ako sa ingay sa labas. Oo nga pala, boys pala nakatira dito.. normal na ang maingay, uwian na siguro nila? Tinignan ko ang wall clock ko, 5:10pm. Mag-iisang oras na siguro akong tulog, isinantabi ko muna yung dapat kong basahin. Nilagay ko sa study table ko at lumabas ako para tignan kong anong ginagawa nila ang ingay kasi eh. pero bago ako lumabas, nag ayos muna ako tinignan ko kung wala ba akong muta hehehe. Whatever. Lumabas na ako matapos mag ayos.
Nakita ko sila kaagad sa sala, yung iba naglalaro ng Xbox yung iba naglalaro ng cards. Paano ko nalaman? Syempre ang laki nang nakalagay sa screen ng TV 'Xbox'. Duuuh. Tumingin ako sa labas ng bintana at mas marami pa doon ang nagpapakasaya, pero sa bandang kanan ng gate may nakita akong lalakeng nangdidilig ng bulaklak. Ang cute niya tignan! Dinededma lang ako ng mga taong nandito, Haysst. Okay na siguro to kaysa mag-away kami ng mga boys dito...
Babalik na sana ako sa kwarto ko nang pagharap ko sa likod may bata pa lang naktingin sa akin, nasa kwarto niya siguro to galing? Preschool, I guess? Hmmm. Bago ata tong gising eh, baka initan ako nito bago pa kasing gising eh.. Halata sa mata niya. Lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita..
"Kuyyyyyyaaaaaaaaaa Sheeeeennnnn!! Manstaarrrr!!! Manstaaaaaaarrrr!!" Nagsisigaw yung bata, kaya napatingin ako sa kanya. Ano daw manstar? Baka monster? Teka sinong monster? Ako ba yung mini-mean niya? Gash, hindi ko alam magpatahan ng bata. Sinubukan kong iharap sa akin yung bata kaso...
"Kuyyyyyaaaaaaaa Sheeeeeeeeeeeeennnnnnnnnnn!! Huhuhuhuhuhu. Kuyyyyyyyyaaaaaaaa!! Manstar! Manstar!!!" Mas lalong sumigaw yung bata, at umiiyak na din. Eeerr? Napa-upo na lang ako habang tinitignan siya, sino ba yung tinatawag niya? At saka bakit parang walang boys na pumunta dito para patahanin or kahit yaya lang man sana? Umiiyak pa rin yung bata.. Huhuhuhuhuh. Lagot ako sa parents nito. T_____T
"Oy! Anong ginawa mo sha------*ehem* sa kanya?" tinignan ko sino yung nagsalita...
Eh?!! "Shi-shin??" Utal-utal kong sabi. Nagulat ako dun' ah. Ang angas pala nito, alaga niya siguro tong batang to. Tumayo ako para magpaliwanag sa nangyari nang kinuha niya rin ang bata at inakay ito sa braso niya at tuluyang umalis papunta balik sa kwarto nang mga preschool..
Hah!! Hindi lang man ako hinayaang magpaliwanag, umalis agad? Bastusan? Hmmp! Makabalik na nga sa kwarto!!
"Ninnnnnaaaaaaaa~!!!" huh? Uso ba talaga sigawan dito? What the eff. Argh. Ano ba 'to. I'm talking bad na! Nilingon ko kung sino yung tumawag and----------- everything went black.
************************************************
[Charlie]
"Ninnnnnnnnnnaaaaaaaaaaaaa!!!" Napatingin ako sa sumigaw. Oh my-----!! Si Luke! Bakit dito pa siya naglalaro nang soccer~! Argh! Napatingin naman ako sa tinitignan nila...
WHAATTT!!!!! Si Nina! Natamaan ng bola sa mukha~!!!! Nahimatay siya!! Oh no! What to do! What to do!! Natigilan ang lahat sa pagsasaya, pati nga ako eh na tumitingin sa naglalaro sa Xbox. Natigilan kaming lahat, naghihintay sino tutulong kay Nina.
"What the---!! Bilis! Ihiga niyo sa sofa! Dalhin niyo dito! Ano pa hinihintay niyo?!" Sigaw ni Ace.
Agad namang kinarga ni Theo si Nina, pero napigilan siya.
"Dre, ang bigat." sabi ni Theo na nahihirapan ata.
Napatawa kami non' ah. Kahit na nahimatay si Nina nakuha pa naming tumawa. HAHAHAHAH. Mukha kasi ni Theo eh, hindi ma-describe. Akala ko ba malakas tong taong to'? XDD
BINABASA MO ANG
Oblivion (ON-HOLD)
Teen FictionSa pagmulat ng mga mata ni Nina, bagong mundo ang kanyang mahahantungan.. Walang maalala kundi ang kanyang pangalan lamang.. Ano kaya ang kahahantungan niya sa kakaibang mundong masasaksihan?