[Olga]PAGOD NA PAGOD NA AKO~
Kanina pa kami naglalakad nitong si Ken, naiinggit ako sa mga nakikita kong tao na kumakain na sa mga restaurant o fastfood na nadadaanan namin.
Gutom na po ako tapos si Ken, ayaw pang kumain. Lakad na lang kami ng lakad. Jusko!
“Ken? Saan ba kasi tayo pupunta? Gutom na ako eh.” Hinimas himas ko pa yung tyan ko.
Konting hintay na lang baby ha? Kakain tayo mayamaya. Wait lang talaga! Charot. HAHAHA
“Maghintay ka nga.” Sabi ni Ken.
Ang sungit talaga ng lolo mo!
Napasimangot tuloy ako.
KANINA PA NIYA YAN SINASABI EH HALOS MAMATAY NA AKO SA GUTOM!
Bigla namang lumiko si Ken sa kaliwa at sumunod naman akong gutom na gutom na talaga, napayuko na lang tuloy ako. Walangya. May balak siguro si Ken na patayin ako sa gutom. Ba’t ba kasi ang takaw takaw ko? Huhuhu
“Hoy, ayaw mo pumasok?”
Napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi ni Ken. Anong puma--
Whatdaaaaaa!!
Papasok na siya sa isang restaurant!
At ang mas malupet ay may banner ito na nakalagay na“EAT ALL YOU CAN @500”
Ito ba ang kanina pa hinahanap ni Ken kaya ayaw niya akong pakainin?
Waaaaah~ JACKPOT to!*evil laugh*
***
Eat all you can shabu-shabu, desserts at drinks pala ang sineserve dito sa restaurant.
AMAZING!
Pagpasok namin at tinanong agad kami ng waitress kung saang table namin gusto maupo. Si Ken naman ang agad sumagot, yung sa may terrace sa second floor ang pinili niya.
Nagtaka nga ako kasi parang kabisado na niya ang pasikot-sikot dito sa restaurant, napamangha nga ako sa nakita ko sa second floor eh, lalo na nong nasa may terrace na kami.
"Napakaganda.." Bulong ko sa sarili ko.
"Like it?" Tanong ni Ken sa akin na nakapamulsa lang habang nakatayo sa tabi ko.
Kitang kita ko ang buong Mishk sa kinatatayuan ko. Ang daming mga tao at ang kukulay ng mga buildings!
Tumango ako ng nakangiti.
"Good. Upo na tayo." Nauna na siyang umupo at sumunod na ako.
Lumapit uli yung waitress sa amin at sinabihan kami na kung kailangan namin ng assistance tumawag lang kami ng staff at tinuro niya kung saan kami pwede kumuha ng pagkain.
Ako lang yung nakikinig sa sinasabj ng waitress, bored na ata si Ken eh.
Nang biglang may lumapit sa aming matabang babae.
Mukhang mayaman. Napatayo ng matuwid bigla yung waitress at tumigil sa pagsasalita.
"Ken? Long time no see." Sabi nong babae.
Napatingin agad ako kay Ken na tumayo at yumakap sa babae.
Wag niya sabihing ate niya din to?
Ini-on ng waitress ang griller sa table namin at pinaalis siya ng matabang babae at palipat-lipat lang ako ng tingin kina Ken at sa babae.
BINABASA MO ANG
Oblivion (ON-HOLD)
Genç KurguSa pagmulat ng mga mata ni Nina, bagong mundo ang kanyang mahahantungan.. Walang maalala kundi ang kanyang pangalan lamang.. Ano kaya ang kahahantungan niya sa kakaibang mundong masasaksihan?