Chapter 36: in love...again?

150 7 4
                                        




<Clare's P.O.V.>

"BECAUSE IM INLOVE WITH YOU! THAT'S WHY!"

Napatigil ako.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Pero for some reason, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. He has never been this vocal about his feelings. ngayon lang.

"Magkapatid sila?" Narinig kong tanong ng isang babae sa likod ko.

"Oo! Si clare na mismo nagsabi, hindi mo ba narinig?! Sabi ni clare narinig daw niya sa parents ni drake!" Shock na shock na sigaw nung isang babaeng mukang clown aa kapal ng make up.

"Omg! Pero sabi ni drake inlove daw siya kay clare! Omg that's incest!" Maarteng sabi nung babaeng nakikiusisa.

"Shut up nga kayo! Hindi niyo alam ang totoong storya kaya wag kayong manghusga!" narinig kong sabi nung nasa likod..

Kung sino man yun, salamat sakanya.

"Drake..." mahinang bulong ko pero sapat na para kami lang ang makarinig ni drake.

"Alam mong hindi pwede yan, kaya please tigilan mo na. magkapatid tayo!" Pasigaw na bulong ko.

Umiling lamang si Drake.

"No, clare. hindi tayo magkapatid!" Umiiling siya habang sinasabi iyon at saka naglakad paalis.

Nagbulungan nanaman ang mga tao sa paligid.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi dahil sa mga taong nakarinig samin. kundi sa naramdaman ko kanina.

Bakit bumilis ang tibok ng puso ko ng sinabi ni drake yun?

Napailing ako.

Hindi pwede. hindi ko gusto si Drake. si kirby lang. Si kirby lang ang gusto ko. Si kirby lang dapat.

Naglakad na ako pabalik ng classroom dahil malapit ng magsimula ang klase.

Nagsibalikan na din yung mga tao.

Umupo ako at sumubsob sa upuan ko.

Bakit bumilis ang tibok ng puso ko kanina? Hindi pwede. Si kirby lang, clare. si kirby lang naman, diba? Si kirby lang ang dapat.

"Clare." narinig ko ang boses ni hannah.

Umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Okay ka lang? Narinig ko yung nangyare kanina. kalat na agad yung nangyare."

Napabuntong hininga na lang ako. ano pa bang ine-expect ko? Malamang kami nanaman ang trending topic sa school.

"Pabayaan mo na lang." walang ganang sabi ko kay hannah.

At dumating na din sawakas ang teacher.

Nakalipas ang ilang oras at nag lunch na.

Naiwan ako, si hannah at drake sa classroom.

Akala ko kami na lang ni hannah ang natira pero nung nakita kong hindi pa umaalis si drake, tumayo na ako. tumayo na din si hannah. ng palabas na kami, nadaanan namin si drake pero hindi pa ako nakakalayo, hinawakan niya na ang braso ko.

Dug.dug.dug.dug.

Wth? Ano bang nangyayare sakin?

Hindi to pwede.

"May kailangan ka?" Mataray na tanong ko at humarap sakanya samantalang nanonood lang sakin si hannah.

"After we talked earlier, i called mom." Sabi ni drake.

"So?" Tumaas ang isang kilay ko.

Napatingin siya kay hannah at hinigpitan niya ang hawak sa braso ko pero hindi naman sobrang higpit para masaktan ako.

"And we need to talk...privately." napatingin ako kay drake at nakita ko siyang nakatingin kay hannah. muka namang na gets yon ni hannah at umalis siya.

"Hintayin na lang kita sa caf, clare." paalam ni hannah sakin at tumango naman ako.

Pagkaalis ni hannah, nagsalita na si drake.

"Look clare hindi kita kapatid." Seryosong sabi ni drake sakin.

"Drake ano nanaman ba to-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Si hannah ang totoo kong kapatid." i looked at him. wait what? Si hannah?

"Ano? Si hannah? P-paano?" Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Tinawagan ko si mom kanina. tinanong ko siya about dun sa sinasabi mong narinig mo sila ni dad. And she said, at that time, hindi niya alam na may isa pang ampon ang mga allison except you. at si hannah yun. she found out na may nagdala kay hannah sa ampunan na ka age nung nawawala kong kapatid nung time na nawala yung kapatid ko. And one thing clare, kung hindi ka pa naniniwala sakin, our birthdays, clare. sa isang month, nakabuntis si dad ng dalawang babae. ang mom ko at ang mom ni hannah. so meaning, malapit lang ang birthday namin dahil halos magkasunod lang ang due date ng mom ko at mom ni hannah nung buntis sila. and come to think of it clare, my birthday is on December 2 and your birthday is on July 12. ang layo ng birthday natin clare, 4 months ang pagitan, hindi tayo magkapatid. and hannah's birthday is on?"

And that's when i realized.

"November 29." sabi ko ng nanlalaki ang mata.

hindi ko naisip yun.

November 29 ang birthday ni hannah at December 2 naman ang birthday ni Drake. 2 days apart lang. napaisip ako. so hindi ko kapatid si drake?

A part of me was relieved.

Hindi ko alam kung bakit.

"Kailangan tong malaman ni Hannah." Sabi ko kay drake.

Author's Note:

Hi guuuuuuuys! Thank you sa mga nagaabang lagi ng update dito sa story ko. 😭 sorry kasi ngayon lang. busy kasi ako laging andaming hw tapos may projects pa at pagdating ko sa bahay super pagod na ako kaya wala talaga akong time. sorry guys 😭💔 dont worry pag may time ako maguupdate talaga ako. nakapagupdate lang ako ngayong thursday kasi wala kaming pasok bukas, friday. holiday!!!! 🎉🎉 yaaaay. so ayun. thank you for reading! Please vote ☺️ and leave a comment! 💝

Predicting loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon