<Clare's P.O.V>
Kasama kong naglalakad si Dylan papunta sa cafeteria namin, si Hannah? ayun kasama si Drake, may pag-uusapan daw.
"clare, anong gusto mong kainin?" tanong sakin ni dylan habang nakapila.
"uhh...isang cheeseburger lang. Thanks." tapos inabot ko sa kanya yung pang-bayad.
"Wag na ano ba, bilang isang boyfriend mo, dapat nililibre kita." sabay ngiti niya sakin. ayiiiiiiie. OMG ang gwapo talaga ng boyfriend ko. OO, BOYFRIEND KO. 2 weeks na ang nakalipas nung sinagot ko siya, at 1 month na ang nakalipas since nung pinatawad ko siya.
"Psh! libre? sige! hindi ako tumtanggi sa grasya! HAHA" at tumawa lang ako ng tumawa. Para na nga akong baliw dito sa caf eh!
pumunta na kami sa table dun gitna...
"Clare, diba normal lang naman sa mag ka-relasyon ang may tawagan?"
Tinignan ko siya ng parang "sige-continue-lang" look, sabay kagat dun sa burger ko.
"soooo.... Ayaw mo ba ng may ganun?"
umiling ako.
Nalungkot yung expression niya sabay buntong hininga.
"o, bakit ka ganyan?" tanong ko.
"Wala lang, gusto ko kasi meron tayo eh." Ano bayan. akala ko kung ano.
"eeeeeeh, ang corny eh!" ang corny kaya!
Mas lalong lumungkot ang expression niya.
"ugh. ano?" tanong ko sa kanya sabay buntong hininga.
"anong ano?" kumunot ang noo niya.
"Anong gusto mong tawagan?" Biglang nag-lighten up yung expression niya. haay nako. parang bata eh.
"HAHA! sabi na eh, bibigay ka rin! ikaw mag-decide :)" sabay tawa niya.
nag-isip ako at..... AHA!
"May naisip ako!" weeehee! tagal ko ng gustong i-tawag to sa iba eh!
"Ano?"
"Oppa." kumunot ang noo niya.
"Oppa?"
"Yep. Mahilig ako sa K-POP! kaya Oppa, Oppa means Older Brother or Older Male friend."
"eeh?! KPOP?! erggh..." nako parang ayaw pa, bakit parang nainis yung expression niya nung binanggit ko yung Kpop? -_-
"Please?" nag puppy eyes ako. hehe.
"ugh. okay. pero anong tawag ko sayo?" oonga no? ummm...ah!
"Alam ko na!"
"Ano?"
"Yeobo."
"Yeobo? Ano nanaman yan?" Kumunot uli ang ulo niya for the 2nd time.
"Yeobo means Honey." Biglang nagbago ngiti niya.
"hehehe, e bakit ayaw mo na lang ang tawag ko sayo 'Honey' ? may pa kore-korean ka pa diyan?" ang corny kaya!
"Ang corny!" sabay kaming tumawa. para na nga kaming baliw dito sa caf eh.
Pumunta na kami sa classroom namin dahil nag-bell na.
Dumating na ang next teacher namin at nagsimula ng mag-discuss...
after 30 minutes....
"Questions?" tanong ng teacher namin.
"None." sabay-sabay na sabi namin.
akmang tatalikod na ang teacher namin ng biglang may na-alala.
"oh! and by the way, malapit na ang Intramurals ninyo, pag-isipan niyo na ang gagawin niyong booth at mga sasalihan na laro. Goodbye class." sabay alis. Si ms. din kasi yung adviser namin.
Since wala pa yung susunod na teacher, Dal-dalan muna. HAHA!
"Claaaaare~ Babalik na daw si Kirby bukas!!!!!!!!!!! Kyaaaaaaaaa!" ang dami talagang fans ni kyrby... at kabilang na dun ang katabi ko. -_-
teka...
"huh? babalik? galing saan?"
"ay. ano bayan. seryoso?"
"Oo nga! saan ba kasi galing? kaya pala hindi ko siya nakikita the past few days...."
"Hay nako, Clare! Naging kayo lang ni Dylan nawalan ka na ng update! btw--- eto na nga, galing america. 2 weeks na kaya siyang hindi napasok! hindi mo ba napapansin? haay nako. Update, update din pag may time, kay?" sabay lipat dun sa kabilang side niya at dun nakipag dal-dalan. tingnan mo to, kinakausap pa eh -_-
Ano kayang ginawa nun sa america ? -_-
che! bahala na siya!
"Pssst." nakita ko agad si Dylan.
"O bakit?"
"Birthday mo na bukas." nakangiti siya sakin.
"kaya nga eh~" weeeeee~ excited na ako! ngayon ko lang uli na-alala. HAHA!
"anong gusto mong gift?" Biglang nag ning-ning ang mata ko at automatic na sinabing...
"KPOP MERCH!"
"Tss. Kpop nanaman?"
"Ehhhhh. Gusto ko sila bata pa ako, atsaka ang gwapo kaya ng EXO! waaa! ang gwapo din ni Jaydee! hihi! *Q*" sabay drool dun sa picture nila sa may clearbook ko. HAHA! ganyan ako ka obsessed sa kanila.
Biglang sumama ang tingin niya sakin nung sinabi kong gwapo ang EXO...ugh... did i say something wrong?
tinignan ko siya....awkward...walang nagsasalita...humarap na siya sa upuan niya at hindi namansin. snob? ganun? bahala ka! ano bang sinabi kong mali? -_-
<Dylan's P.O.V>
"KPOP MERCH!" ugh! nakaka-inis! kada binabanggit niya yang pesteng KPOP na yan na-aalala ko siya...
"Ehhhhh. Gusto ko sila bata pa ako, atsaka ang gwapo kaya ng EXO! waaa! ang gwapo din ni Jaydee! hihi! *Q*"
Mahal ko si Clare. Totoo na to. Pero hindi ko parin siya makalimutan... bakit ganon?
Bakit sa dinami dami pa ng mamahalin yung mahilig pa sa KPOP?! and worst, mahilig ay Jaydee.
pero wala akong magawa...Mahal ko si Clare, pero hindi ko siya makalimutan...
Ayaw ko sa KPOP dahil may na-aalala ako dito... May na-aalala akong isang tao na inagaw ang mahal ko... Isang Kpop star na nag nga-ngalang Jaydee, ang sumira sa buhay ko.
<A: New character! Jaydee as Im Jae Bum ^__^)
Author's Note:
Weeeeeeeeeeeeeeeeee! May new character! ^___^
HAHA! sorry sa mga typo [kung meron man]
sa thurs. na uli yung update XD may exam pa kami eh :))
Thank you sa lahat ng nagbabasa :))
Salamat din kay "Silventescapade" dahil lagi siyang nag co-comment kada chapter ^__^
weeee! thanks :))