Yoongi 36 - Alferez
KEITH's POV
"Na-miss mo ba 'ko?"
Eksaktong matapos kong sabihin 'yun kay Johann, isang malakas at puwersadong suntok ang natanggap ko mula sa kanya. Ang isang suntok, nadagdagan pa ng isa hanggang sa matumba ako ulit sa sahig. Agad siyang pumatong sakin at pinaulanan ako ng suntok. Sinusubukan ko siyang itulak palayo, at sinasangga ang bawat suntok niya.
Ilang minuto pa ang lumipas at agad naman kaming naawat. Ngayon ko lang din napansin na nasa loob na rin pala ang tatay nila Carmille, nakakunot ang noo nito at halatang galit na galit sa nasaksihan niya.
Agad akong tinulungan ni Carmille na makatayo, at halos mapapikit ako sa hapdi at sakit sa may panga ko na medyo napuruhan ni Johann.
"Napakawalang-hiya mo! Umalis ka sa pamamahay namin!" sigaw ni Johann habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng ilang katulong at security member ng tatay niya.
"Sa pamamahay ko pa talaga kayo nagbabasag-ulo?!" sigaw ng tatay ni Carmille. Sa boses ng tatay nila, bahagyang tumahimik at kumalma si Johann.
"Pa--" Carmille called her dad, an attempt to test his father's mood.
"I expected better on you, Carmille! Hindi ko aakalain na mag-uuwi ka ng lalake sa pamamahay na 'to nang hindi nagpapaalam sa akin!" singhal ng tatay niya dahilan para matahimik si Carmille.
"Umalis ka na sa bahay namin, Alferez, bago pa kita mapatay." banta ni Johann.
I can only smirk at his empty threats. Napuruhan man niya ako ngayon, hindi ko na hahayaan na mahawakan pa ako ng lalakeng 'yun kahit kapatid pa siya ng babaeng mahal ko.
Napahingang-malalim ang tatay ni Carmille at nilapitan nito si Johann, "Can you please calm down? Hindi ba't pinakabilin sayo ng doktor na huwag masyadong ma-stress or any strong emotion that could trigger you? Ako na ang bahala dito, umakyat ka na sa kwarto mo."
"Pero, dad--"
"Sa kwarto na ang diretso, Johann!" their dad spoke with finality. Kahit si Carmille hindi rin makatingin ng diretso sa tatay niya.
Everyone of us seem shaken. Ang mga katulong nila na mukhang hindi sanay sa ganitong galit ng amo nila, dali-daling nilinis ang sahig na may bahid ng dugo mula sa akin at kay Johann. Hindi naman nawala sa tabi ko sa Carmille na nakahawak lang sa kamay ko.
'Di nagtagal, lumapit sa amin ang tatay ni Carmille. His expression were serious, like a strict father ready to discipline his child. "Alam mo bang matagal ka nang hinahanap ng mga magulang mo, tapos dito ka lang pala nagtatago?" tanong niya sa akin.
"Pa, kasi--"
"Hindi ikaw spokesperson ni Keith, Carmille. I want him to answer by himself." galit na tugon sakanya ng dad niya.
Napatingin nalang ako kay Carmille, saka bahagyang pinisil ang kamay niya. "Tito, mahabang kwento. Pero uunahan ko na po, wala pong kinalaman si Carmille sa paglayo ko sa mga magulang ko," tugon ko, tinutukoy ko ang mga Alferez nang banggitin ko ang salitang pamilya. "In fact, tinutulungan lang po ako ni Carmille na bumalik sakanila bukas, kaya nya ako dinala dito para mas madali niya akong maihatid bukas sa bahay." paliwanag ko.
Lumapit si Tito sa ref at inabutan ako ng ice pack para sa namumuong pasa sa mukha ko. I muttered a soft thank you and accepted the ice pack, hissing a bit when my skin came in contact with the cold pack.
Sumandal si Tito sa kitchen counter at hinarap kaming muli ni Carmille, "Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis ng bahay nung gabing naaksidente siya? At ni isang beses hindi ko man lang nakita ni anino mo para bisitahin o kumustahin man siya! Ngayon bigla kang susulpot na naman ulit sa buhay niya. Kaya sabihin mo nga, Keith, ano ba talagang gusto mong maging parte sa buhay ng anak ko?"
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending