<Clare's P.O.V>
Haay. 2 days lang ako sa hospital. fortunately, saturday at sunday iyon kaya wala pa akong absent.
Wala parin kaming pansinan ni Hannah :( nami-miss ko na nga yung babaeng yun eh. hindi na din siya dito napunta sa dorm, nasa bahay na siya naka-tira. hindi ko alam. pagkadating ko na lang dito isang araw, wala na siya, at nasabi na din sakin ni kuya na dun daw siya natira ngayon.
Si jaydee? hindi ko na siya nakita since nung first meeting namin.
well, I guess first and last meeting.
Nag pe-prepare ako ngayon papunta sa school.
Time check : 5:30 am
7:00 am ang time namin at tutal nasa dorm ako dito sa school unting lakad lang andun na ako sa classroom namin, pero since monday ngayon aagahan ko ng pasok kasi may flag ceremony.
Nag handa na ako para pumasok...
After 40 mins. Nang pagbibihis at chuva ek ek, lumabas na ako ng dorm.
Habang naglalakad paalis ng dorm ng girls may pinag-kakaguluhan doon.
Sino kaya yon?
At dahil chismosa ako LOL, naki usisa ako.
Pero nagulat ako nang tumambad sakin ang isang gwapong nilalang na nag nga-ngalang Kirby. (Nosebleed sa tagalog LOL)
Bakit siya nandito? O-O
Nakita niya ako at...
"O! Clare!" lumapit siya.
Nabaling ang atensyon ng mga babae saakin. ugh ayoko ng ganito. center of attraction.
"B-bakit ka nandito?"
"Edi para sunduin ang girlfriend ko!"
O-O wut? seryoso talaga siya? may gash! biglang sumama yung tingin sakin nung mga fangirls ni Kirby.
"G-girlfriend ka d-diyan?" Shems nakakatakot talaga ang mga fangirls kapag nagalit!
"Oo! may short-term memory ka ba?" sabi niya sabay tawa ng malakas.
(_ _") gash! Siguro hindi nanaman nito nainom yung gamot niya. haha!
"Halika na?" sabi niya sabay akbay sakin. Dem feels.
At Naiwang nakatunganga yug mga fangirls ni Kirby dun. gaaaah! feeling ko mauubus ang buhok ko ng wala sa oras!
Habang naglalakad kami papuntang gym para sa flag ceremony, nagsalita siya...
"Uy." -Kirby
"ano nanaman bang trip mo at ginawa mo yun?" Ako sabay irap.
"hmp. Pasalamat ka nga at naghintay ako ng higit na Dalawang Minuto dun para lang sunduin ka eh! never ko kaya yun ginawa kahit kanino!" sabay irap din sakin.
aba't! 2 Minutes lang siyang nandoon?! pero kung makapang-away siya para siyang naghintay ng mga 30 minutes o isang oras eh!
"Kung nainip ka sa dalawang minutong pag-iintay mo sakin, edi sana nauna ka na! at hindi ko naman sinabi na intayin mo ako at ihatid, ah?!" umagang umaga naha-highblood ako dito sa isang to eh!
Dahil sa inis ko sa kanya iniwanan ko siya dun! hmp! bahala siya!
Pumunta na ako sa Gym pero medyo kaunti pa ang tao dahil 6:20 pa lang.
Bilang ang tao sa Gym at puro magka-kabarkada pa kaya nagmuka tuloy akong loner. umupo ako sa blechers at nagbuntong-hininga. haaay. nami-miss ko na tuloy si Hannah.
naputol ang pagda-daydream ko sa bleachers ng may nagsalita sa tabi ko....
"Para kang pinag-sakluban ng Langit at lupa diyan." sabi niya ng parang natatawa.
tumingin ako sa gilid ko para makita kung sino iyon.
"Uy, Drake! Ikaw pala!"
ngumisi siya sakin.
"tagal na nang huli kong kita sayo, ah?"
"dami ko kasing ginagawa eh." hmp. kaya ayokong mapasabak diyan sa mga student council na yan! lalo na yung president! tingnan mo si Drake, Student Council president! nawawalan na tuloy siya ng time sa mga kaibigan niya.
"musta?"
"hindi okay." tumingin uli ako sa kanya at nakita kong malungkot nga siya. kita ko sa mga mata niya. super lungkot. parang siya nga yung pinagsakluban ng langit at lupa eh.
"Bakit naman?"
"May Boyfriend na kasi yung Crush ko."
"O_O Ha?! MAY CRUSH KA?!" gulat kong sabi. di nga? haha! Si Drake may crush?! ang swerte naman nung babaeng yun!
"oo naman! Tao din ako no!" sabagay.
"eh, sino? sino?" waaaa! I'd pay 1 peso just to know the name of this mysterious girl! lol kuripot ako eh, sorry ka :P
"haha! ayoko nga." sabay ngisi sakin. ugh, kainis! pabitin naman tong isang to eh!
"eh, kilala ko?"
"Kilalang-kilala mo." OMG. biglang may pumasok sa utak kong pangalan. sabi na nga ba eh!
"OMG, totoo ba ang hinala ko?!"
"Nope." walang emosyon niyang sabi. ay. wala pa nga akong sinasabing pangalan eh! nope agad!?
"Wala pa nga akong sinasabing pangalan eh!"
"kilalang-kilala mo siya, pero alam kong hindi mo siya mahuhulaan ng ganong kadali." wuuuusssshuuuuuu! pakipot pa talaga tong lalaking to! eh alam ko naman na si Hannah ang Crush neto eh! haha! simula pa lang alam ko na!
"Wushu! Si Hannah, ano?! ayiiiiiiie!"
"Hindi!" wahaha! Ang defensive! #AlamNaThis
"OMGGGGG! Sinasabi na nga ba eh! Crush mo si HANNAAHHHHH!!!!" Sinadya kong lakasan talaga para marinig ng kaunting students. haha! #MedyoBadGirl (Dami ko atang hashtag ngayon? haha!)
"Teka nga, teka nga! Wag ka ngang maingay!" iritadong sabi niya. mehehe >:D
"To naman. Joke lang. di ko na pagkakalat. Don't worry, atin lang yun." sabay tawa ko ng mahina.
"Sabi na kasing hindi si Hannah eh!"
"ano ka ba! hindi ko naman sasabihin sakanya. ayaw pang aminin eh." sabay tawa uli ng mahina. haha! sarap talagang pag-tripan netong si Drake eh. HAHA
"Hindi nga sabi eh."
"eh kung ganon, sino?"
"Ikaw."
Pabulong niyang sinabi iyon pero....dinig na dinig ko.
Authors note:
wazzuuuuup. XD medyo hyper ako ngayon. and bitter at the same time. valentine's day bukas tapos nasa korea lahat ng crush ko. haha! if you know what i mean. [sa mga hindi naka-intinde, Kpop stars po yung crush ko xD] hihihihi.
Soooorry. sa maikling update. feeling ko kasi matagal pa akong maakakapag-update kaya nag-update na ako. kahit maikli. xD soorry guys.
Weeee! Thanks~ Di ko akalaing aabot ng 2,000 reads tong story ko XD trip ko lang kasi to eh. na bore ako tapos ginawa ko tong corny-ing story na to.
Please Comment :) kung ayaw niyo Vote na lang. haha! Thanks sa lahat ng nagbabasa :* <3 *harts harts* XD