Kevin's POV
Iniwan ko na lang si Tristan na nakatayo sa sulok ng Gym... Bwiset! Akalain mo hahalikan ako sa pisnge? Bitin!
Sana sa labi nalang, ay. Sayang na sayang naman.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang di ko nalang namalayang may nakabangga na pala ako. Ay OA ko naman, kaya ako tumatakbo kase baka magalit na talaga si Vince sa akin.
Tumango ako para malaman kung sino at nakita ko naman si Vince na hawak hawak ang dalawa kong kamay. Mukhang galit siya. Tinitigan ko lang siya ng inosenteng tingin.
"Bat ang tagal tagal mo ha?" tanong nalang niya bigla sakin.
"s-sorry kase may pinuntahan lang ako." Agad agad naman siya tumingin sa direksyon kung san ako galing at nakita niya si Tristan na lumalakad palayo.
"ah..." tanging sagot nalang niya sakin.
"Tara kain tayo, gutom na ako" anyaya ko sa kanya. Sumunod lang ito sakin na para bang bata.
Vince's POV
'Bat ang tagal naman ni Kevin?' bulong ko sa aking sarili. Ilang oras na kase akongnakaupo dito sa cafeteria. Naghintay hintay ako ng ilang oras... at ayun na irita na talaga ako kaya hinanap ko siya. 'Di naman kase makasagot sa tawag ko.
Naglakad lakad ako papuntang school ground nang nakita ko si kevin na tumatakbo papuntang direksyon ko. Nagkabanggaan kaming dalawa at mabuti nga dahil di kami natumba.
Tumango siya para tignan ako at tinitigan ko lang siya ng masama.aba aba, nagpapainosente pa sakin.
"Bat ang tagal tagal mo ha?" tanong ko sa kanya.
"s-sorry kase may pinuntahan lang ako." Tinanaw ko kung saan siya galing at nakita ko naman si Tristan, papunta siya sa ibang direksyon. Tsk Tsk. ano kayang nangyari sa kanya? Bad mo kase bro.
"ah..." tanging sagot ko nalang
"Tara kain tayo, gutom na ako" anyaya niya sa akin at lumakad na. Sumunod lang ako sa kanya.
Sa Cafeteria...
Nakatulala lang si Kevin habang kumakain... Sinubukan kong pisilin ang kanyang ilong at siya namang nagpabalik sa kaniya sa katinuan.
"Kanina ka pa tulala!" sabi ko.
"Ah. Sorry."
"Its okay, Baby... Pero may pino-problema ka ba?" Oo... ako na ngayon ang nagiging sweet. Eh ako naman palagi ah?
"ah... wala wala" Himala di na siya nagalit dahil tinawag kong 'Baby'.. "at wag mo nga akong ma 'baby' diyan" dagdag pa niya. nag pout na lang ako sa kanya... Ang cute niya kung magalit.
"okay" ako naman ang nagpacute.
"Kain na tayo." dagdag ko pa. Kinain na nga namin ang aming pagkain. Nabusog nga siya eh Kakatawa kase mamaya nag b-burp siya. (hahaha! asan yung joke?)
"Matanong nga... Kung mahal mo ang isang tao tapos naging kayo tapos mayroon namang tao na mahal ka din niya ano ang gagawin mo Vee?"
"Ano? pakiulit nga."
"Aish... Wag na nga!"
"Klaruhin mo kase di ko maintindihan."
"Okay... Ummm... Kung may mahal ka ng iba... Tapos may isang tao na may gusto rin pala sayo... anong gagawin mo?"
"simple lang... syempre aaminin ko na may iba na akong mahal at ikaw yun..." namula naman siya sa sinabi ko.
"..." natahimik na lang siya sabay yuko ng kanyang ulo.
"Huy! may sakit ka ba?" tanong ko naman.
"H-huh? w-wala wla." sagot naman nito, alam ko na may pinoproblema siya. Halata naman kasi sa mukha niya.
May lagnat ba si Baby?
Lumipas ang Apat na araw. Di na pumasok si Kevin, kase may lagnat siya sabi naman ni Lola Rosalinda. Kaya napagdesiyunan kong pumunta ng bahay nila. Dahil tama nga ako nang hula, may sakit si Baby.
Habang papasok ako nang kanyang kwarto ay nakita ko naman si Kevin na namamahinga. Kawawa naman si Baby...
"Hi." pumasok na ako at narinig din ni Kevin ang bati ko. "Musta na?"
"Okay lang... makakapasok naman ako sa Lunes ee." sagot naman niya.
"Eto oh" binigyan ko siya ng marshmallow.
"hindi na ako pwede niyan."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Nasobrahan na yata ako sa kakakain niyan eh, Hindi na daw pwede sabi ng doktor"
"Kaw kase, napakatakaw"
"Tse."
"Kaya nga mahal na mahal kita eh!" niyakap ko siya ng mahigpit. Namula na naman siya. Ang Cute talaga!
Knock Knock
Narinig namin ang pagkatok ng pintuan.
"sino yan?" tanong ni Kevin.
"si kuya Kyme mo to!" pumasok si Kyme sa kwarto niya.
"Ah nandito pala ang bestfriend mo... lalabas na lang ako." tinitigan niya ako ganun din ang ginawa ko sa kanya, pero masamang titig ang binigay ko.
"Ah... okay lang po yun Kuya."
"wag na lalabas na lang ako." at lumabas na nga siya. Binalik ko ang aking atensyon kay Kevin, tinitigan ko siya ng masama.
"Oh ano?" tanong niya.
"Palagi mo siyang kasama?"
"Siyempre natutulog siya dito eh, siya nga nagbabantay sakin" ngumiti siya ng loko.
"Ano?"
"Wag ka ng magalit, wala namang malisya doon. sayo lang ako bibigay." he smirked. Ngumiti lang ako at sinuntok ng mahina ang braso niya.
"Siya nga pala dito ako matutulog..." tanging ngiti nalang ang sagot niya... halata naman kase sa mata na natatakpan ng buhok niya na nasisiyahan siya...
"Oh siya... tulog na sa tabi ko!" Hindi namin na malayan na mag e-8 o'clock na pala.
BINABASA MO ANG
That Guy (bromance)(boyxboy)
Teen Fiction[COMPLETED] Every story is a mainstream. And then, there's this one. ...... This story is about how love works between two opposite genders. Yoon Kevin fell in love with his bestfriend secretly. Pero, Paano naman kung ganoon din ang nararamdaman n...