<kirby's P.O.V.>
Nakaka-inis. nag-cr lang ako may kausap nang lalaki? nag tatawanan pa?
Dahil sa inis ko hinigit ko si Clare.
"Bakit?" Pa-innocente niyang sabi. fck. bakit ka ganyan? umaarte na parang walang alam? alam ko naman na alam mong nag-seselos ako eh.
"Nag-seselos ako, bakit?" sagot ko sakanya. o ano? nga nga ka ngayon? kala mo hindi ko sasabihin yun at ang sasabihin ko pa yung mga lines na pang torpe? yung mga 'h-hindi ah!' bla bla?
"Nag-uusap pa kami, pwede ba?" singit ni Mark samin.
Aba't?! Nakuha niya pang sumabat, ah?!
"So?" sabi ko.
"Kirby? akala ko ba matalino ka? hindi mo pa ba gets na kapag sinabi ng isang lalaki sa isang lalaki na 'nag-uusap pa kami, pwede ba?' ang ibig
Sabihin nun 'umalis ka. istorbo ka samin.' slow ka na pala ngayon?"What?! did he just say-----?!
"Mark, ano ba!" sigaw ni Clare na parang nainis sa sinabi niMark.
"Why?" pa-inosenteng tanong nung gunggong na mark.
"Seriously? ganon ka na bang ka-slow? kapag sinabi ng babaeng katabi ang boyfriend niya sa isang lalaking kaka-kilala pa lang na 'ano ba!' in a
Irritated tone, ibig sabihin nun 'get lost! panira ka samin ng boyfriend ko!' Sinong mas slow satin ngayon?" sabi ko nang naka-smirk. siguro hindi alam ng gunggong na to na boyfriend ako ni Clare. nga nga tuloy siya ngayon."Boyfriend?" naka-kunot noo niyang sabi.
"Oo. boyfriend. bakit?" sabi ni clare sabay hawak sa braso ko.
Irritadong umalis si Mark.
Tawa naman ng tawa si Clare.
Ako? galit parin ako.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Eh kasi----haha! nakita mo ba yung muka niya? priceless! omg!"
Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ko at muka namang napansin niya yun. after years salamat naman at napansin mo nang galit parin ako.
"Selos ka pa rin?"
"Oo kanina nag-seselos ako. pero ngayon? nagagalit ako. bakit ka ba sumama sa lalaking yun? naki-pagusap ka pa talaga? dont you know him clare? he's 2nd to Dylan!" kalamadong sabi ko, pero may tone na galit.
"2nd to Dylan?" Wala talaga siyang alam eh, no?
"2nd to Dylan! ano ba si Dylan?! Si Dylan, Casanova! hindi nag se-seryoso sa babae! kahit may boyfriend pinapatulan! Dont you get it clare?!" ugh. na fu-frustrate ako. Siguro dahil takot lang akong mawala siya. napa-sigaw na tuloy ako.
"S-sorry.."gu-guilty tuloy ako.
"It's okay. tara na." then i held her hand.
<Clare's P.O.V>
"S-sorry..." hindi ko naman alam eh T^T
"It's okay. tara na." huhu. Malay ko ba naman!
at hinatid niya ako sa classroom namin. iba kasi yung classroom niya. ang awkward! huhu.
after minutes of thinking...alam ko na!