Chapter 14: Status: it's Complicated

537 25 4
                                    

<Clare's P.O.V>

Nakaka-hiya talaga yung eksenang ginawa ni Dylan sa canteen kahapon! hanggang ngayon kami parin ang trending sa school! naisip ko nga ako pa yung dapat na magalit sakanya, eh! siya nga dito yung nanliligaw ng iba habang nililigawan ako eh! UGH! nakaka-inis! pero may naisip na akong gagawin diyan... bahala siya, magalit siya kung gusto niya basta ako, i'll make him fall for me, at magpapaka-tigas ako. hindi na ako magiging katulad ng dating mabait na clare sa harap ni Dylan! kung hindi ko man siya mapa-gusto sakin, i'll make him regret what he did. Malaki ang atraso niya sakin at hindi ko 'yon papalampasin! niloko niya ako not once but twice! hmp. Nga pala, nabanggit ko na ba sa inyo na iba na ang itsura ko ngayon? not the usual one. nagbago na yung itsura ko diba nga kasi minake-over ako ni Hannah? pero hindi lang 'yon. I changed i personality, the way i talk, the way i dress. Oo, pang bad girl ang suot ko, hindi yung katulad ng dati na simple lang. Syempre i have to go with the plan. To seduce him, kung sakali man na ma-seduce nga siya.. well, sorry siya, maghabol siya kung gusto niya, pero hindi niya na uli ako maloloko. She messed with the wrong girl.

naglalakad ako ngayon sa corridor at biglang nahagilap ng mga mata ko si Dylan... Mukang nakita niya rin ako...

papunta siya sa Direksyon ko, aalis na ako.

"Wait!"  kaya mo to, Clare! magpaka-tigas ka!

humarap ako sa kanya.

"What?" mukang nabigla siya sa suot ko sa make-up ko, hindi naman kasi ako nag ma-makeup.

"Why are you dressed like that?" napakunot ang ulo niya.

"Why? dont you like it?" i smiled seductively.

"about what happened yesterday, im sorry." binali-wala niya ang tanong ko at iniba ang usapan.

"ah, un lang ba? that's okay." sarcastic kong sabi.

"Common sense naman, Dylan! For sure wala namang tao-ng magsasabi na okay lang yun. Satingin mo? okay lang ba yung malaman mo na yung manliligaw na dapat sasagutin mo na, may nililigawan din pa lang iba? diba nga sabi mo kay drake na, your my suitor? What the eff, Dylan! hindi mo nga alam na ako pala yung babaeng kinu-kulit mo ng kinu-kulit eh! So ang kalalabasan, kung hindi ako yung babaeng 'yon, may iba ka pang liligawan?! huh?! hindi ko nga alam kung ini-isip mo pa ako ng mga panahong yun eh! at isama mo pa yung malaman mo na PINAG-PUPUSTAHAN KA LANG PALA NUNG MANLILIGAW MO NA DAPAT SASAGUTIN MO NA?! DIBA, DYLAN?! OKAY LANG YUN?!" ayun. hindi ko na napigilang umiyak. hindi ko na napigilan ang sarili ko na ilabas ang mga hinanakit ko sakanya.

"a-alam m-mo na?" gulat na gulat yung expression niya. hindi pa ba obvious yun?! malamang alam ko na! matagal na!

pinahid ko yung kamay ko sa mga luha ko, para mawala. sinusubukan kong magpaka-tatag, wag kang umiyak, Clare! kaya mo yan!

"Duh, Dylan. isn't it obvious? ofcourse, i knew it already! last last friday pa! hayy.. na-aawa ako sa sarili ko... ini-iyakan ko ang lalaking hindi naman karapat-dapat iyakan."  sarcastic kong sabi.

"Sorry. Im so Sorry, Clare." huli na, Dylan! 

"Yun lang? yung lang ba sasabihin mo? kung yun lang, aalis na ako, nauubos oras ko sayo. Para namang may magagawa yang sorry mo." at umalis na ako.

UGH! pagka-talikod na pagka-talikod ko sakanya, bigla na lang akong napaluha, bakit ba ako ganito?! masyado akong nag papa-apekto!

nung nakalayo ako na ako kay Dylan, ayun. Tuluyan na akong napaluha. natakbo ako ngayon papuntang rooftop. gusto kong mapag-isa. gusto kong umiyak mag-isa.

"Bakit ganon?!" nagsasalita akong mag-isa dito sa rooftop nakahiga ako ngayon.

"nakaka-inis ka! ang sama-sama mo! two-timer ka! ugh!" nilalabas ko lang ang galit ko.

"bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki ikaw pa yung first love ko!?" tuloy-tuloy lang ako.

"Nakaka-inis!" tumigil na ako.

"o ano? tapos ka na ba?" O_O sino yon!? 

Lumingon ako at... Kirby!?

"O_O Kirby?! anong ginagawa mo dito?" 

"nauna kaya ako dito."

 "Ay, ganon ba. sige aalis na ko." 

"Wag." huh?

"huh?" 

"kung aalis ka dahil sakin, wag. hindi naman ako selfish para ipag-damot tong rooftop." 

 "uhh.. okay?" umupo ulit ako.

 <Kirby's P.O.V>

 Natutulog ako ngayon sa rooftop ng may biglang sumigaw na babae.

"Bakit ganon?!" O_O si Clare?

"nakaka-inis ka! ang sama-sama mo! two-timer ka! ugh!" huh? sino kaya yung tinutukoy niyang yun?

"bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki ikaw pa yung first love ko!?" nakikinig lang ako sakanya.

"Nakaka-inis!" tumigil na siya.

 pumunta ako malapit sakanya.

"O_O Kirby?! anong ginagawa mo dito?" 

"nauna kaya ako dito."

 "Ay, ganon ba. sige aalis na ko." Hindi ko alam pero nalungkot ako dun.

"Wag." O_O bakit ko nasabi yun?! may sariling utak ata tong bibig ko eh.

"huh?" 

"kung aalis ka dahil sakin, wag. hindi naman ako selfish para ipag-damot tong rooftop." panget ba yung rason ko?  wala akong maisip eh.

 "uhh.. okay?" umupo ulit siya.

Awkward Silence and namagitan saaming dalawa.

Hindi ko alam... kinakabahan ako... syempre, katabi mo ba naman yung matagal mo ng ini-istalk! 

Oo, stalker niya ako. Hindi pa siya napasok dito sa school na to. Nagsimula yun ng nakita ko siya last year ng papa-uwi na ako galing sa school,nakita ko siyang naiyak noon, simula noon, hindi ko na siya maalis sa isip ko. Last year hanggang ngayon stalker parin niya ako.Nabigla nga ako ng makita ko siya dito sa school eh, at nung na-sprain siya, bigla na lang akong nabigla at naitanong ko tuloy kung okay lang siya, hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun! eh ang pagkakakilala pa naman ng tao dito sa school, masungit ako, at hindi ako naco-consensya o na-aawa man sa iba. kaya nagpaka-sungit na lang ako. Baka manghinala pa siya na may crush ako sakanya pag nalaman niya na masungit ako sa iba pero sa kanya hindi.Marami akong pictures niya na stolen. Lagi ko siyang pinipicture-an, nakatalikod man, side-view, front-view at kung ano-ano pang view. Ewan ko kung bakit ko ginagawa yun...

basta ang alam ko attracted ako sa kanya.

Predicting loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon