Kyme's POV
Wat da pak? Bakit ko ba nagawa ang karumal-dumal na gawaing yun. Hala, hindi ako bakla... Hindi ba, o baka siya? Hala, bakla si insan. Holo.
Ilang minuto din nang umalis siya ay tumayo na din ako at bumaba na ng kwarto NIYA.
Pagkababa ko ay nakita ko siya na may kinakausap sa bakuran. Baka kaibigan niya. Sinilip ko siya at may kasama siyang lalaking maputi rin kagaya niya at kinakausap siya ng masinsinan. Masinsinan na malapit na malapit na talaga ang mukha nila sa isa't-isa.
Nabigla naman ako nang lumapit ang mukha nilang dalawa at nagdampi ang mga labi nila. Putspa bro, may bromance na nangyayari sa bahay ni Lola Rosalinda, maiwattpad nga.
Tinitigan ko lang sila hanggang sa nakita ako ng kasama niyang lalaki, tinitigan niya din lang ako ng masama habang parang naghahalikan sila at binalik na ang pagtingin kay Kevin.
Kung tumingin parang Demonyo.
Wat da paking hil? Maka-alis na nga.
Kevin's POV
Ilang minuto din akong nakaupo sa upuan at hinihintay si Vince. At yun nga dumating na, sa wakas. Niyaya ko siyang sumama sakin papuntang Bakuran at dun kami mag-usap mahirap na madaming chismosa na katulong.
"Babe, May problema ba?" Oi? nagiging sweet si Vee ko ah? Ay, always naman siyang sweet ah?
"Wag mo nga akong tawaging Babe, Mash lang please?" sagot ko naman.
pakipot, yan ang sinabi ng aking matalinong konsensya. Pero deep inside kilig tong itlog na to.
Stop it konsensya.!
"O sige, pero ano bang problema?" tanong niya.
"Ang maniac ng Pinsan ko."
"Natural lang yan, ang cute mo ee" sabi niya. Sumimangot ako.
Ah? Ganyanan pala? Kase sa cute lang ako madami na ang mangre-rape sakin? (Ay, sobra na.) anong relate nun diba? Akala ko magiging protective siya sa akin? Ba't ang bad ni Vee!
"Natural? naturalin ko mukha mo ee! bwiset." sabi ko naman ng mahina sabay palo ng mahina sa ulo niya.
"Aray!" ngumiti siya ng napakaloko at tinitigan ako.
"Vee.? Mahal mo ba talaga ako? or laro lang ba to para sayo?" tanong ko nalang bigla. Eh kase naman eh, ---uggh.
"MAHAL na MAHAL kita! gusto mo ipakita ko pa sayo?" tanong niya sakin sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Namumula yata ako. OWMYGOD, ayaw ko po neto. Im not yet redeee.
My first kiss, mawawala nalang na parang lollipop. =(
ilang Centimeters nalang magkakalapit na ang bibig namin. OWMY. At ayun na nga akala ko hahalikan niya ako, tsk. Magre-respond pa nga sana ako eh!
Sayang naman oh.
Biglang may pumitik ng noo ko, Si Vince. Tumawa siya bigla. Sumimangot naman ako, wala akong kiss eh! Kahit na 'di pa ako ready, I want one!
Bigla ko nalang naramdaman na hinalikan ako ni Vince sa pisngi. He then winked at me. Pumala na para bang kamatis tong cute kong pisngi.
Atleast I've got a kiss!
Vince's POV
Hinalikan ko si Kevin ko, sa pisngi niya. Ang cute niya nga eh, dahil namula siya sa ginawa ko.
Hindi na ako umimik, na parang hahalikan ko na kanina pa si Kevin. It was just a show for his Cousin... Napangiti ako sa loob-looban ko. Laking gulat nga nang makita ng kanyang pinsan ang ginawa namin ni Kevin at umalis na, but luckily hindi siya napansin ni Kevin. At isa pa, 'di ko isya hinalikan.
Napangiti ako sa kanya, ang cute niya ee pero ayun, nakatingin parin sa ibang direksyon. Gawa na rin siguro ng Kahihiyan, alam niyo na yan, syempre. First time sigurong mahalikan sa pisngi.
Lumapit ako sa kanya at pinisil-pisil ang kaniyang mukha. Ang cute niya talaga! kaya nga mahal na mahal ko to ee. Ang yun nga, di ko talaga napigilan. Nahalikan ko na naman siya syempre, sa pisnge. Gulat nga rin siya ee. Ngumiti siya at sinabing. "Nakakailan ka na ah!" sabay hampas ng mahina sa aking balikat. Nakakailan na nga ba ako?
"Oh, tara pasok na tayo. Gagabihin po tayo dito Kuya Vince eh." aba aba? may 'Kuya' pa talaga?
"Gusto ko pang magstay." alok ko. Umirap lang siya sa akin.
"Di pu-pwede."
At ayun nga, umuwi nalang ako.
Kyme's POV
Bumalik na ako sa kwarto ni Kevin. Gulat na gulat ako, anong pinagagawa ng pinsan ko? Bakla ba siya!? tanong ko sa isipan ko... Kumirot na naman ang puso ko. Bat ganito? may feelings ba ako para sa kanya?
Nagseselos ba ako sa lalaking yun?
Nakasandal ako ngayon sa pintuan nang narinig ko ang katok sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita ko si Kevin na may dala-dalang ngiti sa kaniyang mukha. Baliw yata to.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga balikat niya at agad ding napatitig sa kanyang mga mata. Napaka cute niya talaga. Napatingin rin siya sakin pabalik at umiwas rin.
"Anong problema?" Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Wala" umiwas ako ng tingin sa kaniya at lumayo na, Selos nga talaga to.
BINABASA MO ANG
That Guy (bromance)(boyxboy)
Novela Juvenil[COMPLETED] Every story is a mainstream. And then, there's this one. ...... This story is about how love works between two opposite genders. Yoon Kevin fell in love with his bestfriend secretly. Pero, Paano naman kung ganoon din ang nararamdaman n...