<Clare's P.O.V.>
Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa school, pinagtitinginan agad ako ng mga tao.
expected ko na to. ang pag-usapan the day after nung mga nangyare. oo, the day after. kahapon lang yun nangyare. at ngayon, 2nd day ng intrams.
hindi ako naka-tulog kagabi...ini-isip ko kung to-totohanin nga ni Kirby yung sinabi niya...
habang nag-lalakad ako sa hallway, naririnig ko ang mga usapan ng mga tao sa paligid.
"Ano ba talagang nangyare kahapon? sayang! May laro ako nun eh!"
"Nag-confess lang naman si Drake sakanya....and guess what? ang lakas ng loob niyang takbuhan si Drake, ah? pero okay na din yun! atin lang si papa Drake!"
"Pero bukod dun meron pa daw nangyare?"
"oo! tumpak! and sunod na nangyare? well...narinig ko lang to sa ibang naka-kita ah...pero sabi nila kaya daw tumakbo, dahil ang gusto daw niyang si Clare, si papa Kirby!"
"HUWAAAT?!"
"Oh yes!"
"Si papa Kirby, my loves?! i swear, manlalagas ang buhok niya nang wala sa oras!"
"ops, ops! hindi pa tapos ang kwento! tapos ang sunod na nangyare? hinalikan daw ni papa kirby si Clare sa harap ng ex ni Clare!"
"OMG! OMG! Dont say na sa harap ni...."
"Tumpak ang ini-isip mo! sino pa bang naging Ex dito ni Clare? edi si Dylan!"
"Uwaaaaa! kakalbuhin ko siya! i heard na kaya daw sila nag break ni Dylan dati gawa ni Kirby?! Two timer siya!"
yan ang mga narinig ko sa kanila. ugh! hindi nila alam ang buong storya kaya huwag silang mang-husga! ako? two timer!? Never in my life na nasabihan ako ng Two timer! baka sila pa ang manlagas ang buhok ng wala sa oras! kaines!
naglakad lang ako ng naglakad...nang bigla akong kausapin ng dalawang kaklase ko...kilala ko tong dalawang to. hindi to katulad ng mga echosera kong kaklase. mababait sila. groupmates kami eh. pero hindi masyadong close.
"Clare..." sabay nilang sabi. aba'y nag-practice?
"bakit?"
"Alam mo na ba?"
"ang alin?"
"y-yung kay kirby?" napa-irap ako nang wala sa oras. ofcourse alam ko yan! yung hinalikan niya ako sa harap ng ex ko?! ugh!
bago pa ako makapag-salita ay inunahan na nila ako.
"H-hindi yung tungkol sa kahapon, ah!" bigla akong na-curious. kung hindi yung sa kahapon ano? huwag mong sabihin na alam din nila yung rooftop scene?! no. no. no. please. sana hindi.
"A-ano y-yun?" kinakabahang tanong ko.
"Umalis na si Kirby, Clare! at ang sabi ng mga tao dito sa school....gawa mo daw?" O_O What?!
"U-umalis? ha-ha! n-nagbakasyon?" nauutal na tanong ko. please...sana bakasyon lang.
bigla silang umiling.
"Hindi clare eh...ang alam ng lahat, mag ta-transfer na daw siya sa ibang school." so tinotoo niya yung sinabi niya?! sa pupunta siyang korea?!
