Mist 6

69 4 2
  • Dedicated kay Rhashie Mae Hortel Alberca
                                    

[Nina]

Good morning sa inyo! masaya ang araw ko ngayon kasi nakapasok na ako ng school, kahit naiilang ako konti sa mga tingin ng classmates ko lalo na yung mga babae. Ugh. Parang kulang na lang tadtarin nila ako ng pinong-pino sa tingin nila. Galit siguro yang mga babae na yan kasi nakatira ako sa Boys mansion house, Ugh. Ang hirap naman nito wala akong ka-close. Nahihiya akong makisabay kina Charlie na ngayon ay nalaman kong sikat pala sila sa Academy, parang lahat naman siguro don sa Mansion house eh, sikat. Naiilang na talaga ako.. Recess time na 1 hour break. After nito one last subject at Lunch na.. Haaayyy. -_________-

Pumunta na lang kaya ako sa Canteen? Tama pala, wala akong pera. TT______TT Ang saklap naman ng buhay ko. Kanina nakita ko pa yung classmate ko may cellphone tapos ayun, kinuha ng teacher. Bawal daw kasi yan dito sa academy... Kung gusto daw makipagcommunicate sa sulat daw idadaan. Tssk. Sayang naman nun.

Lumabas na ako sa classroom tapos samabay sa ibang estudyante sa elevator. Napansin kong tinitignan pa rin nila ako. >___< Nakakainis na ah. Patience, Nina! Lumabas ako sa building at pumunta na lang sa may garden ng mansion house tutal meron pa akong kalahating minuto ng free time.

*After 4 mins.*

Naabutan ko si Daryl sa labas, nakaupo sa silya at doon sa may table sa harap niya ,meron plato na may cake. *Ehem* Parang na-miss ko yata kumain niyan. :< Buti nalan gkahit may amnesia ako hindi ko pa nakakalimutan ang mga simpleng bagay. Kahiya naman kung pati cake hindi ko alam. Napagdesisyonan ko na babalik na lang sa classroom. Wala akong mapapala dito.

"Nina!" Eeekk? Napansin siguro ako ni Daryl. Omo. Baka bad mood to? Dahan-dahan akong lumingon sa kanya nakit ko siyang nag-gestures na lumapit ako sa kanya. Tinuro ko naman sarili ko. Tumango naman siya. Lalapit ba ako? Bibigyan ba ako nito ng Cake? Hehehehehe. Lumapit nalang ako.

"Upo ka." Eeehh? Umupo na lang ako sa silyang kaharap niya ng walang pagdadalawang isip.

"Gusto mo ng cake?" Ngumiti siya at akmang tatayo. Eeeeh? Gusto ko ba?

(Mhhhhhhuurrrrrmmmmmmm) *Stomach growls*

Biglang lumaki yung mata ni Daryl at biglang tumawa.

"(HAHAHAHAHAHAH) Mukhang gusto mo nga, teka lang kukuha ako ng sayo. Wait here." umalis kaagad siya. Nakakahiya naman yun! Ngayon pa tumunog tong tiyan ko. Aish! TT___TT

Yaan na, mukhang ngayon ko pa siya nakitang tumawa simula nong naaksidente si Ken. Napasaya ko naman siya kahit nakakahiya yung ginawa ko.

Oy! Dumating na si Daryl na may dalang tray tapos may baso ng Juice at cake! Takam na takam na ako! Yum Yum Yum Yum!!

"Sensya sa paghihintay eto oh. Kain na." Ngumiti naman ako at sumubo ng cake. Waaaaw naman!

"Ang sarap! (^____^) Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko sa kanya. Biglang nawala yung ngiti niya. Anyare?

"May nasabi ba akong masama?" Dagdag ko.

"Ah! Wala. Oo ako gumawa niyan." Sagot niya. Halata ko paring malungkot siya.

"Nag-aalala ka pa rin kay Ken noh? Gagaling din yun!!" Sabi ko sa kanya habang sumusubo ng Cake. Ansarap!

"Hindi naman yun ang iniisip ko eh..." Napatingin ako sa kanya.

"Eh, ano?" Tumingin siya sa akin.. nagdadalawang isip siguro kong ishe-share niya yung iniisip niya.

"Okay lang kung ayaw mong sabihin. Kung ano man yan magagawan yan ng paraan...." Yan na lang nasabi ko sa kanya. Hindi ko alam pano mag-advice eh.

Oblivion (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon