<Clare's P.O.V.>
"Hoy! Gising na aba! Mala-late na tayo!" Ugh. Yan, yan ang makulit kong bestfriend si Hannah.
"Oo na! gigising na!" oo, nasa iisang bubong kami nakatira ng bestfriend ko since 2 months ago. Parehas kasing ang cruel ng families na um-adopt samin. 15 years akong nakatira sa mga umampon sa akin. Hindi ko nga akalaing 15 years kong hinayaang api-apihin ako eh.
Gumising ako at dumiretso sa Shower.
Pagkatapos kong maligo nag-ayos na ko at sinuot ko na ang salamin ko, oo naka salamin ako, hindi naman sa malabo ang paningin ko pero trip ko lang. Para kasing hindi ako to pag wala akong salamin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na kami sa school ng bestfriend ko.
"Clare," sabi ni hannah habang naglalakad kami papunta school.
"Oh?" sagot ko.
"Wala lang, kinakabahan lang ako para sa first day natin! Madami sigurong magkakagusto sayo! Ang ganda mo kasi, kainis! kaso, tanggalin mo na kasi yang glasses mo at magsuklay ka palagi! Yun lang problema sayo eh!" sabi niya sakin.
Aba! Ayoko ngang tanggalin yung glasses ko!
"uwaa! ayoko! ta-tanggalin ang glasses ko? THAT'S A BIG NO NO!" reklamo ko.
Pagkatapos kong sabihin na ayokong tanggalin ay bigla niyang tinangkang tanggalin ang salamin ko. Buti na lang nakaiwas ako!Pagkatapos nun nagkulitan na kami ng nagkulitan hanggang sa may tumawag sa phone ko.
0917******* calling
number lang? sino kaya to?sinagot ko ang tawag.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.
"ah..um.." sino naman to?
Nako! baka prank call nanaman to ha!
"hello?" sabi ko muli.
"wait," narinig kong sagot niya.
"Sino po to?" Tanong ko.
"It's me, your mom." nabigla ako nung narinig ko ang mga salitang iyon galing sa kabilang linya.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko, galit, lungkot, at tuwa.
"It's me, your mom."
"...me, your mom."
"...your mom."
Wala na kong marinig kundi iyon ngunit bigla naman akong bumalik sa katinuan ng tinapik ako ni Hannah.
"Uy, Clare! Anong nangyayare sayo?" tanong niya sakin.
sasagot na sana ako pero nakita ko ang cellphone ko...
"Ay! Teka, may kausap nga pala ako." wala sa sarili kong sabi.
"Hay nako, Clare! Nababaliw ka na ata eh!" Sumbat ng bestfriend ko.
"Teka nga!" Reklamo ko sa kanya.