Yoongi 17 - Promise

3.1K 192 361
                                    

17



"I can't promise you that I'd stay and won't ever leave again, but I can promise that I'd keep you safe."


CARMILLE's POV

"For our everlasting happiness! Cheers!" masayang sabi ni Vanessa saka itinaas ang shot glass. We immediately gulped that shot of tequila down. Nasamid ako sa lasa at madaling inabot ang chaser.

Napansin naman yata ni Vanessa ang itsura ko kaya agad niya akong tinapik sa likod. Medyo nahihilo na ako, hindi dahil sa nainom ko kundi dahil sa ingay sa paligid samahan pa ng mga nakakasilaw na ilaw sa loob ng bar.

"Carmy, you're too weak!" I heard her giggle. Lagot na. Mukhang tipsy na ang isang 'to.

Hindi naman gaanong puno ang club kaya mas pinili namin ni Vanessa na dito nalang kami mag-''hang out'' kuno pakatapos namin magshopping kaninang umaga.  

Bago pa naman ako umalis ng bahay, malinaw ang warning sa akin ni Kuya Johann: No getting drunk. At mukhang, kabaliktaran nga ang nangyari dahil kaunting inom nalang, siguradong tumba na si Vanessa. Jusko, sana huwag naman.


Hindi ko na hinayaan pa na mag-order ng isa pang inumin si Vanessa. Ayaw ko naman kasi na akayin siya pauwi; isa pa, hindi ako marunong magdrive ng sasakyan. Sad di ba? Kaya para malibang kami, umupo kami sa isang couch sa far end corner ng private room area ng bar saka naglaro ng game sa isang app. Who would've thought is more fun?

"So, Shawn broke up with you, huh?" tanong niya bigla dahilan para ma-exit ko yung game na nilalaro ko.

"Lasing ka ba?" pilosopo kong tanong.

"Not that much, silly! Ok, stop changing the subject and answer the damn question! Are you single now or still tied to him?"

Natahimik ako. Kainis ang babaeng 'to. Kita mong sinusubukan ko na ngang makalimot eh tapos ipapaalala pa sa akin.

"Wala na kami." simple kong sagot.

I heard sigh beside me. Sumandal siya sa balikat ko saka napatingin sa flower vase na nakalapag sa mini table sa harap namin. "I know Shawn. He really liked you a lot and his feelings for you are real. Di ko alam kung paano niya nagawang iwan ka lang ng basta-basta; it's either he's just being a jerk or if he has deeper reason."

Sinandal ko nalang din ang ulo ko kay Vanessa, "I don't know. Kung may rason man siya, I don't wanna hear it. Tutal, wala naman nang mababago, di ba? He made a decision to leave me and now I decided to forget and move on." sagot ko.


Ito na siguro ang pinakaunang girl talk namin ni Vanessa. Hindi ko inaasahan na aabot ang friendship namin sa ganito dahil, noon, karibal at kontrabida ang turing ko sakanya. It felt nice to have someone whom you can confide your feelings to. Ayoko naman kasing magkimkim ng galit kay Shawn at sisihin siya.

"Nah. I still wanna hear Johann's reason why he's avoiding me. At least ikaw, may rason ka para masaktan--dahil wala na kayo ni Shawn. Pero ako, iniiwasan niya ako ng walang sinasabing dahilan." masyadong malungkot ang boses ni Vanessa nang sabihin niya 'yun. Gusto ko man na mapagaan ang loob niya, wala akong pwedeng maicomfort sakanya dahil ako din mismo walang alam.


Nothing really stays forever. Yung kami ni Shawn, yung feelings ni Kuya Johann kay Vanessa. Ang daming pwedeng mabago, ang daming pwedeng umalis, mawala, dumating. Life is an endless possibilities. Kaya mas okay siguro kung makikisama nalang ako sa agos.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon