AUTHOR'S NOTE:
I am clearly aware na hindi sabado/friday/sunday ngayon para mag update ako pero kasi hindi ako nakapag update nung nakaraang linggo because of sister's 18th birthday, wala kami sa bahay at nasa resort kaya ayun. tapos hindi din ako makakapag update ngayong dadating na friday hanggang tuesday dahil pupunta kaming palawan para mag bakasyon. :((
Kaya ayun! Ngayon na lang ako mag u-update para atleast meron, diba? Hihihi. okkk thank youuu. yun lang.Please VOTE kung nagustuhan niyo! :)) 💕
<Clare's P.O.V.>
"Clare, siya yung nawawala kong kapatid."
Bigla akong nagising.
Tumingin ako sa paligid. nasa kwarto ko parin ako.
Panaginip lang pala.
Nilaksan ko ang aircon dahil pinagpawisan ako.
Sa panaginip ko...nasa school daw kami, tapos may kasama si Drake na babae. hindi ko maalala ang muka niya. hindi ko na din maalala masyado ang mga nangyari sa panaginip ko. ang natatandaan ko lang, ipinakilala ni Drake yung babae bilang kapatid niya at nagising na ako.
Sino naman kaya ang babaeng yun? Hindi ba't ako ang kapatid ni drake?
Strange.
Hindi ko na lang inalala at gumising na ako para pumasok sa school.
Ngayon, medyo nag s-sink in na sakin na kapatid ako ni drake.
Kahit mahirap paniwalaan, kailangan.
Sabay kami ni hannah na pumasok.
Pagpasok namin ni hannah sa classroom ay nakita namin si drake.
Agad akong tinignan ni hannah. nagkatinginan kami at napabuntong hininga ako.
alam kaya ni Drake?
"Drake...pwede ba tayong mag-usap mamaya?" napakunot ang noo niya sa sinabi ko pero agad namang tumango.
mukang wala nga siyang alam.
umupo na kami at sakto namang pumasok ang prof namin.
Natapos ang pagtuturo ng teachers namin makalipas ang 3 oras.
Break time na at 3 subject na ang nakalipas.
Okay. kakausapin ko na si drake. kaya ko to!
"Clare! Cr lang muna ako ah?" Paalam ni drake sakin. umoo naman ako.
Nakalipas ang dalawang minuto at nandito parin ako sa labas ng classroom.
Sabagay. medyo malayo pa ang cr dito sa classroom namin.
Napag isipan kong pumunta na lang sa cr at mag intay sa labas nun.
Nakarating ako sa cr at naghintay.
Antagal naman ni drake? Napano na yun?
Baka nahigop na ng inidoro? HAHAHA!Ay de jk.
Pero seryoso? Asan na ba yun?!
Tumingin ako sa paligid para makita si drake. baka naman nandun na yun sa classroom? Baka nagkasalisihan kami?
Oh di kaya nag recess muna siya? Baka nga!
Lumiwanag ang muka ko ng maisip ko yun. tama! Kakain muna ako.
Tumingin ako sa orasan ko.
Ayos! May 37 minutes pa ako baka mag bell.
45 minutes kasi ang break time samin kasi ang haba ng pila sa caf sa dami ng mga estudyante kaya ayun.
Lumabas muna ako sa school para pumunta sa 7/11 pwede namang lumabas dahil nag c-check parin ng attendance pagkatapos ng recess.