Vince's POV
Sabado ngayon at nagshopping kami ni Kevin sa Mall ng Korea, kung anu-ano na nga ang mga binibili namin eh. May mga Teddy Bear, may mga pullover, may mga sapatos, may mga tshirts at Kung anu ano pa ang makita niya. Nag-aalala na nga ako kung makakauwi pa kami nito dahil sa mga pinamili namin. 'Wag naman sana.
"Veeeee~" yaya nito sakin habang kumakapit sa braso ko.
"Oh, anu na naman?" pabalik na kami sa Hotel para iwan namin ang mga pinamili.
"Punta tayo sa Namsan" alok sa akin ni Kevin.
"Anong Namsan???" agad agad kong tinanong at pinatong ang mga pinamili sa sahig.
Umupo muna ako sa kama at nagmasid masid. Siya naman ay tumungo sa kabilang kama.
"Malapit sa Seoul Tower, doon may Love Lock. Pwede ka daw bumili ng Lock at isulat ang mga pangalan ng Mahal mo. Para daw di kayo maghiwalay. Kaya nga Lock eh! Hehe. Sige na punta tayo!" mahabang litanya nito.
"Sige, sige punta tayo" ngayon ako naman ang nagyaya.
Kevin's POV
남산 공 원 & N 서울 타워 (Namsan Mountain and Seoul Tower)
Pumunta na kami sa Namsan Mountain. Una ay bumili muna kami ng dalawang red na Love Lock. Nag-aalinlangan nga ang tindera dahil para lang daw sa Couples ang Lock.
Eh, Couples naman kami ah? Di lang halata. Ahuhuhu.
Okay, Back to Nature (lakas maka HVM)
Sinulat na namin ang aming mga pangalan sa Love Lock, Pagkatapos ay hinalikan na namin. Weird daw, sabi ni Vince. Ano? Inilock na naminf pareho ang lock, nakadikit ito sa isa't isa na para bang naintertwined.
May qoute nga kaming inilagay dito. Ako na mismo ang nagsulat ng hangeul dito.
언체나요 사랑해요 (Forever I Love You)
Vince's POV
Hanggang ngayon ay nandidiri parin ako dahil hinalikan namin ang lock! pwahhh!!! ewww. (Sobra pa sa babae magreact)
Pauwi na kami ngayon dahil mag hahapon na. Hinila ko naman si Kevin papuntang Han river at nag bike kami. Nagrent kami ng bike na naghahalaga ng 3,000 won per hour pa 'yan. Total isang oras lang naman kami.
Nagbike lang kami sa gilid ng Han river. Nag-usap usap kami tungkol sa kolehiyo ng papasukan namin pag magcollege na kami. Tumahimik lang sya ng tinanong ko sya. Di ko nalang pinansin kaya iniba ko nalang ang topic.
Di nagtagal ay umuwi na kami sa Hotel. Kakagaling lang kase namin sa isang dining dahil dun kami kumain. Ang mahal nga ng pagkain eh. Naubos na ang laman ng bulsa ko.
Pagkatapos kong magligo ay nakita ko naman si Kevin na nakahiga sa Kama. Umiiyak siya. Lumapit ako sa kanya.
"Anong problema Kevin???" tabong ko naman.
"Huh??? wala lang to wag mo nang problemahin."
"Alam kong me tinatago ka Baby, ilabas mo lang andito naman ako." sabay pat ng likod niya.
"Im sorry Vince" napayakap sya sa akin. Tumahimik lang ako.
"A-anong problema???" Nauutal kong tanong sa kaniya. Nalilito kase ako.
"Aalis ka na. 3 days from now. At iiwan mo na ako."
"A-anong sinasabi mo??? di kita maintindihan."
"Dito na ako mag-aaral mag college at aalis ka na daw. Tumawag kase si Tito na uuwi ka na daw dahil aasikasuhin mo pa ang mga papers mo sa pageenroll." humagolgol sya. Pati ako ay nabigla sa sinabi nya.
"Di ako aalis Kevin..."
"Sorry Vince... Gustuhin ko mang humindi pero..."
"Anong pero?" He stayed silent for a while. "Sabihin mo sakin Kevin."
"Sinigawan ako ni Tito." Mas lalo siyang napaiyak.
"Shhh. Tahan na, ako ang gagawa ng paraan..." I patted his back.
"I LOVE YOU, vince..."
"I love you too." siniil ko sya ng halik at ganun din ang ginawa niya sa akin.
'Wag kang mag-alala gagawan ko 'to ng paraan.
BINABASA MO ANG
That Guy (bromance)(boyxboy)
Novela Juvenil[COMPLETED] Every story is a mainstream. And then, there's this one. ...... This story is about how love works between two opposite genders. Yoon Kevin fell in love with his bestfriend secretly. Pero, Paano naman kung ganoon din ang nararamdaman n...