p r o l o g u e

15.1K 509 596
                                    



d e d i c a t i o n

To myself, whose mind is filled w/ story ideas but brain-dead in acads.

To my friends who gives me random and sometimes trash ideas

For bangtan, though I'm 2000% u will not read this but yeah u insfire the swaeg out of me

To my co-armys and co-potatoes, who made it to mpyasgd book 2

<3

~*~



CARMILLE's POV

Naglalakad ako papalapit sa mga bench nang may makita ako sa di kalayuan. I stopped on my track. Napatingin lang ako doon. Napatulala. Nakita ko siyang nakaupo, doon sa pwesto kung saan kami kuno unang nagdate. Sa pwesto kung saan ginive up niya lahat ng swaeg na meron siya para lang magconfess sa akin.

Nandun si Keith.

Nakayuko siya. May hawak-hawak siyang gumamela at lahat ng atensyon niya ay nakatuon doon. Nakatitig lamang siya doon sa bulaklak. Payapang tingnan si Keith. Halos makurot ko na ang sarili ko para lang mapaniwala ang sarili ko na totoo ito at hindi panaginip.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 4:15PM

Napabuntong-hininga ako at lumapit sakanya.

Napatingala sa akin si Keith. There goes his eyes. Yung mga mata niyang ang lakas makatitig. Yung mga mata niyang singkit, yung mata niya na gusto ko lang titigan buong araw. Yung mga mata niyang gusto ko sakin lang nakatingin at wala nang iba.

Napalunok ako. Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya ngayon. Nagpipigil ako ng iyak, nagpipigil ako na huwag lumuhod sa harap niya para magmaakaawang balikan ako.

Nakatingin lang sa akin si Keith. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Ni hindi ko nga rin mabasa ang aura niya. Nakatulala lang siya sa akin, nakatingin sa mga mata ko.

"Keith, nagmamakaawa ako." Naluluha kong sabi. Pinunasan ko ang luhang umagos sa may pisngi ko. "Sundan mo 'yung taong mahal mo."

Pakasabi ko noon, agad namang tumayo si Keith. Hawak-hawak niya pa rin ang bulaklak na gumamela sa kamay niya. Tiningnan niya ako.

"Okay. Thanks." Malumanay niyang sagot sa akin. Sa dinami-dami ng nilitanya ko, iyon lang ang natanggap ko mula sakanya.

Napayuko ako. Sunod-sunod at patuloy na nagsituluan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Kinagat ko ang lower lip ko para hindi ako ngumawa lalo. Di ko alam kung umiiyak ba ako at nasasaktan ng sobra dahil 'okay thanks' lang ang sinagot niya, o dahil umaasa ako na hindi siya papayag sa sasabihin ko.

Nag-assume na naman ako.

Tumingin ako kay Keith. Bahagya lang siyang ngumiti sa akin. Tapos...tapos tumalikod na siya at umalis.

Ganito pala kasakit na makitang malaya yung taong mahal mo. Ganito pala kasakit na makita siyang tumakbo palayo sayo at papalapit doon sa babaeng pinili niya.

Unti-unting nawala sa paningin ko si Keith. Wala na. Blurry na ang paningin ko dahil sa mga luha. Wala na.

I slowly turned my back. Ilang hakbang ang ginawa ko palayo. Gusto ko nang umuwi. Hinanap ko kung saan pinagpark ng driver namin yung sasakyan, natanaw ko naman iyon na nasa kabilang kalye lang. Kailangan ko lang magcross.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon