Kevin's POV
Ilang araw ding nangligaw si Vince sakin, he gave me Five reasons kung bakit niya ako mahal.
Flashback
"Mahal kita kase una, mabait ka. 'Di ka nagtatanim ng sama ng loob sa akin kapag nag-aaway tayo. Oi, aminin." tinusok tusok niya ako sa tagiliran ko. Pauwi kami nun sa bahay namin.
"Dalawa, Maliit ka, Wanna know why? Because everytime I'll hug you, you'll hear my heartbeat beating for the one and only you." lumapit si Vince sa akin at inihug ako. Letche flan, ang sweet niya. Bweekk. Asa ano pala kami nun, nasa kwarto ko.
"Pangatlo, matakaw ka. Kahit na matakaw ka, alam ko naman na ako padin ang iniisip mo, di yang pagkain na hinahamal mo." kumuha siya ng isang pirasong marshmallow mula sa pakete na dala-dala ko. Nasa canteen naman kami.
"Pangapat, dahil ang cute mo. Para kang teddy bear na masarap iyug-yog." saad pa niya. I looked at him blankly.
"Ah, kase cute ako kaya mahal mo ako?" he stopped me.
"Ep, ep. Panglima, at panghuli, kaya kita mahal kase totoo ka, alam mo at nagpapakatotoo ka sa sarili mo kahit na alam mo naman kamumuhian ka ng mga tao sa iyong paligid, kahit na patago sa looks mo na isa kang beki, mahal parin kita bestfriend di dahil kaibigan kita, kapatid ang turing ko sayo o ikaw ang taga gawa ng project ko. Dahil mahal kita bilang isang Kevin, Kevin Balot." tumawa pa siya. kaya nga binatokan ko.
End of Flashback
Kaya ngayon na ang araw na sasagutin ko siya. Oo sabihin niyo na na labag to sa batas. Basta sakin lang ay nagmamahalan kami, wala kaming ginagawang masama, diba ang gusto lang naman ni God ay ang maging masaya tayo? At least, totoo tayo at wala tayong nagagawang kasalanan sa ating kapwa. Diyan natin malalaman na worth it ba ang actions natin.
Lumakad lakad ako papuntang bahay nila. Sabado ngayon at walang pasok, kayat napagpasayahan kong pumunta sa bahay nila Vince.
Pumasok ako sa bahay nila, dahil sa kilala naman ako kayo ako nakapasok ng walang hirap. Pagakapasok ko agad ko ding binati si Kuya Tobi.
"Good morning Kuya"
"Good morning!" sagot naman niya. Mukha siyang bagong gising, nakaboxer lang siya at umiinom ng kape.
"Wala po ba si Tito?" tanong ko.
"Ah si Daddy? nasa trabaho!" sagot naman niya uli. Humigop siya ng kape at nakatingin lang sa akin.
Lumakad na lamang ako papuntang kwarto ni Vince at nakita siyang nakahiga sa kama niya na para bang bata. Hehe. Ang sarap kilitiin para magising. Hehe. Kaya nga mahal ko ang Bestfriend ko ee! dahil bukod sa ubod ng gwapo ay ubod rin ng kakyutan.
"Morning!" sabi ko sa kaniya.
"Heloooo, Morning din" sagot naman niya habang nakangiti. Pinagpatuloy niya lang ang pagtulog. 'Di ko muna siya ginising kase medyo maaga-aga pa.
Nagsimula akong ligpitin ang mga gamit niya sa loob, mga sapatos niya na nagkalat at mga damit na kailangan nang ilaundry. Pati din mga libro niya ang kalat.
Mga ilang minuto din ay napagpasyahan kong gisingin siya.
"Hoy gising na!" inuyog uyog ko siya.
"Five minutes please."
"Walang five minutes! gising na!" sagot ko.
"'San ba tayo pupunta?" tanong niya habang tumatayo na sa kama. Hinimas himas niya ang kaniyang nga mata pati nadin ang likod niya.
"Wala lang trip ko lang mang gising ee. atsaka--" naputol naman ang sinabi ko.
"Atsaka sasagutin mo na ako?" sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon, atsaka parang tatawa na.
"Yes! finally." sabi niya habang ngumingiti. Tumawa na lamang ako. Wala akong karea-reaksyon, actually yan nga ang pinunta ko dito.
Lumapit naman si Vince sa akin ng bpsobrang lapit, nginuso niya ang kaniyang labi.
"Oi, ayaw ko. Atsaka sinagot lang kita, di para makipaghalikan dito. Ayaw ko pa." saad ko pa. Sumimangot lang siya.
Tumibok ng napakabilis ang puso ko dun eh, syempre. Malapit na, di pa ako ready.
"So, boyfriend na kita." sabi niya.
"Oo" ngumiti ako. Oi, ang haba ng hair jo. Omaygad. "I love you" dagdag ko pa. I blushed when I said it for the first time, ito pala ang feeling na may minamahal at may nagmamahal sa iyo.
"Mas I love you" sabi niya sakin.
"Okay, maligo ka na." sinabi ko sakaniya habang tumayo na ng kama.
"I will, babe."
"Parang baboy" sabi ko ng nakapout "Ang panget tawag mo nalang saken ee, Mash lang" dagdag ko pa.
"Okay, basta tawag mo saken Vee lang ha?" sagot niya.
"Yup, Vee" i smiled. Pumasok na siya sa Banyo at naligo na.
Lumipas ang ilang minuto, lumabas na si Vince sa kaniyang kwarto, syempre naghintay ako sa labas. Ang awkward nga'ng kasama tong si kuya Tobi, mamaya ti-tingin sayo na para bang may sayad o gusto kang pagnanasaan.
Ang feeler ko naman.
Siguro ganyan lang talaga siya.
"Oh, pano, tayo na?" saad pa niya, hinila lang ako ni Vince palabas.
Pumunta kami sa isang park, madami ditong kahoy at parang magandang pampiknik.
Umupo kami sa isang bench, hinawakan naman ni Vince ang kamay ko,. Enegesh, HHWWTVATP. (HOLDING HANDS WHILE WATCHING THE VIEW AT THE PARK)
I feel a lot of electricty, haunting my body.
Ang sweet niya talaga, parang gusto niya kaming malanggaman eh.
"Oi KevKev, date natin to ah? 'Wag mong isiping nagvie-view lang tayo, date naten to." saad pa niya at tumingin sa akin ng masinsiran. Ako naman parang mamatay sa kilig.
First time.
"Kev, I love you. Wanna know why?" tanong naman nito sa akin, pauwi na kami nang bahay namin nun.
"Bakit?"
"Because You are more special than anyone."
BINABASA MO ANG
That Guy (bromance)(boyxboy)
Teen Fiction[COMPLETED] Every story is a mainstream. And then, there's this one. ...... This story is about how love works between two opposite genders. Yoon Kevin fell in love with his bestfriend secretly. Pero, Paano naman kung ganoon din ang nararamdaman n...