Yoongi 23
Maybe back then
If I had the courage to stand before you
Would everything be different now
KEITH's POV
Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang magtama ang tingin namin ni Johann. Napangisi siya ng makita ako at agad niya akong sinenyasan na lumapit sakanya. This piece of sht right here is really testing my patience. I sat across him and silently watched as his face lit up with the familiar smug.
Hindi ko maiwasang hindi maalala ang nangyari noon. It was the same face he flashed before at me when he tried to 'protect' and 'claim' Vanessa away from me.
"Say whatever it is that you want to say." Una ko.
"Hindi sisipot si Carmille." Nakangisi niyang sabi saka uminom sa inorder niyang kape.
"Bullsht." I snapped.
He evilly chuckled. "Kilala mo ko, Keith. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang mga taong mahal ko." Bahagya siyang lumapit sa akin. Mas lalo akong nangating suntukin ang mukha niya para mawala ang angas sa pagmumukha niya. "At hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit ang nakaraan para maingatan ko lang si Carmille mula sayo."
Natahimik ako at napalunok. Umiwas ako ng tingin kay Johann. Pinipilit ko nalang na kumalma kahit punong-puno na ako sakanya. Simula pa nung nagkita kami sa bahay nila, simula noon pa—nung dinamay niya si Lia sa kagaguhan niya.
Kinuha niya ang handbag niya saka tumayo. Tinapik niya ang balikat ko na para bang babala at nilisan na niya ang café. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko mula sa bulsa ko para itext si Carmille.
Maghihintay lang ako dito.
May tiwala ako kay Carmille na tutuparin niya ang pangako niya. Na pupunta siya.
Hindi ko alam kung ilang oras pa ang ginugol ko sa loob ng café. Dumaan na ang alas-onse ng gabi. Pasara na ang café pero naghintay pa rin ako sa labas, nagbabakasakali na dumating pa rin siya.
Nakaupo lang ako sa hood ng kotse ko, naghihintay na baka kahit alanganin na ang oras ay sumunod pa rin siya. Sa kada oras na lumilipas, hindi ko nagawang mawalan ng loob. Lumipas na ang alas-dose, ala-una, dumating na ang alas-tres ng umaga.
Pero wala.
*****
"Mind telling us what happened? Bat ka natulog sa parking lot? Hindi ba sapat yung mansion niyo para—"
"Aquino, shut up." Singhal ko sakanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay saka nagtinginan sila ni Alexis.
Dumating si Jace at Seth, dala-dala ang ilang plato ng pagkain. Kasalukuyan kaming nagsasalo-salo ng almusal sa paborito naming breakfast house. Buti nalang at nasakto na mamayang after lunch pa ang schedule ng klase ko.
"Dalawa lang ang rason kung ba't mukhang naagawan ng gilagid si Keith. Either, hindi siya sinipot o kaya hindi siya tanggap. Choose your fighter." Daldal ni Jace dahilan para matawa si Red at Alexis.
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending