10
"My whole life, and my surname is reserved for you."
CARMILLE's POV
Ni ayokong ikurap ang mga mata ko.
Natatakot ako na baka sa isang iglap, mawala siya. Natatakot ako na baka magising ako sa pantasya na 'to.
Hindi ko alam kung anong itsura o reaksyon ko. Nanginginig ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Nakatingin lang ako sa mata niya, nagpapalunod sa tingin niya. Hindi ko nga siguro malalaman na umiiyak ako, kung hindi niya lang pinunasan yung luha ko gamit ang hinlalaki niya. Nakasuot siya ng color black na tuxedo, nakaayos ang buhok, disenteng tingnan.
"Carmilita ko." pagtawag niya ulit, this time masyadong consoling yung boses niya. Yung tila, pinapatahan niya ako.
Isang mahigpit na yakap ang sinagot ko sakanya. Nang maramdaman kong hinapit niya ng mahigpit ang bewang ko, at binaon niya sa leeg ko ang ulo niya, dun lang ako humagulgol ng sobra. Wala akong pakialam kung masira man ang make up ko, ang importe nandito siya ngayon kasama ko.
"S-shawn." umiiyak kong sabi.
Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sakin tapos pinagmasdan niya ulit ang mukha ko. Napangiti siya sakin habang inaayos ang buhok sa gilid ng tenga ko. Dahan-dahan niyang pinisil ang pisngi ko at saka niya ako hinalikan sa may noo. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan. Kinuha niya ang kamay ko, pinagmasdan niya 'yun tapos hinawakan niya ito ng mahigpit.
Para siyang batang nakatingin sa isang teddy bear habang tinititigan niya ang magkahawak naming mga kamay. Hindi ko maiwasang hindi mamula sa ginagawa niya. Unti-unti akong napapangiti sa pinaggagawa ni Shawn, pero agad din itong nawala nang masaksihan ko kung paano siya napapikit at parang pinipigilan ang sarili niya mula sa pagiyak.
Pinisil ko ang kamay niya dahilan ng pagmulat niya, at kasabay nun ang pagdaloy ng ilang luha sa mata niya. May kung anong kumurot sa loob-loob ko nang makita ko siyang nagkaganun.
"Sorry, Carmille." aniya. "Sorry sa nagawa kong kagaguhan nitong mga nakaraan. Sorry kung pinagaalala kita lagi, sorry kung nasaktan kita, sorry kung sa bawat paglapit mo lagi akong lumalayo, sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko." sabi niya habang nakayuko.
Alam kong sumobra din talaga ang panggagago sakin ni Villareal. Pero ganun siguro talaga kapag mahal mo, ano? Yung tipong isang sorry lang nila, nanlalambot ka kaagad at parang bulang nawawala yung galit mo sakanila. Ayoko nang patagalin pa ang ganitong problema sa pagitan namin ni Shawn. Hinawakan ko siya sa pisngi at iginaya siyang tumingin sa akin. Ngumiti ako sakanya at inipit ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay, mukha tuloy siyang nakapout.
"Sorry din kung naging makulit ako. Hindi ko inintindi 'yung gusto mo na bigyan kita ng kaunting space." nakangiti kong sabi, nagpipigil ng luha "Siguro ako talaga 'yung may problema eh. Kasi kung naging understanding lang ako, kung naging masunurin lang sana ako sayo, kung hindi lang ako naging insensitive--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Naramdaman ko nalang ang hininga niya malapit sa may tenga ko, bigla siyang bumulong, "Mahal na mahal kita, Carmilita ko."
Abot hanggang tenga ang ngiti ko nang sabihin niya yun. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pakiramdam ko ako na 'yung pinakamasayang tao sa mundo. Hinigit ko siyang papalapit sakin at tumugon sakanya.
Ilang oras kaming nagyakapan at bahagyang sumasayaw-sayaw. Sa sobrang focus ko kay Shawn, hindi ko na napansin ang buong paligid. May nakakalat na santan sa buong sahig ng pavilion, may naka-set na table para sa aming dalawa at halos nanlaki ang mata ko nang mapansin ang saxophone niya na nakapatong sa upuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/76963864-288-k587349.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending