Yoongi 31 - Kiss and Hug

1K 62 67
                                    

Yoongi 31



Our relationship may not be perfect, but it's real.



KEITH's POV

"Hell, no! Keith, please, I'm not ready for that!" maktol ni Carmille habang pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng hotel room niya.

I sighed then walk up to her and hold her arms to keep her still. She does this when she's anxious in addition to bitting her lower lip while looking at the floor. "Trust me, it's gonna be fine. She'll like you."

Napairap siya sa akin at dahan-dahan na winakli ang kamay ko sa braso niya, "Keith, teka, hindi mo 'ko naiintindihan, eh. I'm going to meet your mom! As in your biological mom! And I'm not ready for any criticism or whatever! What if she just hates me when she sees me?" she reasoned out, arms

Napatawa ako sa pagiging overreacting niya. "That's not gonna happen. I loved you when I first saw you."

"Ikaw 'yun, hindi ang Mama mo." mabilis niyang sagot saka napairap.

Lalong lumakas ang tawa ko sa sagot niya, "Come on. Siya mismo ang nagsabi na gusto ka niyang makilala sa personal." pagpupumilit ko pa.

"Yup, you've said that already and that's not convincing me."

"Queen, please? Pagbigyan mo na si Mama.

"Keith..."

Lumapit akong lalo sa kanya at pinagdikit ang noo namin sa isa't-isa saka bumulong, "Please? Give her a chance. She's a mother who wants to meet the girl who makes her son happy."

She started smiling, cheeks blushing when I said those words. She just nuzzled her head against my chest and I know the answer already.




Kinabukasan, ako ang huling gumising at huling dumulog sa dining table. They're currently having breakfast and I joined them. Napansin ko kaagad ang seryosong aura na pumapalibot sa amin ngayon. Tipid na ngumiti sa akin si Papa at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Danni, tungkol ata sa casino.

Hindi nalang ako nakialam. I minded my own business, eating peacefully while trying to think of ways how to ace my exam today and secretly meet Carmille at the university. Abala ako sa pagkain nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ni Danni sa tabi ko. Napatingin ako sakanya. She seemed distressed and worried.

"Gawan mo 'to ng paraan, Danni. Hindi pwedeng may umatras na naman na investor at sa mga Javier na naman sila mapunta." sabi ni Papa. The authority in his voice was evident, sending all of us, even me, in chills.

"I'll do my best, dad." sagot naman ni Danni.

"I don't need the best. I need the greatest effort from you. 'Wag mo 'kong ipapahiya." pagtatapos ni Papa saka siya tumayo at iniwan kami sa hapag. Napabuntong-hininga naman si Mama at inutusan ang personal nurse niya na itulak ang wheelchair at sundan si Papa.


Naiwan kaming dalawa ni Danni. Nakatulala lang siya sa plato niya, hindi gaanong nagalaw ang pagkain. The urge to comfort her was strong, yet something in her aura tells me to back off. Kilala ko si Danni, gusto niyang mag-isang tinatrabaho ang lahat, mag-isang inaasikaso ang mga bagay-bagay.

"Something happened in the company?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin saglit saka inabot sa akin ang iPad niya, "Yeah," Naka-open ang isang news media website sa screen ng iPad. Doon ko nakita ang isang news article at nasa headline photo ang mukha ni Seth at ng ama niya.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon