Yoongi 5 - Butterfly

5.6K 325 713
                                    

5


"'Yun nalang yata ang alam kong gawin, eh, ang masaktan at umiyak."





CARMILLE's POV

"Ako pa rin naman, Carmilita ko, di ba?" malungkot at tila umaasang tanong niya sa akin.


Hinawakan ko ang pisngi ni Shawn, saka pinunasan ang luhang umaagos galing sa mga mata niya. Ipinatong ko ang noo ko sa may balikat niya, at marahan ko siyang niyakap. Tiningnan ko siya sa mata saka sumagot, "Oo naman."

Shawn held my hand, he squeezed them as he smiled in my assurance. Ngayon, ayaw ko nang saktan si Shawn. Matapos nang mga pinagdaanan naming dalawa, ang dami kong narealize sa buhay. Totoo pala talaga yung kasabihan na, 'Nasa huli ang pagsisisi'. Ngayon, sobra kong pinagsisisihan yung nagawa ko kay Shawn. At ayoko nang maulit pa 'yun ngayon.


"Tara na?" yaya niya sakin.

Tumango-tango naman ako.


Hinawakan ni Shawn ang mga libro ko saka magkahawak-kamay kaming naglakad-lakad papunta sa parking lot. Tinupad niya 'yung promise niya na ihahatid ako pauwi ngayon. Sus, kelan ba hindi tumupad ng usapan si Shawn? Pumasok na kami sa loob ng kotse, he turned on the stereo. Ayun, para na naman kaming tanga na nagjajamming dito sa loob ng kotse niya. Panay ang headbang ko habang nakikinig sa bagong Cypher ng BTS, favorite song ni Shawn na ngayon ay favorite ko na 'din.

Isa 'to sa mga favorite ko tungkol kay Shawn, eh, kahit kanina medyo madrama, ngayon parang wala lang. Ang bilis niyang maka-get over sa mga bagay-bagay nangyayari lalo na kapag tungkol sa relasyon o problema naming dalawa. Sinisiguro niya na hindi awkward lagi. Kaya mahal na mahal ko 'to eh.


Habang nasa biyahe, ang dami na naming napagusapan. Naging okay naman ang business meeting nila kanina. Hindi nga lang siya makaka-attend ng dinner party mamaya dahil wala naman daw ako doon para maging partner niya. At isa pa, hindi rin naman alam ng mga magulang namin ang tungkol sa relasyon namin. Oo, hindi kami legal ni Shawn. Kaya minsan patago din kaming lumalabas. Pero kahit ganoon, pinangako namin sa isa't-isa na may tamang panahon para ipakilala namin ang isa't-isa sa mga kanya-kanya naming pamilya.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, nang bigla kaming lumiko palayo sa may subdivision ng bahay namin.


Nanlaki agad ang mata ko, "Hoy, teka nga, hindi 'to ang daan papunta sa bahay namin!"

"Sino bang nagsabi na iuuwi kita sa bahay niyo?" nakangising tugon niya sa akin.

Napaawang kaagad ang bibig ko, kung anu-ano nang kabulastugan ang pumapasok sa utak ko. Paano kung-- "Shawnito, kapag ako dinala mo sa Sogo malilintakan ka talaga sakin!!" sigaw ko sakanya.

Kingina naman kasi eh. Lagi kasi siyang sumasama sa JEth kaya ayan, nahawaan ng kalandian. Pinalo-palo ko siya sa braso, habang siya tawa lang ng tawa. May pagkaadik din talaga ang isang 'to.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" tanong ko sakanya.

"Secret." mapanlokong sabi niya saka kinindatan ako, rason para makatanggap siya ng malakas na kurot mula sakin.

May pasecret-secret pa siya ha. Inirapan ko nalang siya at nakisama sa kung anumang trip niya sa buhay. May tiwala naman ako dito eh kahit minsan ang weirdo.


Di nagtagal, nagparking siya sa tapat ng isang compound na may sobrang laking gate. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan ako palabas ng kotse. May isang lalake siyang kinausap sa may gate tapos pinapasok na kami sa loob ng compund. Isang malaking karatula na may nakasulat na "Butterfly Garden" ang sumalubong sa amin. Amaze na amaze ako, seryoso. Sobrang ganda ng pagkakaayos ng mga bench at mga mini tables. Nakatrim ng maayos ang mga halaman at sobrang ganda ng pagkakalandscape--talagang pinagplanuhan at ginastusan.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon