xx | Epilogue

3.8K 69 20
                                    

Seconds passed.

Minutes.

Hours.

Days.

No, Weeks.


Until it turned to Months.


And Years, I finally had the chance to visit the Philippines again. To visit my boyfriend, ang taong naghihintay sa akin sa pilipinas. Walang iba kun'di si  Vince Dean Xavier. Ang taong nagmamahal sa akin.

I took up Interior Design in a famous university dito sa Korea. Naging kaklase ko din doon si Tristan, buntot din siya ng buntot sa akin. Nakikilala niyo pa ba siya? 'Yong taong nagsabing liligawan niya ako. But I told him never na manligaw sa akin, Good thing dahil masunurin din siya. Sabi ko kasi May mahal na akong iba at naghihintay na don sa Pilipinas.


Soon, nagkaroon ito ng pagkakataong magka-girlfriend. Isang British brunette na exchange student, kaibigan rin naming dalawa. Si Sophie. Hehe.

Overall, maganda rin ang naging relasyon naming dalawa ni Vince for the past Five years. Kahit na 'di na ako nakakabalik ng pilipinas at hanggang Social Media na lamang kami ni Vince ay laking pasasalamat ko dahil loyal pa rin naman ito sa akin. Hindi niya ako binigo sapagkat nagsikap siyang mag-aral at sa wakas intern na siya sa isang firm na kung saan may koneksyan si Tito. Kumuha kasi ito ng Architecture.


Alam na rin nina Tito at Kuya Tobi na may relasyon kaming dalawa. Wala namang magagawa si Tito sapagkat mahal naman niya ang anak niya. And how about Kuya Tobi you say? Well, nagsimula na itong ng pamilya niya. Dalawang taon na rin silang magkasama ni Ate Kylie tapos may twins sila na anak. Heheh.


I decided, pagkatapos kong mag-graduate sa Korea uuwi kaagad ako and so I did, paglabas ko nang Airport, naghihintay na pala si Vince sa akin. He was with Kuya Kyme and Lola Rosalinda. Si Lola Rosalinda, since matanda na nakawheeled-chair na ito. Pero masiglahin parin si Lola ano.


Hindi ko alam kung paano ba ihinto ang pag-agos ng mga luha kasi, pagkakita ko palang sa kanila. Para na akong timang dahil umiyak na ako kaagad. Ininda ko ang Limang taon sa Korea para lang sa kanila, para makapag-aral at makatapos. At ngayon, dala-dala ko ang diploma ko dahil para to sa kanila.


Tumakbo ako papalapit sa unggayo kong nobyo. Ang hot na niya ngayon, fuck.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha nito.

Maybe kasi finally, makakasama ko na siya. Or dahil may pasalubong ako? Either way, happy pa rin ako kasi masaya silang makita akong papalapit na.

"Baboy!" Vince yelled which made me stop walking.

Napataas ang kilay ko. I snorted like a gorilla. Inirapan ko lamang ito atsaka nagpatuloy na lang sa paglalakad. Lumapit ako sa kanila at nagmano kay Lola Rosalinda, naka-wheeled chair na siya. Si Kuya Kyme naman, may balbas na at medyo naging hunk. Si Vince? Parang dugyot. Niyakap ko si Lola, si Kuya Kyme naman niyakap ko rin.


Dijoke.


Ang hot-hot na ng boyfriend ko.


Lumapit ako kay Vince. Hinalikan niya ako sa labi, "Besssss!!!!" Sigaw ko sa kaniya. "I miss you." Dagdag ko pa.


Tumikhim naman si Kuya Kyme atsaka kinuha na ni Kuya Kyme ang mga gamit atsaka pinasok sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin kami nina Lola sa loob ng sasakyan nito. 



Magkatabi kami ni Vince sa liko habang nasa front seat si Lola Rosalinda. Napagmasdan kong nakangiti si Vince na abot tenga. Mukha siyang timang eh. Kaya naman napatanong ako sa kaniya.


"Anong problema V?" Nakangiti ko ring tinanong sa kaniya, he suddenly reached for my hands. Tapos pinisil-pisil niya ito.



"You'll see pag-uwi natin." Binelatan niya lang ako. It made me glare at him.


So ayun, pag-uwi namin sa bahay nina Lola eh agad kaming binulaga ng surpresa. May nakalagay na banner na WELCOME BACK KEVIN! Hindi ko naman alam kung sino ang ibang tao na bisita, pero may mga pamilyar na mukha naman eh. Nakita ko nga si Kuya Tobi at ang Dad ni Vince. But overall, maliit lang ang bisita. Mga tantiya ko nasa, 15 lang kami dito haha.


Pumasok na ako sa loob ng area, wala paring nagbago sa lugar, ganun parin kagaya nang pag-alis ko. Ang swing sa garden ni Lola na kung saan kami ni Vince tumatambay ay nandiyan pa rin.  Ang saya parin ng lugar, walang pinagbago.



Nagsipasukan na rin sina Lola at Kuya Kyme sa loob ng bahay at nagsikain. Kaya ako na lang at si Vince ang naiwan sa labas, tumungo ako sa garden at naupo sa swing. Sinundan ako ni Vince at umupo din ito sa tabi ko.


Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon. I can't even explain it myself.



"Say Kevin?" Biglang tanong sa akin ni Vince out of the blue. Tinaasan ko lang siya ng kilay.



"Ha?"



"I love you." Sabi nito sa akin.


Napatawa ako sa kaniya, "I love you too Vee."



"I love youuu more. May gusto sana akong ibigay." Bigla nitong pinalabas ang kaniyang wallet, tapos may kinuha ito. Dalawang gold necklace na marshmallow na nakaplate.


Mas lalong lumawak ang ngiti ko.



May favourite. Marshmallow.



Sinuot ito ni Vince sa leeg ko, yumuko naman ako para ipasuot niya ito sa akin. "I'm sorry kung ito lang muna ang maibibigay ko sayo. Pero, I promise you one day. I'll insert a ring here." Hinawakan nito ang palasinsingan ko at saka hinalikan.



"I love you Kevin Yoon." sambit ni Vince.


I blushed.



"I love you too Kevin."

Hinalikan ko siya sa labi niya, it was a fast but a passionate kiss we both did. At nang maalis na namin ang labi namin sa isa't-isa. Ngumiti kaming dalawa.


May spark talaga eh.


Hindi man perpekto ang relasyon naming dalawa ni Vince. Pero masaya parin ako kasi naging akin siya.


HAHAHAHA.

Hindi ko inaakalang mamahalin rin ako ng bestfriend ko. What used to be a friend now became a lover. I'm very thankful. Alam kong madami pa kaming pagdadaanan ni Vee ko, but I know we'll get there somehow. As long as we love each other.


Im happy, because, Vince That Guy changed the meaning of love for me.


It might not be a good idea to love your equal, but love don't define sexuality. It's always about how your heart feels for. It's always the heart that tells you so.


"Vee, gutom na ako."

©052517

That Guy (bromance)(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon