Chapter 28: Intramurals

370 18 0
                                    

<Clare's P.O.V.>

"Ikaw." mahina ang pagkaka-sabi niya pero dinig na dinig ko ito.

"pfffftt----HAHAHAHAHHAHAHAHA" OMG. ako? as in ako? HAHAHAHAHA. di ko inakala yun ah!

kumunot ang noo niya at...

"Why are you laughing?" HAHAHAHA! ang haba ng ko, grabe!

"eh kasi naman! seriously? ako? ako pa talaga ang ginawa mong excuse para lang hindi ko masabe na si Hannah talaga ang gusto mo? well, sooooooooooorry! pero hindi mo ako ma u-uto! MWAHAHAHA!" at ayun nag evil laugh ako >:D ahihihi

"Tsk." at umalis na siya.

Guilty! HAHA!

*RIIIIIIIIIIIIIIING*

saktong bell kaya pumunta na ako sa line namin.

tumingin ako sa likod ko. wala si Hannah. Magka-sunod kasi kami sa pila eh. Absent siya?

natapos na ang flag ceremony at pumunta na kami sa kanya-kanya naming mga classroom.

"Ok, Guys! Today, wala tayong classes dahil 3 days na lang at Intramurals na!" sabi ng teacher namin.

Naghiyawan ang mga kaklase ko.

"At gagamitin natin ang 3 days na walang classes sa pag pe-prepare ng mga booth and stuff. May meeting kaming faculty ngayon kaya kailangan ko nang umalis. Habang wala ako pag-planuhan niyo na ang mga dapat pag-planuhan katulad nang booth niyo! Drake, Take charge!" at ayun umalis na si Ms.

haha! wawa naman si Drake! napag-utusan pa! president eh.

"So Guys?! Anong gusto niyong booth?!" ay grabe lang -_- parang mga baboy na nakawala sa koral tong mga kaklase ko kung mag-wala eh! kahit nasigaw si Drake hindi ko na marinig!

"PWEDE BANG TUMAHIMIK MUNA?!" ooooooohhhh. natahimik ang lahat sa ginawa ni Drake. nice!

"So, Anong gusto niyong booth? sa mga gustong mag-suggest itaas ang kamay." at nag-taas na nang kamay yung iba.

tinuro ni Drake yung magandang babae.

"Marriage Booth!" Sabi niya sabay tingin niya dun sa gwapong lalaki na nasa dulo. uuuuy. HAHA

sinulat to ni Drake sa board, at tinuro yung isang lalaki na nag-taas nang kamay.

"Videoke Booth!"

at ayun. dumami ng dumami ang nag-suggest katulad nang mga...

"Movie Booth!!"

"Carnival Booth!"

"Maid Cafe!" ooooohh! Gusto ko yun! Gusto ko yun! hihi! mahilig ako sa Anime eh.

"KPOP Booth!" Waaaaa! GUSTONG GUSTO KO YUNN!!! Kung mahilig ako sa Anime mas mahilig ako sa Kpop. Grabe. if ever talaga na manalo tong booth na to pa-pakyawin ko lahat nang tinda -_-

"HORROR BOOTH NA LANG!" bigla akong kinilabutan. ugh. sana hindi ito ang manalo.

isinulat iyon lahat ni Drake at nagpataas siya ng kamay dun sa may gusto ng booth na yon.

syempre ako tumaas ako ng kamay dun sa Kpop booth! pero ang nanalo Maid Cafe. Okay lang! gusto ko din naman yun eh.

at ayon bla bla there, bla bla here, bla bla Everywhere! HAHA

Predicting loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon